features

Katrina Halili still wants Hayden Kho in jail

by Rommel Placente posted on December 11, 2009  STATS: 210 Views | 162 Comments


Actress Katrina Halili is still not satisfied with the revocation of Hayden Kho's medical license. "Kulang pa yun. Kulang pa yun... 'Tapos, sana ano... maparusahan naman po siya sa ginawa niya. Sana makulong pa siya," says the StarStruck alumna.

Photo By: Courtesy of GMA-7

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Katrina Halili sa mismong tahanan niya sa New Manila, Quezon City, noong Martes, December 8.

Ayon kay Katrina, nakarating na sa kanya ang balita na tinanggalan na ng lisensiya ng Professional Regulation Commission (PRC) ang idinemanda niyang si Dr. Hayden Kho dahil sa pagkuha nito ng video ng kanilang sexual act na kumalat sa Internet. Pero hindi pa rin daw masaya ang aktres dito.

"Kulang pa yun. Kulang pa yun," sabi ni Katrina.

Hanggang saan ba ang gustong mangyari ni Katrina kay Hayden?

"Yun nga, malaman niya na nagkasala siya, magsisi po siya. 'Tapos, sana ano... maparusahan naman po siya sa ginawa niya. Sana makulong pa siya," diretsong sabi ng StarStruck alumna.

HAYDEN'S REPORTED SUICIDE ATTEMPT. Kamakailan ay napabalita na nagtangkang magpakamatay for the second time si Hayden. Aware din daw si Katrina sa balitang ito kay Hayden.

"Narinig ko po 'yon. Pero ayoko po munang mag-comment kasi hindi po kami puwedeng magsalita. Kasi may kaso po kami," iwas niya.

Kahit galit si Katrina kay Hayden ay hindi naman daw niya ikinatutuwa ang balita tungkol sa muling suicide attempt nito.

"Sobrang naaawa na ako. Alam niyo 'yon, pero... hay naku! Huwag na lang... hindi na lang po ako magku-comment," pagpigil ni Katrina sa kanyang sarili.

Samantala, itinanggi na ni Hayden at ng kanyang pamilya na nagtangka siyang magpakamatay. "Intestinal flu" lamang daw ang dahilan ng pagkaka-confine niya sa hospital.

Ilang tulog na lang ay Pasko na. Paano kung biglang magpunta sa kanilang bahay si Hayden at humingi ito ng tawad sa kanya? Ano ang gagawin niya?

"Huwag po siyang magpaka-plastik. Tapusin na muna namin yung kaso namin, di ba?" sagot ni Katrina.

THE FIGHT CONTINUES. Present sa lahat ng kanilang hearing si Katrina. Gusto raw kasi niyang ipakita na talagang desidido siya na ituloy ang kasong isinampa niya laban kay Hayden, ang lalaking minsan ay minahal niya.

Kaugnay nito, personal na nagtungo si Katrina at ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymund Palad sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, December 10. Dinala nila ang written request at resolution ng Department of Justice (DOJ) na nagsasaad ng direktiba sa NBI na imbestigahan ang apat pang iba na posibleng sangkot sa pagpapakalat ng sex video nina Katrina at Hayden.



Kabilang sa pinaiimbestigahan ni Katrina sina Cedric Lee, partner ng singer-actress na si Vina Morales; Cris Arenas, sinasabing anak ni Rosemarie “Baby" Arenes; Mario Villaroman, computer expert; at Joy Umandap, empleyado ng Belo Medical Group.

