features

Is Francine Prieto mad at Bubble Gang staff?

by Ruel J. Mendoza posted on March 17, 2010  STATS: 1520 Views | 123 Comments


  "Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa puwesto ko ng assistant wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di marunong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, ma­buti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, traba­ho 'yan di gimik," Francine Prieto reportedly wrote on her Facebook account.

Photo By: Noel Orsal

Marami palang isyu ang sexy comedienne na si Francine Prieto sa staff ng iniwan niyang gag show sa GMA-7, ang Bubble Gang.

Ayon sa isang blog site, nag-resign daw si Francine sa Bubble Gang dahil may mga ilang tao raw roon na hindi niya nakakasundo. Inakala ng marami na baka isa sa cast ng Bubble Gang ang hindi nakakasundo ni Francine, pero ang mismong staff daw ang hindi type na makatrabaho ni ng aktres.

Nasulat sa naturang blog site ang mga ipinost na entries ni Francine sa kanyang Facebook account tungkol sa nararamdaman niya sa staff ng Bubble Gang. Nandiyan ang hindi raw pagtrato sa kanya nang tama ng staff at iba pang internal issues. In short, walang magandang isinulat si Francine tungkol sa staff ng Bubble Gang.

Kailan lang ay naging kontrobersiyal din si Francine nang ma-quote siya sa sinabi niyang "I hate God" dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa buhay niya. Nandiyan ang sakit na cancer ng kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon at ang patung-patong na hospital bills na kailangan niyang bayaran kaya hindi na nahiya si Francine na manawagan at humingi ng tulong.

Pero ang pinakahinaing niya ay ang kawalan niya ng trabaho. Pagkatapos raw mag-expire ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center at magkaroon siya ng bagong manager ay doon pa raw siya hindi nabigyan ulit ng trabaho. Huli siyang napanood sa mga programang Darna at Sana Ngayong Pasko.

Heto ang mga isinulat ni Francine sa kanyang Facebook account noong March 14, Sunday, 1:15 p.m.:

"Bakit kayo ganun? Wala na nga ako diyan, umalis na ako. Di pa rin ninyo ako tinatantanan. Di ako humihingi ng tulong sa inyo. Masamang-masama ang loob ko sa show ninyo.

"Isipin ninyo bakit ko nagawa ang lahat ng yun, kasi palpak naman talaga kayo eh. Walang nagtatanggol sa ken, kaya ako ang humaharap sa mga paratang sa aken. May mali kasi talaga sa sistema ninyo. Salamat sinaktan ninyo na naman ako.

"Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa pwesto ko ng asst. wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di marunong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, ma­buti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, traba­ho 'yan di gimik.

"Never ko na feel na sikat ako, kasi alam ko hindi. Hindi ako naging sakit ng ulo sa show ninyo. Staff lang, tatamad-tamad, tatanga-tanga. Puro tsismis ang alam. Nauuna pang magpa-blower kaysa sa artista, di magamit make up artist kasi nag-blower pa ng staff???

"Dami kong kwento. Wala akong regrets na umalis ako, kaso tantanan na ako ng Bubble lalo na team ng EP. Kaibigan ko pa rin mga artista at ilang staff & crew."

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anumang gustong sabihin ni Francine at ng staff ng Bubble Gang tungkol sa isyung ito. Kung totoo man o hindi na si Francine ang nagsulat nito sa kanyang Facebook account, malaya siyang magbigay ng pahayag sa PEP.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

123 Comments

  • 123  allyouloosers

    03/18/2010 | 11:52 PM
    sobra manglait ang mga tao dito. baka naman depressed na talaga yun tao. bigyan nyo naman ng benefit of the doubt yun tao di naman nyo narinig sa mismong bibig nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  krismcmurray

    03/18/2010 | 09:29 PM
    hindi ba kayo happy pag nakaktulong kayo sa kapwa ninyo?...kaysa manghusgas sa iba? and we are lucky na wala tayong ganyang problema so instead of judging here please help her espicially you know the condition of her mom...at we all know that mahal na mahal niya ang mommy niya...at lahat tayo ayaw natin na mawala ang mga mahal natin sa buhay di ba mga guys? kaya please stop judging her ok? thanks and God bless us all....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  krismcmurray

    03/18/2010 | 09:24 PM
    sana huwag kayong manghusga nang tao...may kasabihan nga you can not please anybody.... sana naman di kayo one sided...di naman ninyo kilala nang personal o lubusan si francine...sana imbes na husgahan ninyo yung tao tulungan natin siya maayos ang problema niya para lahat tayo ay masaya...kaysa lalo nating dagdagan ang sakit nang kanyang nararandaman di ba mha guys.... thanks....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 120  sakanalovelife

    03/18/2010 | 07:36 PM
    francine,..na sa katinuan ka ba,,if true man yan na sinabi mo yan sa facebook mo na,,u hate god,pangit si diego pero may mabuting puso,at yung di nyo pag uunawaan ng kapatid mo at ito ngang isyu bet bubble gang at ikaw,,e.....suriin mo sarili mo iha,,baka ikaw ang may sapi jan,,hehe,,.maganda ka at magaling umarte pero bakit mo sinisira name mo iha,,...ikaw din ,,..diba jowa ni francine si PHILIP CU-UJIENG???na may asawa na ba yungt;gt;gt;/??mistress sya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 119  antonia_jpy

    03/18/2010 | 05:02 PM
    well baka masama rin ang ugali mo... akala ko pa naman sa mga nabasa ko sa previous article nya para syang kaawaawa,di pala...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 118  fagero

