"DJ Mo is a legal problem, strictly legal."
Ito ang deklarasyon ng mismong chairman, president, at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon sa luncheon meeting niya with PEP (Philippine Entertainment Portal) and other select entertainment editors last Monday, June 21.
Tinanong kasi kay Atty. Gozon ang tungkol sa reklamong breach of contract na inihain ng Kapuso network kay Mo Twister dahil sa paglipat ng TV host sa TV5. Dating co-host ng showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central si Mo bago siya pumunta sa TV5, kung saan kasama siya sa mga showbiz talk show na Paparazzi at Juicy.
"Kasi ang contract namin kay DJ," patuloy ni Atty. Gozon, "we have the sole option to renew if we want to. Because he's transferring to Channel 5, we renew, and then he ignored it, so I filed a case and see whether there is a contractual obligation in this country or not. The last time I looked at the law, there was. In-ignore nila yung contract, e. They knew it. I called Channel 5 also, 'that this guy is under contract with us, we renewed it.'
"As I said, I want to see whether our laws are being followed by everybody or not. Because I'm basically a lawyer, e. I hate it when I see something na we're just being ignored like that. 'Kasi contract lang 'yan, puwedeng bayaran 'yan.' Okay, fine, let's see. As I said, it's not only money. We can prevent you from performing there by injunction. That contract is binding, ha. And under that contract, he cannot appear in any other TV stations without our consent. E, wala pa yung injunction sa court, e."
Ang tinutukoy na "injunction" ni Atty. Gozon ay ang request ng GMA Network na temporary restraining order (TRO) sa korte para hindi makalabas si Mo sa mga programa ng TV5. Pero hindi pa ito nadedesisyunan dahil sa "technicality."
"May technical, yung address niyang [Mo] nilagay sa contract, hindi na daw siya doon nakatira. Kaya ang ano doon, hindi daw niya natanggap. Gano'n lang yun. Sabi ko, 'Sige pagbigyan n'yo na, send it again where he lives now.' Siyempre, expedite. Yun lang naman ang katuwiran nun, e.
"Kung maganda lang ang pagkakaano, baka pinayagan ko. E, nakarinig ako ng hindi ko gusto. Binalewala kami, e, yung contract. You have to uphold the obligation of the contract," diin ni Atty. Gozon.
May isang taon pa raw na natitira si Mo sa GMA-7 dahil nga sa ni-renew nila ang kontrata nito.
Dahil sa pagsasampa ng reklamo ng GMA Network, may impresyon ang ilan na tila "napaka-valuable" naman ni Mo sa network para habulin pa nila ito. Pero ayon kay Atty. Gozon, labas sa usapan ang kakayahan ni Mo bilang host.
Katuwiran niya, "Pababayaan lang ba yung mga ganun? Gusto kong turuan ng leksyon some people. That's why Channel 5 is included in the suit, hindi lang si DJ Mo. Because under the law, you cannot alienate or cause somebody to violate a contract. Hindi lang si DJ Mo involved dito, Channel 5 is involved. Ganun kalalim 'yan."
JC DE VERA. Tungkol naman sa isa pang dating talent ng GMA-7 na si JC de Vera, na lumipat na rin sa TV5, nilinaw ni Atty. Gozon na ibang kaso naman ito.
"Si JC, iba ang isyu do'n. Nagkaroon ng personality issue doon. More than that, I don't want to comment anymore. Masyadong madugo itong isyu na ito, e," medyo natatawang sabi ni Atty. Gozon.
Matatandaang nasangkot si JC sa away ng manager niyang si Annabelle Rama at ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante. Umabot sa demandahan ang gulong ito at napilitan ang manager ni JC na ilipat siya sa TV5.
Namagitan ba si Atty. Gozon sa away na ito sa pagitan nina Ms. Wilma at Annabelle?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
216 tutoo_lang
215 sexyshine225
214 bebe_onie
213 xspring
212 batongbakal
Ang bottomline : LAGOT KA, MO! Matu-twist ka ng GMA sa korte.
211 meichi19852008
210 rmel_kapuso
209 istariray_dubai
---gt;natawa naman ako dito sa statement na to...meron ba ang gma neto???
208 undomesticgoddess
homemaker
June 26, 2010
06:50 AM
para sa kapamilya:
pamimirata ang tawag sa ginagawa ng abs na pagoffer ng malaking talent fees sa mga natipuhan nilang talents ng gma ex angel locsin
sa nakikita at nababasa ko, di gawain ng gma ang mamirata kasi mga professionals sila. sina rachel ann go etc, sila ang nag-offer sa mga sarili nila sa gma at gma made sure na walang sabit ang mga gustong lumipat sa kanila bago nila ito eentertain.
-------------
viva ang naglipat kay rachell sa 7 at inamin niya sa national tv na ayaw sana niyang umalis ng asap, halos umiyak pa siya nun. SO HINDI NIYA INOFFER ANG SARILI NIYA. tapos na ang kontrata ni angel ng umalis ng gma at pumirma sa abs so walang pamimiratang nangyari. kung meron eh bakit puro dakdak lang si welma nun at di niya kasuhan????
207 yarika
206 calisa20
205 mharkrollen
BoVo!
204 homemaker
pamimirata ang tawag sa ginagawa ng abs na pagoffer ng malaking talent fees sa mga natipuhan nilang talents ng gma ex angel locsin
sa nakikita at nababasa ko, di gawain ng gma ang mamirata kasi mga professionals sila. sina rachel ann go etc, sila ang nag-offer sa mga sarili nila sa gma at gma made sure na walang sabit ang mga gustong lumipat sa kanila bago nila ito eentertain.
203 calisa20
natawa naman ako sa comment mo. Di ba si Gozon ang may-ari ng GMA at siempre nasa showbiz world siya at iyan ang business niya so bakit hindi siya makikialam ha ha. naliligaw ka yata
202 gaila
201 rmel_kapuso
200 Amboy11
199 calisa20
198 ivax24
197 rmel_kapuso
more comments