features

Bangs Garcia denies issue with former Magkano ang Iyong Dangal? lead star

by Rommel Placente posted on January 20, 2010  STATS: 1138 Views | 17 Comments


  "Talagang inasahan ko na magkakaroon ng isyu about agawan and breakup ulit dahil nga, originally, sa kanya ito [Magkano...]. Pero hindi...wala po sa akin yun," says Bangs Garcia who, after being suspected as the reason behind the Roxanne Guinoo-Jake Cuenca breakup last year, is again being accused of stealing Roxanne's role in Magkano ang Iyong Dangal?

.

Photo By: Sany Chua

Bida sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na Magkano ang Iyong Dangal? ang seksing si Bangs Garcia. At kahit di pa ganun katagal sa industriya, sa unang seryeng pinagbibidahan niya ay dalawa na agad ang  leading men niya, sina Rayver Cruz at Sid Lucero.


Tuloy, may mga makakati ang dilang nagpapasaring kung bakit pinagkatiwalaan agad si Bangs ng sarili nitong serye gayong halos baguhan pa lang ito at sa tingin pa nga ng iba ay tila hilaw pa ito para magbida.

Ano ang reaksyon ni Bangs dito?

"Actually ako rin po feeling ko hilaw ako," sagot agad ng dalaga nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Magkano ang Iyong Dangal? na ginanap sa Training Hall ng ELJ ABS-CBN Building, kahapon, January 19.

"Pero I really feel blessed na it landed nga on my lap. So, sa akin lang, mas pagbubutihin ko. Promise ko sa sarili ko that I will try my best para po hindi ma-disappoint sina Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN President] at ganundin si Direk Chito Roño (direktor ng Magkano ang Iyong Dangal?) na kaya kong gawin itong teleseryeng ito."

ISSUE WITH ROXANNE. Si Roxanne Guinoo ang original choice para sa role na napunta kay Bangs. In fact, nakapag-taping na para rito si Roxanne. Pero dahil sa personal reasons ni Roxanne, ay bigla itong nag-back out sa drama series. Kaya tuloy napunta kay Bangs ang bagong proyektong ito ng Kapamilya Network.

Ani Bangs, noong una'y di siya aware na para kay Roxanne ang role sa Magkano ang Iyong Dangal?.


"Nalaman ko lang po ito nung first taping day ko. And sa tingin ko naman po hindi naman po big deal kung talagang second choice lang ako o mapa-third choice man ako o mapa-last choice man ako diyan. Ang importante po, I was given this work, yun po ang importante," katuwiran ni Bangs.

Pero totoo bang balak niya rin sanang mag-back out noong unang araw ng taping niya sa Magkano Ang Iyong Dangal?

"Totoo pong I wanted to back out, because parang feeling ko nga,  hilaw pa ako for this kind of project. Parang hindi ko pa alam kung kaya ko na bang dalhin ang isang teleserye. Kasi it's not a joke to have your own teleserye. Sobrang bigger responsibility ito. So, natakot lang ako nung una," paliwanag pa ng May 2009 FHM cover girl.

May isyu dati na galit diumano si Roxanne kay Bangs. Si Bangs kasi ang itinuturong dahilan daw ng hiwalayang Roxanne at Jake Cuenca. Inaway nga dati diumano ni Roxanne si Bangs nang dahil kay Jake.

"Hindi naman po niya ako inaway," paglilinaw ni Bangs. "May ganoong isyu lang kasi kabi-break lang nila ni Jake and we went out. Pinagbibintangan lang po ako na ako raw yung rason kung bakit naghiwalay sila pero hindi naman po talaga totoo yun.

"Kami po ni Jake, nagkakilala lang kami after ng breakup nila ni Roxanne. Naging magkaibigan po kami dahil nga nagkasama kami sa Palos (defunct action series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Jake). Hindi po talaga naging kami. At hindi rin naman po siya nanligaw sa akin.

"Talagang inasahan ko na magkakaroon ng isyu about agawan and breakup ulit dahil nga, originally, sa kanya ito [Magkano...]. Pero hindi...wala po sa akin yun."

