ALL-OUT SUPPORT FROM GMA-7. Natutuwa naman si Katrina dahil all-out ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother studio, ang GMA-7, sa laban niyang ito. "Mula sa umpisa ng kaso hanggang ngayon, nakita ko yung moral support nila sa akin," sabi niya.
Happy rin si Katrina sa suporta ng Kapuso network sa kanyang career dahil hindi siya nababakante sa trabaho.
"Super-happy ako na after Rosalinda, nasa Darna naman ako."
MARICAR REYES. Hindi lang si Katrina ang may sex video with Hayden, kundi pati na rin ang Kapamilya telent na si Maricar Reyes. Pero hindi kailanman nagpa-interview si Maricar tungkol dito.
Ano ang masasabi ni Katrina na sa kabila ng eskandalong kinasangkutan ni Maricar ay maganda pa rin ang takbo ng career nito?
"Happy naman po ako na hindi siya pinapabayaan ng network niya. At least, nakakapag-move on din siya. Ako, hindi ko pa man masabing fully recovered na ako, mas tumibay ang loob ko ngayon. Ang dami kong hinarap, di ba? Ang dami ko pang hinaharap at haharapin pa. Lahat 'yon nalampasan ko at lalampasan ko pa. At 'yong maraming taong sumuporta sa akin ang nagpatibay ng loob ko talaga," pahayag ni Katrina.
AFRAID TO LOVE AGAIN? After her failed relationship with singer Kris Lawrence ay hindi pa ulit nakikipagrelasyon si Katrina. Kailan kaya muling susubukan ni Katrina na magmahal?
"Naku, mahirap po 'yan!" tawa niya. "Right now, wala rin po akong manliligaw."
Natatakot na ba siya sa mga lalaki dahil sa nangyari sa kanya?
"Baka sila ang natatakot!" tawa na naman ni Katrina. "Basta wala muna pong ganyan. Kasi... Di ba, trabaho na lang po muna? Si Kris, okey naman po kami. Magkaibigan kami. Sinusuportahan niya ako. Ayoko po muna ng karelasyon."
So, close pa rin sila ni Kris?
"Opo. Pumupunta pa rin siya sa bahay."
Masasabi pa rin ni Katrina na special pa rin sa puso niya si Kris dahil palagi raw itong nandiyan para sa kanya at sinusuportahan siya.
So, may posibilidad bang magkabalikan pa sila?
"May chance kung maghihintay siya," sagot ni Katrina. "Basta ako, kapag may tiyaga, puwede, di ba? Bahala na po. Pero sa ngayon, wala po muna akong interes sa lovelife. Hindi muna sa ngayon."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
162 gmacertifiedno2
161 gmacertifiedno2
160 gmacertifiedno2
159 mac_guy_ver
158 FrancisKo
kaya yon iba NA balat ahas, punta na kayo kay Vicky Belo, ipatanggal ninyo ang kati yon TAGO!
157 hindiakokapuso
156 shubby_weak
dedma na sa mga detractors, puro lang naman sila salita, ang importanhte alam mo kung ano ang pinaglalaban mo.
may awa ang diyos, ibibigay sayo ang hiling mo dahil mabuti kang tao.
nagkamali ka man, marunong kang magbago at tumayo sa pagkakamali mo
155 FrancisKo
154 Franz1227
153 FrancisKo
152 mazayaako
151 FrancisKo
150 FrancisKo
YONG MGA NAG-MAMALINIS, TANDAAN NINYO, yun pupuntahan ni Hayden, pupuntahan din ninyo!
149 mzkhen28
What happened to you is what you call Karma, nakisawsaw ka sa relasyon ng may relasyon...kaya wag mong igiit yang bulok na katwiran na nagmahal ka lang
lahat ng bagay sa mundo may limitation...
OA ka na gumanti kay Hayden, ngaun gusto mo pa makulong yung Tao, pati si Vicky na inagawan mo na nga, gusto mo rin idemanda....wag ka naman masyadong sakim....hindi ka mabababoy in the 1st place kung hindi ka nagpababoy...
148 hooney
147 coycoy123
146 hunthers57th
145 switsexytintin
144 kylakapuso
143 whimsical
more comments