Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng international singing sensation na si Charice Pempengco ay ang malungkot na kuwento ng buhay niya. Alam na halos lahat na hiwalay na ang mga magulang niya, at ngayon naman ay laman ng mga balita ang away na namamagitan sa kanyang ina na si Racquel Pempengco at ang lola ng young singer na si Tess Relucio.
Nakuhanan ng magkakahiwalay na pahayag ng The Buzz sina Mrs. Pempengco at Mrs. Relucio, at maging si Charice, tungkol sa alitan ng mag-ina.
Ayon sa mommy ni Charice na si Racquel, "Basta po ako, hindi po ako masyadong close sa nanay ko. Hindi ko po alam...masyado po kasing mahigpit ang nanay ko. Marami pong bawal. Bawal pong makipagkaibigan. Bawal pong makipag-boyfriend noong nag-aaral ka."
Ang huling isyu sa nanay ni Charice at sa lola niya ay nang ma-hospital daw ang lola ni Charice at hindi raw nila tinulungan.
Pero paliwanag ni Mommy Racquel, "Noong pagbaba po namin ng eroplano, pinakontak ko na po ang ospital. Dala-dala ko na po ang tseke dahil tinanong po namin sa billing department kung ano ang hospital at ini-issue ko na po agad sa pangalan na yun mismo.
"Sinasabi po ng billing department na three thousand plus lang po ang bill nila, pero sinasabi po ng nanay ko, seven thousand plus. Pero noong nandoon na po kami mismo sa tapat ng hospital, nakalabas na raw po at binayaran na nila."
Ayon naman kay Aling Tess, na nakausap ng The Buzz sa Laguna, "Naawa ang isang customer ko na naging anak-anakan ko, si Ching. Kesa magmakaawa ako sa kanila [Racquel and Charice], sinabi niya na, 'Ako na lang po ang tutubos sa inyo.' Maawa naman kayo sa akin. Hindi ako humihingi ng pera sa inyo. Ang sabi mo sa akin bibigyan mo 'ko. Kahit na hindi humingi, ang magulang mo, magulang mo.
"Puro na lang Obet. Bakit, sino ba si Obet sa buhay niyo? Bakit lahat na lang pinamahala mo kay Obet? Bakit lahat anak pina-ander mo ang pamilya mong tunay kay Obet?" tanong pa ni Aling Tess kay Mommy Racquel.
Tinanong naman ng The Buzz si Mommy Racquel kung sino nga ba si Obet na tinutukoy ng kanyang ina sa buhay nila ni Charice?
"Si Obet po, noong time na umalis kami sa nanay ko, si Obet po, noong time na yun, siya ang nagda-drive nang libre, ginagamit ang sasakyan niya para sa mga singing contest. Siya rin po yung kapag wala kaming makakain, 'O, ano, meron ba kayong pagkain?' Dapat po sana, ang mga magulang ko ang nagbibigay sa akin ng ganun. Pero never po nilang ginawa," saad ni Mommy Racquel.
Ito naman ang naging sagot ng ng lola ni Charice sa bagay na ito: "Never na ako ay nagpalayas. Racquel, kaya nagalit ka dahil yung binili mong washing machine, ginamit ng tatay. Naglagay ka ng sariwang karne sa loob ng kuwarto, ipinadlock mo. Hindi namin mapangahasaan buksan ang kuwarto mo dahil baka mapagbintangan mo kaming magnanakaw. 'Yan ang dahilan kung bakit kayo umalis. Dahil iniisip ninyo na pinagnanakawan namin kayo."
Tinanong din si Mommy Racquel kung may iba pa ba silang relasyon ni Obet bukod sa pagiging magkaibigan. Aniya, "Hindi po. Siya po ang malapit sa amin. Na sinusuklian ko lang ang ginawa niyang tulong sa amin."
Hirit naman ng lola ni Charice: " Sana nga. Salamat. Panindigan mo 'yan, anak. Panindigan mo 'yan."
MONEY MATTER. Kuwento naman ni Mommy Racquel, tila may ibang intensiyon ang lola ni Charice sa pumapasok na pera ng anak.
"Gustong kontrolin ng nanay ko ang kinikitang pera ng anak ko," sabi niya. "Dahil hindi po ako kumibo noon nang maglabas po siya na yung pera, ginagastos ko raw po sa mga lalake ko ang kinikita ng anak ko. Nagpunta na siya ng Labor [Department] na 'eto raw, binubugbog ko raw para lumipat sa kanya yung bata."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
175 josie123
Si mommy racquel ay acting as her personal assistant. Charice is the head of her business. Huwag natin i-under-estimate si Charice. She know what she is doing. Probably she had talked to both of them, and will take care of her lola, and no more words will hopefully come out from lola and mommy raquel.
