PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca King puts "tent issue" with Suzette Ranillo behind her

Gina Alajar has nothing to say about Suzette Ranillo's Startalk interview.
by Rose Garcia
Published Jan 31, 2010
"Kung anuman ang sabihin ng tao about it, hindi na yun mahalaga sa akin kasi wala namang nasaktan, wala namang nawala sa akin. Well, nasaktan ako but I'm over it," said the actress.

Last week sa Startalk, nagbigay ng pahayag ang tiyahin ni Krista Ranillo na si Suzette Ranillo. Isa sa mga isyung sinagot niya ay tungkol sa pagpapatalsik diumano ni Bianca King sa tent na parehong ginagamit ni Bianca at Krista sa shooting ng Wapakman. Si Suzette ang itinurong naglabas ng gamit ni Bianca nang walang pahintulot, bagay na pinabulaanan naman ni Suzette.

Para kay Bianca, na kinuhanan ng reaction kahapon ng Startalk, tapos na ang isyung ito.

"Kung anuman ang sabihin ng tao about it, hindi na yun mahalaga sa akin kasi wala...wala namang nasaktan. Wala namang nawala sa akin. Well, nasaktan ako but I'm over it. Siyempre, si Lord lang ang nakakaalam, di ba?"

Hindi pa rin daw sila nagkakaroon ng chance na magkausap ni Krista after the incident, kahit na iisa lang ang manager nila.

"Hindi pa po kami nagkikita... Basta ako, nasabi ko na lahat ng masasabi ko about that issue. Hindi ko na nga siya iniisip."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan din ng Startalk ng pahayag ang actress-director na si Gina Alajar kaugnay sa mga binitawang salita ni Suzette last week. Ayon dito, hindi dapat isisi kay Krista ang paghihiwalay nila ni Michael de Mesa bilang mag-asawa.

Binigyang tuldok rin ni Gina ang tungkol sa isyung ito. Mananahimik na lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung anuman ang sabihin ng tao about it, hindi na yun mahalaga sa akin kasi wala namang nasaktan, wala namang nawala sa akin. Well, nasaktan ako but I'm over it," said the actress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results