features

Gina Alajar continues to speak her mind in Facebook account
by Paul Mata posted on June 20, 2010  STATS: 174 Views | 14 Comments


  The former child star laments that child welfare still isn't considered in the frenetic pace of showbiz, just as it wasn't when Gina Alajar started in 1967. "Hindi ka puwede matulog ng mga 8 o'clock at kukuhanan pa ako ng mga eksena. Pero inaantok na ako noon since maaga ako na gumising. 'Tapos, patutulugin ako ng mga 10 p.m... Then gigisingin ako ng 2 a.m. I was just eight, ha, nagta-tantrums ako. Bad trip na bad trip ako noon. Which hanggang ngayon, e dala-dala ko."

Photo By: Paul Mata

Bahagi ang batikang actress na si Gina Alajar sa bagong afternoon drama ng GMA-7 na Trudis Liit kung saan tampok ang bagong child wonder na si Jillian Ward. Natutuwa naman si Gina na may panibagong child actor na kahuhumalingan ng mga manonood.

Si Gina ay isa sa mga artistang pinalad na magkaroon ng mahabang career sa showbiz. Nagsimula siya sa edad na eight years old.

"I auditioned," kuwento niya sa presscon para sa Trudis Liit last Thursday, June 17. "I remember there was a movie na gagawin ng Lea Productions then. Ang pangalan ng movie was Ang Kaibigan Kong Sto. Niño. They needed children, two boys and two girls. Tapos ako, I auditioned. Kaming dalawa ng kapatid ko. Pero ako yung nakuha. Siya hindi. Out of 1,500 kids, ako yung nakuha. Kasama ko si Roderick Paulate doon."

Sa katunayan, nanalo si Gina as Best Child Actress sa 1968 FAMAS.

CHILD WELFARE. Naniniwala siya na may kailangang magbago sa pagtrato sa mga batang artista sa ating industriya.

"There are so many acting greats who started sa pagiging child stars. In Hollywood, there's Shirley Temple. Dito marami din. Hindi ako against doon [child stars]. What I am against is the continuous hindi pag-recognize ng law for children. Hindi masyado na-i-implement," pahayag ni Gina.

"I'm talking in general here because of what I see. I have worked with other kids. I have worked with a lot of kids. And kadalasan, they are made to stay up late, way beyond their sleeping hours," paglilinaw niya.

"Pero ang nakakatuwa doon, itong mga bata mismo, hindi sila nagrereklamo. They have a coping mechanism na matutulog sila sandali. Kapag ginising sila, okay na naman sila and  they're ready to work again," obserbasyon niya.

Ganoon din ang mga kondisyon noong bata pa si Gina.

"Hindi ka puwede matulog ng mga 8 o'clock, that's right after dinner, at kukuhanan pa ako ng mga eksena. Pero inaantok na ako noon since maaga ako na gumising. 'Tapos, patutulugin ako ng mga 10 p.m... Yung 10 p.m., tulog na ng bata iyon. Mahimbing na mahimbing na iyon. Then gigisingin ako ng 2 a.m. I remember, I was just eight, ha, nagta-tantrums ako. Yung talagang ayokong gumising. At saka bad trip na bad trip ako noon. Which hanggang ngayon, e dala-dala ko," paglalahad niya.

BAD MOOD. "Ngayon, kapag nagtratrabaho ako ngayon, I don't sleep ng madaling araw. Let's say may lull ako sa taping. I don't sleep ng mga 9 or 10, ng madaling araw. Tapos, gigisingin ako. Mainit ang ulo ko. Kaya na-observe ko na iyan sa sarili ko. Sabi ko, 'Bakit ba umiinit ang ulo ko?' And then I traced it back. Kasi when I was younger, galit na galit ako noon. Lalo na yung kinakatok ka. Tapos yung gigisingin ka at sasabihin na, 'Kayo na po.' Tapos, ikaw na lang pala ang hinihintay sa set. Yun bang nagmamadali ka at naalimpungatan ka. Tapos pupunta ka na at mamadaliin ka. Ayoko ng ganoon," pag-aalala niya.

Nagbigay siya ng tip kung paano maiiwasang magkaroon ng bad mood sa taping.

"Ngayon, if ever na I'm tired at hindi ko maiwasan na antukin ako, sasabihin ko, 'Matutulog ako pero, please, gisingin niyo ako two sequences away.' Para sa ganoon, I have time to in-in. Yung gigising ka, e, relax-relax ka lang. I have time to refresh. Kaya galit na galit ako noong bata ako sa ganyan. Pero yung mga bata ngayon hindi ganyan.

More than 30 years na rin si Gina sa industriya kaya hindi niya makita ang sarili na may ginagawa pang ibang trabaho. Kung may nakita siya noon, marahil ay wala na siya sa industriyang kinalakihan niya.

"I'm glad na kaya din ako tumagal dito, besides I have nothing else to do or I don't know anything else, it's for the love of the job. For the love of acting. The passion for it. Otherwise, I could have just packed my bags and just left and tried another job," sabi ni Gina.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  pepato

    06/22/2010 | 12:04 AM
    Vindicated na si Gina. Umamin na si Krista.

    May mukha pa kayang maihaharap ang mga Ranillo lalo ang mga magulang nya??? Tsk tsk tsk . . .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  migz2006

    06/21/2010 | 11:06 AM
    pathetic!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  annbarr

    06/21/2010 | 01:30 AM
    what good is a shout out if nobody can hear it or read it for that matter? just sayin..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  filam_la

    06/21/2010 | 12:29 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  californiastar5

    06/20/2010 | 10:08 PM
    Si Kris na naman, me katibayan ka???Labas mo! Pag nag accuse kayo dapat suportahan ng proof. Kung wala wag mag mention ng names.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • batongbakal

    06/20/2010 | 06:15 PM
    Di niya napanindigan noon ang shout-out niya, natakot nang mag-threaten si Krista na magde-demanda. Syempre may pang-demanda ang Krista, milyones ba naman ang pera ni Pacman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • whimsical

    06/20/2010 | 05:55 PM
    alam mo naman ang kalakaran sa showbiz ngayon... kahit nga scandalous pics eh nailalabas na sa internet eh yun pa kayang post mo sa FB mo... kung ayaw mong malaman ng ibang tao ang pagiging outspoken mo... simple lang, huwag magpost ng status sa FB account... magpadala ka nalang ng PM sa mga friends mo... bilib pa naman ako sayo dati teh kasi akala ko matalino ka... outspoken ka lang pala at di kayalinuhan... wahahahah...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • whimsical

    06/20/2010 | 05:52 PM
    grabeh... naloka ako... nag-FB ka pa... eh ayaw mo naman pala mabasa ang status mo... sana nag-friendster or multiply ka nalang wahahahah...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • prettyasian

    06/20/2010 | 05:31 PM
    adik sa FB????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sweetiehelene

    06/20/2010 | 03:40 PM
    isa pa tong bahliw
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/20/2010 | 03:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/20/2010 | 03:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/20/2010 | 03:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    06/20/2010 | 02:44 PM
    SI KRIS AQUINO YATA ANG NAGTAKSIL NA ILABAS ANG STATUS MO NOON ABOUT KRISTA?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About