INDECENT PROPOSAL. Maganda si Bangs at bukod pa rito ay sexy ang dalaga. May nagsabi na ba kay Bangs ng mga katagang magkano ang iyong dangal? May natanggap na ba siyang indecent proposal?

"So, far wala pa naman po," sagot niya.

(In a later interview with Rey Pumaloy and PEParazzi, inamin ni Bangs na meron nga, pero hindi direkta sa kanya sinabi kundi sa kanyang manager. CLICK HERE for the video clip of this interview)

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  jelostar

    01/22/2010 | 06:35 AM
    Si Roxanne napaka attitude!! Sa precious hearts romance, nag back out din siya, dito din. Ano ba problema niyang babaeng yan? Sana si Kaye Abad na lang ipinalit. I like bangs though, so preettty.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  puckerlips143

    01/21/2010 | 01:36 PM
    i like bangs...hopefully ito na ang start ng career mo at magrate ito ng bongang bonga sa hapon...goodluck!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  sephi27

    01/21/2010 | 12:38 AM
    lets give her a chance....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  kamagong05

    01/21/2010 | 12:37 AM
    For whatever everyone is saying about Bangs Garcia ... I like her. Sana focus lang sya sa career muna, give and take 5 years acting wise and with good moral standing sa producers, press, she will be another great actress like Cherrie Gil, Gina Pareno etc!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  shutup

    01/20/2010 | 11:55 PM
    I like Bangs magaling sya sa kontrabida role
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  fair_minded

    01/20/2010 | 03:39 PM
    Ang tagal naman mag-simula ng palabas mo. Dalian mo dahil ayaw ka naming makita sa My Cheating Heart! Magsama kayo ni Roxanne at may Cristine na si Jake.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  totallyfab

    01/20/2010 | 02:59 PM
    Ewan ko lang ha pero hindi bagay si Rayver sa soap na ito parang masyado pa siyang bata for the role sana si Diether na lang ang inilagay tutal si Sid naman ang katapat eh. Ewan ko ba at bakit si Diether ang kinuha sa Rubi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  almond143

    01/20/2010 | 02:44 PM
    tanong nitong writer: Halimbawang tanungin siya ni Roxanne na, quot;Magkano ang iyong dangal para huwag mo akong gamitin sa promo ng serye mo?quot;-- hellar, napaka-stupid na writer na ito. walang sense ang tanong mo

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    01/20/2010 | 02:44 PM
    tanong nitong writer: Halimbawang tanungin siya ni Roxanne na, quot;Magkano ang iyong dangal para huwag mo akong gamitin sa promo ng serye mo?quot;-- hellar, napaka-stupid na writer na ito. walang sense ang tanong mo

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dbezz

    01/20/2010 | 02:31 PM
    Ok syang sumagot... i like her now..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • xspring

    01/20/2010 | 02:28 PM
    ang alam ko naman na pull-out si rox dahil sya na ang gaganap sa role ni claudine sa series na hinahanda with greta and derek pero baka oct. pa yata ito ipapalabas. ewan ko lang kung 220.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12345

    01/20/2010 | 01:48 PM
    mas gusto ko si bangs at least sya humble etong c roxanne sobrang arte feeling sobrang sikat
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12345

    01/20/2010 | 01:47 PM
    c roxane may attitude dw tlga to... may pag kabaliw din sya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tigbak

    01/20/2010 | 01:41 PM
    katapat ba ng Ina kasusuklaman ba kita?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • zarahj4

    01/20/2010 | 01:34 PM
    good luck sa career mo ,pagbutihin mo lalo,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepers

    01/20/2010 | 12:41 PM
    ay kasi may problema sa ugali ni roxanne kay binigay sa kanya, pero parang di rin bagay sa kanya,dyahe siya umarte but atleast stable ang ugali niya hahaha si roxanne may sariling mundo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • boraguy

    01/20/2010 | 12:29 PM
    Wow, nice title for a kapamilya show. Magkano ang Iyong Dangal? Magkano nga ba ang inyong dangal?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About