    03/18/2010 | 03:02 PM
    wow, komo tinulungan ng mga kapamilya na bonggang-bongga ang publicity, galit na ngayon sa bubble na pinagkakitaan nang matagal.
    btw, farncine, may kopya kami ng topless modelling mo noong araw. nakablouse ka pero ukang-uka sa harap at nakapanungaw ang mga alaga mo habang rumarampa ka sa harap ng mga DOM.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 117  sakanalovelife

    03/18/2010 | 01:25 PM
    if totoo man ito masasabi ko lang kay francine,..HINDI PA HULI PARA MAGBAGO,ALAM MO NA ISA AG BAD ATTITUDE AT ANG LOVELIFE NGA ANG SYANG MADALAS IKINAKASIRA NG ISANG STAR,..U DESERVED TO B PUNISH BY GOD IF TOTOO MANG MAY MASAMA KANG UGALI,IHA,,,YUNG SINABI MONG U HATE GOD,SINO KABA!!KAYA PALA NARARANASAN MO MGA GANYANG BAGAY!.MAGANDA KA,MAGALING UMARTE, pero umayos ka,.napaka buti ng showbiz sayo,daming tumulong sana kilalanin mo si GOD despite all the trials,kala ko maayso ka,mabuti ka,edukada ka,godly ka,,hindi pala.isa kapalang trashy ,rubbish one!!sorry,,u hurt the pipol sa mga balitang ito,gusto pa naman kita,,,,magbago ka,,if not,,tsk.....godbless,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 116  kurachatista

    03/18/2010 | 01:15 PM
    hay naku francine ilan beses ka na nagka issue dahil ang hilig mong magmura. hilig mong tumawag ng tana tuwing nagagalit ka. tapos sa fbook accnt mo, tinawag mo na nmn tana staff ng bubble. ano ka ba francin dati sabi mo hate mo si god, tapos ngaun nmn pangit si diego at tana staff ng buuble. pano maawa si lord sa yo nyan ang sama2 ng ugali mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 115  sleepingchild

    03/18/2010 | 12:27 PM
    lame, but i wish your mom well.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  pathetic0inggit

    03/18/2010 | 10:56 AM
    sa sinulat niya..hmmpara siyang may ..baltik huh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  ororomonroe

    03/18/2010 | 10:19 AM
    si Francine ang may problema. alam nio mga peeps, may isang batang producer na nag-offer sa kanya ng indie project, willing siya bayaran agad same rate ng talent fee niya per taping day sa gma 7, pero ang sinabi niya sa producer, di daw siya tumatanggap ng indie kasi maliit bayad, sabi daw ng producer, magkano ba ang gusto mo na tf? sabi naman ni francine, sorry po busy kasi po ako sa mom ko these days at hindi ko kaya ng magtaping ng sunod2x? source ko galing sa isang staff na taga gma 7. diba dati sabi niya pa sa article, sana daw may quot;sugar daddyquot; siya or something like that?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  mavidako

    03/18/2010 | 10:14 AM
    Lalo kang hindi magkakatrabaho niyan, mukhang may problema sayo. Kung hindi maganda ang palakad ng BG hindi magtatagal yan at hindi i totolerate nina Michael at Ogie yan. Ikaw nga hindi tumatagal sa shows eh. FYI hindi panget si Diego nakita ko na siya in person.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  comentarista

    03/18/2010 | 10:10 AM
    if 1 against 1 theres something wrong between two parties..but if 1 against 10..hummm theres something fishy....its true u cant please everybody..but if lahat na lng ay ayaw sa yo.....u have to questions urself too...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  comentarista

    03/18/2010 | 10:08 AM
    u better be sorry honey.....for saying u hate GOD.. atheist ka ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  borrow54

    03/18/2010 | 09:19 AM
    77
    goodlooks
    March 17, 2010
    15:31 PM

    ganyan tlga sa gma7
    BASURA!
    -------------------------------------
    meralco pls?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  borrow54

    03/18/2010 | 09:15 AM
    ang tagal ng bubble gang, francine prieto baka kulang ng pansin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  makopa

    03/18/2010 | 08:19 AM
    Girl,kung hindi mo babaguhin ang ugali mo.Eh, dalawa lang siguro ang mangyayari.Una, baka wala nang kumuha sa iyo bilang artista at ang pangalawa, makuha ka man na artista baka ang maging role mo na lang ay Nanay or Lola dahil sa ugali mo. At kung wala na talagang kukuha sa iyo ay baka mumagsak ka na lang sa Ermita hopefully not!. Just a thought....Ingat na lang Francia and try GOD......coz HE cares. God is just a prayer away. DO NOT HATE GOD, BUT LOVED GOD,INSTEAD. Take care!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  she_is_the_man

    03/18/2010 | 07:04 AM
    Bakit di natin tanungin si Ogie at Michael V na matagal na sa BG kung ganun nga ang nangyayari. Since galit siya, wala tayong makukuha tlaga sa kanya kundi puro hinanakit. We have to understand Francine. At tingin ko naman, kung ganun ang nangyayari sa BG, hindi palalampasin ng mga artista sa BG yan. Yun eh kung isolated case yung sa kanya, meaning sya lang ang ginaganun ng mga staff. Maybe she needs to check herself also.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  isseymiyaki

    03/18/2010 | 04:39 AM
    hindi nya kasundo sister nya, naglayas un, at mag aasawa na, may bahay namang pede ibenta at mga gamit, pero mas ninais nyang humungi muna ng tulong....sana hanggang sa kahuli hulihang solusyon ginawa mo tsaka ka humingi ng tulong

    mga statements from francine na nakakaduda na ...hindi kaya ikaw ang may problema sa pag uugali mo? am not judging here, pero dati ang daming naawa sa iyo.------ sana huag ka mapagsamantala...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  cris525

    03/18/2010 | 03:33 AM
    Masyado syang mataas....yun lang... no wonder people treat her bad....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About