Ayon sa GMA News, ang pangalan ng apat ay nabanggit diumano sa meeting na ginawa nina Hayden, ang girlfriend nitong si Dra. Vicki Belo, ang talent manager na si Lolit Solis, at isang abogado.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

162 Comments

  • 82  kikay75

    12/12/2009 | 02:47 AM
    Sobra kana Katrina akala mo naman nirape ka ni Hayden..natanggalan na nga ng lisensya ang tao at kahit na lalaki sya sobrang humiliation din ang inabut nya to the point na gusto na nyang magpakamatay. Wala pa rin ang simpatya ko sa iyo dahil di mo pinangalagaan ang dignidad mo. Nag agaw ka ng boyfriend worst is tinuring kapa naman anak ni Bello.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 81  ladiv2k

    12/12/2009 | 12:50 AM
    ..ikaw naman ang magiging babae sa kulungan..watch out for hidden camera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 80  zealy

    12/12/2009 | 12:36 AM
    Hayden Kho manyak
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 79  ck628

    12/11/2009 | 11:52 PM
    kung may kasalanan si hayden meron din si katrina..ginusto niya lahat ng nangyari sa buhay niya di naman siya pinilit ni kho..she knows na may vicky hayden bat niya pinatulan..parehas lang silang may kasalanan...at least si maricar she knows where she stand and she deserve big respect for what she did..We are very responsible on what we are doing..Poor Katrina ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 78  seikolang

    12/11/2009 | 11:30 PM
    manilaphils... i agree with u but look to the otherside din if katrina should also have respect for herself and for another woman like v. belo and also for her own family she should have thought about doing it and shes a public figure too di rin niya na consider ung mga ganun bagay kaya in a way its a lesson for her too kaya tama ung nag sabi na vindictine na siya kasi napahiya siya ng sobra
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 77  Bruhakatalaga

    12/11/2009 | 10:54 PM
    I meant:
    NAG-AGAW ng BOYFRIEND ng may boyfriend nor will she be the last....marami diyan sa tabi-tabi or sa kapaligiran. Sino bang tao ang hindi nagkakamali sa naging decision nila sa buhay? It was a lesson for her...and, hopefully, she learned from it.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 76  Bruhakatalaga

    12/11/2009 | 10:49 PM
    Agree ako sa iyo manilaphils.
    Well, opinion ko lang ito at wala sanang magalit!
    Hindi lang naman si Katrina ang nang-agaw ng boyfriend, di ba? Ouch!
    Hindi naman siya nagmamalinis. Ang ipinaglalaban lang naman niya is yung pag-re-record ng s--act nila. Hindi naman niya sinabi na hindi siya nag-enjoy. Ang ayaw lang niya siguro is yung pagkuha ng video without her consent. Kabastusan naman talaga yun eh. Kayo kaya ang makipag-s-- sa nobyo/asawa ninyo then kunan rin ng walang paalam, ano ang mararamdaman ninyo? S-- is normal sa dalawang taong nagmamahalan or hindi masyadong nagmamahalan LOL pero dapat that is just between the two of them. Si Hayden, pinagsasabi pa and/or pinapakita pa yata sa mga friends niya. Sobra naman yun. Ang mali lang talaga siguro ni Katrina is na-in love or in-lust! siya sa isang maniac na manghuhuthot.
    Remember people, maunang bumato ang taong walang kasalanan. Stop being hypocrites.
    Hindi si Katrina ang unang babae n
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 75  rockasia1

    12/11/2009 | 10:32 PM
    XMAS na tita...forgive mo na sya and be happy...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 74  superheaded

    12/11/2009 | 10:22 PM
    kung hindi ka nabuking katrina sa pinaggagawa mo im sure nasasarapan ka pa hangang ngayun at patuloy kapa ring nanloloko.kaya logically, pasalamat pa rin sa nag upload.kung hindi naupload im sure hindi nahinto ang ginagawa nya.
    kung may kasalanan si hayden, dahil lalaki lang sya..di tutukain kung di nagpapatuka...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 73  superheaded

    12/11/2009 | 10:21 PM
    kung hindi ka nabuking katrina sa pinaggagawa mo im sure nasasarapan ka pa hangang ngayun at patuloy kapa ring nanloloko.kaya logically, pasalamat pa rin sa nag upload.kung hindi naupload im sure hindi nahinto ang ginagawa nya.
    kung may kasalanan si hayden, dahil lalaki lang sya..di tutukain kung di nagpapatuka...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 72  superheaded