174 josie123
173 myca2k
172 myca2k
171 joannasandovalphilmix
170 josie123
sa US may SSS pension, medicare or welfare kaya ang matanda hindi kailangan umasa sa anak. at saka mag-iipon sila for retirement, uunahin pa nila yun kaysa pag-aralin ang anak sa kolehiyo.
sa pinas, walang tulong ang gobyerno, kaya maraming matatanda na nagtitinda pa ng kamatis or anuman na pwedeng pagkakitaan para lang may makain, yung anak nila pag-aaralin kahit na isangla ang bahay, or mag-DH makapag-aral lang ang anak. walang tinitirang pera para sa sarili, ganyan ka-dakila ang magulang sa pinas. Sabi nga bahala na ang diyos.
Kaya, hindi nga obligasyon ng anak na tulungan ang magulang pero mahirap tiisin ang magulang lalo na kung nag-hihirap sila, tao tayo may puso at damdamin, hindi tayo -----
169 isseymiyaki
168 isseymiyaki
ewan ko ba bakit ganito talaga tayong mga pinoy! tatak na yan....hingi ng hingi eheheh sige lang basta meron..pero meron akong sinusunod na patakaran na pansarili...hindi ako nagpapautang..yan eh hanggat kaya ko hindi ako nagpapautang INSTEAD, magbibigay na lang ako..dahil once nagbigay ako hindi ko na un aasahan na babayaran pa ako..kasi kapag utang ang aking ibibigay, AT HINDI AKO binayaran sa aming pinag usapan, malamang sasama ang loob ko at baka mag away pa kami. So, no to utang but yes to hingi... hanggat meron ako maibibigay.
167 topengga
Canada na, ay walang patutunguhan. On and off ang jobs nila at palaging hiwalay sa mga asawa. Lagi pang nagaaway. Sila sila rin pag lasing
166 brad_peet
165 brad_peet
Exactly, kaya dapat na nag-iipon din si Charice, at hindi yong bigay na lang ng bigay sa mga kamag-anak. Who will take care of Charice pag wala na siyang trabaho sa showbiz? Lola niya? I doubt it.
Ang apartment na binanggit ni Rachel, iyon ay investment ba niya mula sa kinita ni Charice? I would think so. So ang may-ari talaga ng apartment na iyon, ay si Charice. Libreng nakatira si Lola Tess Relucio sa apartment na iyon, di ba? Di pa ba tulong iyon, na libreng tirahan? May iba pa bang rental income sa apartment complex na iyon? Ang kita ba naman ay napupunta rin kay Lola Tess Relucio, o collected ba iyon, at ni re remit kay Charice? Dapat, part of the income from the other rental units ng apartment complex na iyon, na re-remit kay Charice, o napupunta sa isang account, to be used for maintenance of the apartment units, at iyong kita, siguro na
164 brad_peet
kung lahat ba naman, ay iaasa lang sa sarili ang kinabukasan, e di dami sanang Pinoy ang asensado. dapat, a person should work as if everything depended on him alone, and pray as if everything depended on God. Hindi iyong trabaho ng konti, tapos ipagdasal na lang na may maaawa rin sa iyo, BAHALA NA ANG DIYOS. Ang tulong po, voluntary iyan. Hindi po iyan pinipilit. Kung ayaw magbigay, bastusin mo man ng harapan, di mo pa rin mapipilit.
163 brad_peet
hindi po obigasyon ni Charice na suportahan ang lola nya.
Ang ugali ng mommy ni Charice, ay isang paninindigan sa sarili nila. Dapat ang mga Pinoy, ay mamulat na ang mata, na huwag masyadong iasa sa iba, kahit na kapatid pa, o nanay o anak, ang kinabukasan. Maging self-sufficient po sana tayo. Mag-ipon para sa sariling kinabukasan. Huwag anak ng anak. Kung may tulong na darating, thank you. Kung wala, hindi obligasyon ng iba iyon na tumulong, kahit na anak o kapatid pa siya. Kung gustong maghanap ng bf ni Mommy ni Charice, bakit ang hindi. Paki alam ng lola ni Charice roon, menor de edad ba naman si Rachel?
162 brad_peet
161 brad_peet
160 gapoboy
159 fanatica
158 MarkLapid
Charice magdasal ka lagi,, alam ng Diyos ang tama. At yang mga naninira sa iyo, mas mabaho pa ang pagkatao ng mga yan!
157 MarkLapid
Magsikap at huwag umasa sa kamag-anak o kaibigan.Ganyan ang mga Filipino, tinutulungan mo na, kulang pa, mamasain ka pa..Inggit! inggit ang tawag dyan!
Kumikita na si Charice, kaya ang daming nakikisawsaw at naiinggit sa kanya!
156 apayagamin
more comments