Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"





_______________________________________________________________________________
202
untilthen
March 18, 2010
05:49 AM
Ibinigay ito kay Anevil ni Arroyo dahil tumupad si Anevil sa kanilang kasunduan na gumawa sila ni Ropa ng scene para siraan si Kris at Noynoy. Si Noynoy lang namimilgro si Arroyo kaya gusto niyang masirang talaga si Noynoy. Maliwanag na sa sikat ng araw. Dapat talagang wasakin ang administrasyong ito at ang kanyang mga alagad kasama na si Villar, Gibo, Devenadera, Anevil etc.
______________________________________
Your over the Teenage Years. And you can be good
as a beauty queen, as a person.
Hhahahahhha, Sanay na po tayo sa Anabelle Rama`s
Saga of Showbiz Corruption is back again, this time at the expense of Ms. Aquino and her brothers`Noynoy!
Do you really think were that stupid Anabelle?????
Hello Mr Villar!!!! How much po ang Paycheck ninyo
to badmouth the Aquinos and draw more votes for you???? How cheap and cheap of these Gutierrezes as usual. Sorry, but kami rin hindi na namin kakayanin ang Lagim na ikinakalat ng Anabel Rama et co. sa Phil. Showbiz. With Kris Aquino we know the real score, the Truth of phil. politics and corruption around...so help mo na ang ibang corrupt candidates, yung mga kakulay ng iyong budhi.
Ruffa has been a fake, a liar. No Credibility. Beauty in Despair. And as a mother, you made her Beauty
shrink to Nothing. Sayang!! Stop Bullshiting around
ok? Shut up! NY Pinay
nga c kris hahahah u naman anaevil paretoki mo nga muka mo kamuka mo na si satanas ehh at saka ipa ayos mo dila mo pra maka pronouce ka naman nang words
na maganda hap di yong parang di man lang maka pag grade 1 mag salaita.
oh agree ba kayong lahat sa akin?hhahahahah
totallyfab
March 14, 2010
16:14 PM
sabi nga ni Annabelle Rama before nung ininterview siya sa The Buzz sa tanong na Sino ang pinakaplastik na tao sa showbiz? Ang sagot niya kay Ruffa- IKAW! Plastik ka Ropa. Kahit ka away mo at ayaw mo binabati mo!
Oh ha nanay na mismo nagsabi niyan! Kaya yung mga followers ni Ropa sa twitter na kung ano-ano sinasabi kay Kris magising kayo!
untilthen
March 9, 2010
21:48 PM
Ngayon mahihimasmasan ang bugaw na Annabel na hindi lahat kaya niyang bastusin. Nakakuha siya ng katapat. Hindi niya maaring bastusin ang mga Aquino, hindi ng isang dating prostitute sa Cebu. Calling ABS, pagmultahin ninyo si Ruffa for not finishing the show . I ban lahat ang mga Gutierrez at lahat ng artista ni Annabel sa ABS. Dapat walang manonood sa show ni Ruffa para macancel agad. She has no talent and she is pretty annoying. Pag marami ng galit sa mag iinang yan sisipain na yan ng GMA. Magugutom yan babalik sa dating niyang trabaho, pambubugaw. Correction, I think ginagawa na niya ito ngayon on the side sa mga artista niyang babae ng walang show.