Ang tungkol pa rin sa namagitang gusot sa pagitan nina Pauleen Luna at Maxene Magalona ang madalas na itanong sa dalawa during the press conference of Trudis Liit yesterday, June 17, at the 17th floor of GMA Network Center.
Supposedly ay sa afternoon soap na Bakit Kay Tagal ng Sandali? magsasama sina Pauleen at Maxene, pero na-shelve muna ang project at ito ngang Trudis Liit ang ipinalit. Mabuti na lang at kasama pa rin ang dalawa sa cast ng ipinalit na programa.
"I think, yun nga, mas hit ngayon ang mga bagets," sabi ni Pauleen. "Ako naman, suwerte ako na nandito ako ngayon kahit na-shelve na yung Bakit Kay Tagal..."
MAXENE'S MOVE. Ayon kay Pauleen, na-appreciate niya ang pag-initiate ng movie ni Maxene na magkausap at magkaayos sila ng kanyang co-star. (CLICK HERE to read related story.)
"Na-appreciate ko naman siya, in fairness. Of course, you want to start on the right foot, especially nga na gagawa kayo ng serye together, gusto mo yung wala kayong ilangan. Na-appreciate ko talaga," nakangiting sabi ni Pauleen sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nararamdaman ba niyang okey na talaga sa pagitan nila ni Maxene?
"Okey na talaga kami," sagot niya. "Yeah, hindi na nga lang talaga the way it was before. Something na mahi-heal overnight, hindi yun totoo."
MISUNDERSTOOD? Sa mga kinasangkutang isyu ni Pauleen, kasama na nga itong sa kanila ni Maxene, may mga nagsasabi na siya naman daw ang nagsisimula ng away at siya talaga ang palaaway. Kapag may ganon siyang naririnig o nababasa, nasasaktan ba siya?
"Nahe-hurt ako kasi never akong nag-start ng away, for the record," sabi niya. "At yung mga press na kilala ko, masasabi na never akong nag-start ng away. At yung isyu na ito, ang tagal ko nang nananahimik. It's like last year or around November pa. Until it went overboard, 'saka lang ako nagsalita. Tapos, ako pa raw ang nagsimula, di ba? Yun yung hindi alam ng tao."
Ang tinutukoy ni Pauleen ay ang isyu niya sa Ampalaya Anonymous, kung saan kabilang si Maxene.
Kung ganun pala ay puwede siyang "misunderstood"?
"Maybe because I'm very transparent," sagot ni Pauleen. "Na I don't put up a face to show you that we're okay if we're not really okay, di ba? Gano'n naman dapat, e. So, I guess, I'm just misunderstood."
Dagdag niya, "Dyusko, ang simple-simple ko, e! Hindi ako gumigimik. After trabaho, bahay. Eat Bulaga!, taping, bahay. Ganoon lang talaga. At saka sa akin, what you see is what you get."
Sa mga hindi siya kilala o nanghuhusga sa kanya agad, paano niya ipapakilala ang sarili niya sa mga ito?
"I'm very simple. I speak my mind. E, kasi, wala naman akong pretentions, e. Kaya ang hirap din for me, ang hirap din to be in showbiz kasi ang daming nagpi-pretend. Nahihirapan talaga ako. Hindi ko talaga kaya," saad ng young actress.






and for u pauleen, sana nman dumating yung time na pag na involve ka sa isang lalaki eh, yung wala kang masasagasaang kapwa babae... mahilig ka kc pumatol sa bf ng my bf.....di ka maghanap ng lalaking available only for you..
LAOS na kaya!!
N E X T ! ! !