    12/11/2009 | 10:13 PM
    Super OA kana katrina,kala mo kung sino kang malinis na kaluluwa!!tse!! sana may lisensya din itong mga artista kasi sila yung napapanood ng publiko,at tulad ng ginawa ni katrinang lumandi sa lalaking may gf, nakikisiping sa lalaking alam nyang may nagmamay ari ay pwede ding iparevoke ang lesensya at dina mapanood sa telebisyon at publiko. para fair ang laban noh!! nagmamalinis pa!naging ipokrita tuloy!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 71  classylady

    12/11/2009 | 10:09 PM
    Naku Katrini tama na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 70  anniemae

    12/11/2009 | 10:06 PM
    ikulong ang manyak,maging ARAL ITO SA MGA IBANG may HAYDEN CAM hahahah pasalamat sya nasa pinas sya kong andito yan Sa US KULONG NAYAN..gusto lang nitong manyak na ito nasa news nyhaha kong gusto mo mag pakamatay tumalon ka sa bldng.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 69  SweetSquirrel

    12/11/2009 | 10:00 PM
    dapat may batas din para sa mga babaeng nang aagaw ng boyfriend ng may boyfriend, ayan ang napala ni katrina sa pagsama- sama sa lalaking may karelasyon pa. O, ano ngayon nabuking ang sekteto ninyo kung hindi pa lumabas yang video! walang delikadesa, low life! akala mo laging aagawan ng lalaki.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  lovelyours

    12/11/2009 | 09:56 PM
    Sa tingin ko, hindi naman nya gustong kunin yung simpatiya ng mga tao. Siguro, nahiya lang talaga ng husto si katrina sa video at mukha namang wala sya talagang alam na nakuhanan pala ng video yung sex nila ni hayden. Bata pa si Katrina, talagang kahit sinong bata pa, pinepersonal nila yung pakikipag-sex kahit sabihin nating sa maraming lalaki, talagang masasarapan sya sa sex. Eh kung yung mga matatanda nga, parang di nagsasawa sa sex, yun pa kayang bata na katulad ni Katrina. At isa pa, wala akong balita na kung sino sino ang naging BF nya. O kung sino sinong lalaki ang pinapatulan nya. Tama yung isang comment dito, na siguro, pinaniwala sya ni Hayden na wala na sila ni Dr. Belo. Wag nating husgahan si Katrina, dahil lang sa mga tv role nya, sya yung tipo ng babaeng, minsan lang maloko, pero, marunong lumaban ng karapatan nya!, Sana ma-get nyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 67  futyakmod

    12/11/2009 | 09:55 PM
    ai... may Katrina Halili pa palang nageexist.

    paenosinte effect ang babaing ito.

    for your info Katrina, same kayo ni Hayden. PIGlets.
    atleast si Hayden nagsisisi, eh ikaw?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  nutcracker

    12/11/2009 | 09:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  fanhan

    12/11/2009 | 09:46 PM
    Si Hayden daw sa abs cbn nalang magpa interview. he will give the ratings to abs hahahaha! hay naku hayden...

    it wouldnt have gone this far hayden if you had apologized. wala ka kasing respeto sa babae eh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  nutcracker

    12/11/2009 | 09:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  ladybeetle

    12/11/2009 | 09:22 PM
    Hopefully, maparusahan din kung sino man ang nagnakaw at nagpasiwalat sa nasabing video. Kung hindi sila/siya maparusahan, para bang sinabing pwede palang pag-alaman ang private things/property ng isang tao, condemning/punish the owner pero lusot ang nakikialam. Dapat makulong din sila kasi sila ang naghasik ng lagim na pinagsimulan ni HK. They are the accessories of the crime.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About