features

Daiana Menezes laughs off pregnancy and lesbian rumors

by Rommel Gonzales posted on February 18, 2010  STATS: 4171 Views | 15 Comments


  "I was never in the hospital. Walang ganun... imposible! Tsismis lang yun, siguro excuse lang yun or imbento for something else. Wala, I haven't been sick for the longest time. Tsismis lang yun. Tsaka wala namang chance for me to get buntis kasi single ako," says Brazilian Daiana Menezes about the rumor that she is pregnant.

Photo By: Noel Orsal

Nanlaki ang mga mata ni Daiana Menezes sa pagkagulat nang banggitin namin na may intrigang buntis siya at nagpa-check-up daw sa doktor.

"Ano? May balita bang ganun?" nagtatakang tanong ng Brazilian model-TV personality. "I was never in the hospital. Walang ganun... imposible! Tsismis lang yun, siguro excuse lang yun or imbento for something else. Wala, I haven't been sick for the longest time. Tsismis lang yun. Tsaka wala namang chance for me to get buntis kasi single ako."

Ang isa pang intriga kay Daiana ay tomboy raw siya kaya bihirang makipagrelasyon sa lalake.

"Lesbian ba ako? Wait lang... mukha ba akong tomboy? Sa tingin ninyo sa akin, sa hitsura kong ito, mukha ba akong tomboy?" natatawa niyang sabi.

CARL & SHIVAKER. Ayon pa kay Daiana, marami na raw siyang binasted na lalake mula noong dumating siya sa Pilipinas hanggang ngayon.

"Okay, let's put it this way, ha, di ba, some girls they are not malandi? And I think I fit in that role na it took me two years before I had my first boyfriend here. And you can see na wala namang intriga sa akin before tungkol sa mga guys. Wala namang nabalita na nanligaw sa akin, but then I don't entertain kasi wala... that's not my personality talaga. I don't wanna entertain until nakilala ko si Carlo."

Ang Carlo na tinutukoy ni Daiana ay ang Be Bench winner na si Carlo Guevarra, na ngayon ay kilala na sa pangalang Carl.

Break na sina Daiana at Carl at ngayon naman ay inili-link ang Brazilian beauty sa DJ na si Sam YG, o mas kilala bilang Shivaker. Marami ang nagsasabing if ever maging sila ni Shivaker, okay lang dahil bagay sila. Ano ang masasabi ni Daiana rito?

"Kayo ang makakapagsabi kung sino ang mas bagay sa akin," sabi niya. "I'm still getting to know Shivaker so I cannot say anything about that. I just enjoy my friendship with him and if ever something will turn out, okay lang... I call him Sam and amigo because he's my friend."

PINOY VS. BRAZILIAN. Isiniwalat din ni Daiana na hindi siya mahilig sa Brazilian guys.

"Hindi ko tipo Brazilian, e. Gusto ko Pilipino, e."

Bakit ayaw niya ng mga Brazilian na pagkaguguwapo tulad nina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga na pinasok na rin ang pag-arte via The Last Prince?

"Wala, para maiba," sagot ni Daiana. "I mean, galing na ako sa Brazil, puro Brazilian ang nakikita ko. Parang I'm here, so might as well Pilipino ang piliin ko."

Hindi ba't Indian si Shivaker?

"Pero he was born here," paglilinaw niya.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  ommel0812

    02/03/2010 | 02:24 AM
    gusto ko talaga ang babaeng ito, palagay ko sa past life ni DAINA FILIPINO siya. Magaling siya talaga nakakatuwa pa siya hindi corny.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  careermuna

    02/03/2010 | 12:33 AM
    diana,.,mind it!wala kapang career,,katatapos mo palang kay CARLO GUEVARA,..papasok ka nanaman sa isang relasyon!wag naman,..focus ka nga sa career mo at ayusin mo muna sarili mo at life,.parang mauubusan ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  careermuna

    02/03/2010 | 12:30 AM
    we love her,matured at ok ang mind nya;;amzing!!magaling syang managalog,..malayo mararating nya sa showbiz..so AKIHIRO SATO,,DANIEL.,MARIANA DEL RIO,.if u wanna go far sa showbiz,matutong managalog diba?/prerequisite!!i solidly agree to u diana,..decent ka nga ,.kahit taga brazil ka,iba ka!saka,,bata pa sya,..she just want to takecare hersel,kase alam naman natin sa showbiz baka ang gusto lang kay diana komo brazilian,hot!so,.u know.mentalidad ng ibang guys,,alam din ni diana,.wala pa syang career tlaga,kaya focus lang sya s career at work nya,,dpat naman ganyan!mahirap na baka masira sya diba,.maganda naman sya bakit sya magmamadali,saka di maganda sa girl ang nagbibilang ng relasyon,.we love u more diana,.ilagan o iwasan mo nga mgha guys muna,mahirap na!b wise girl..wag kang pabilog sa mga yan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  jerrymiah

    02/02/2010 | 06:23 PM
    i care coz she seems nice and also Shivaker. obviously you care too. the fact that you read the article and took time to comment.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  swiss

    02/02/2010 | 06:08 PM
    By the way, I saw Shivaker once in Megamall. Cute siya and he looks shy. I hope a tv show is in the works for them.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  lalainenuqui

    02/02/2010 | 01:29 PM
    who cares kung cla o hindi???!!!

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nag_tatampisaw

    02/02/2010 | 01:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lali_28

    02/02/2010 | 12:55 PM
    nakakabilib talaga cya, ang galing galing na nya magtagalog di pa naman cya masyado matagal d2 sa pinas, ung ibang mga pinoy who was born and raised here di mo marinig na magtagalog... double tumbs up daiana
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gmalovesabs

    02/02/2010 | 11:39 AM
    hehe.. bait yan si Daiana, the fact na iba lahi nia, marunong siya makisama sa EB. Bagay nga sila ni Shivaker, matangkad sila pareho.. At me looks naman kahit pano si Shivaker diba.. Funny pa..
    Sana magtagumpay pa career nyo Shivaker at Daiana XD
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kishablelips_01

    02/02/2010 | 11:34 AM
    kaya ako nanonood ng eat bulaga dahil d2 sa gril na ito she is pretty di ba? at mukha siyang mabait oo bagay sila ni shivaker.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Aida2009

    02/02/2010 | 11:01 AM
    shivaker and daiana...bagay na bagay...parehong may sense of humor!!!

    good luck guys!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    02/02/2010 | 10:25 AM
    bgay..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    02/02/2010 | 10:21 AM
    gandang babae nito..kawerte ng magiging bf kng sakali
    pinoyhack..cya ung nsa eat bulaga n my takip yung ulo n bumbay..at yung nsa cool center...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinoyhack

    02/02/2010 | 08:46 AM
    Swerte ni Shivaker pag nagkagusto sa kanya si Daiana. Di ko ma explain ang itsura noong Shivaker, sino ba yun?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepreader123

    02/02/2010 | 08:40 AM
    Di bagay si Shivaker at Diana. Opinion lang po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About