Jolo Revilla on ex-girlfriend Lovi Poe: "Nakapag-move on na ako."

Rose Garcia
Wednesday, March 17, 2010 @ 12:32PM  |  1305 views


  "Kailangan siguro, hindi na puwedeng 100 percent magmahal. Kailangan siguro magtitira ka kahit na konti, kahit na 20 percent sa sarili mo. Siguro yun lang ang pagkakamali ko. Pero ngayon, 100 percent sarili ko muna!" says Jolo Revilla.

Photo By: Noel Orsal













Si Jolo Revilla ang isa sa pinakamasigasig sa pagsama-sama at pagtulong sa kampanya ng kanyang ama, Sen. Bong Revilla, sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Sa press conference nga na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para sa kanyang ama at gayundin sa kanyang ina na si Lani Mercado kagabi, March 16, sa Imperial Palace Suites, nando'n si Jolo at ang kanyang mga kapatid, pati na ang anak niyang si Gab.

Si Bong ay tumatakbo for re-election, samantalang si Lani naman ay tumatakbo bilang representative ng Bacoor, Cavite.

Kumusta ang experience ni Jolo sa kampanya?

"Okey naman," nakangiti niyang sagot. "Heto, nangingitim na pero napakasarap ng pakiramdam sa sobrang napakainit na pagtanggap ng mga tao sa amin. And, siyempre, nakakataba ng puso dahil kumbaga, sa huling tatlong result ng survey, e, number one pa rin. Siyempre, nagpapasalamat kami sa mga taong nagmamahal at sumusuporta."

Kuwento ni Jolo, nalibot na raw nila ang top 20 provinces sa bansa, kaya ang concentration naman nila ngayon ay ang top 30 cities and municipalities."

LIKE FATHER, LIKE SON? Marami na ang nagbibiro at nagsasabi kay Jolo na sa kanilang magkakapatid, tipong siya ang susunod sa yapak ng kanyang ama at sasabak na rin sa mundo ng pulitika.

"Hindi naman sa ginu-groom, pero siyempre gusto ko lang tumulong sa tatay ko," sabi niya. "Kumbaga, ito lang ang masusukli ko sa kanya at masaya. Number one talaga dapat. Hindi dapat number one sa survey ay titigil na. Mas lalo kaming naghihirap para tuluy-tuloy."

Pero nakikita ba niya ang kanyang sarili bilang isang pulitiko?

"Let's just cross the bridge when we get there," sagot ni Jolo. "Matagal pa naman. Bata pa naman ako, 22 lang ako. Hayaan na lang muna natin ang matatanda!" natatawa niyang sabi.

Marketing Management ang course niya ngayon at sa October raw siya ga-graduate.

Mahirap ba para sa kanilang magkakapatid na parehong nasa pulitika at showbiz ang kanilang mga magulang?

"Well, sa aming magkakapatid naman, tatlo na lang kaming maliliit, e. Si Yna, siya ang bahala sa maliliit. Si Bryan, siya ang bahala sa mga finance at offices nina Mama at Papa. Ako yung taga-ikot. Kasi dati, noong hindi tumatakbo si Mama, si Mama ang gumagawa ng ginagawa ko," banggit ni Jolo.

"NAKAPAG-MOVE ON NA AKO." Last Monday, March 15, ay nag-celebrate ng kanyang 22nd birthday si Jolo.

Kuwento niya, "Galing ako sa Pangasinan, pero binigyan ako ng surprise party sa headquarters namin. Nagpapasalamat ako sa kapatid ko kasi Friday, umalis ako, nag-campaign na ako. Naikot ko na halos ang buong Pangasinan. Bumalik ako yesterday. Dun ko na nga nasalubong ang birthday ko sa Pangasinan. Pagdating ko, ayun, may surprise party."

Ipinarating ng PEP kay Jolo ang sinabi ng Mama niya na bilang ina ay nararamdaman nito ang "loneliness and sadness" ng anak. Ano ang masasabi niya rito?

1  2  3  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name