features

Vicki Belo on Charice Pempengco: "I think she's perfect the way she is."

by Rose Garcia posted on September 2, 2010  STATS: 3718 Views | 52 Comments


"Wala akong ginawang surgical procedure kay Charice. Facial lang at saka thermage ang ginawa namin sa kanya para lumiit yung face niya. Tinatanong na nga ako ng lahat kung ginawa ko ba ang ilong niya, ni-lipo ko ba siya?  Wala... wala akong gagawing ganoon," said the beauty mogul whose botox procedure on Charice Pempengco (left) became an international issue.

Photo By: Glen P. Sibonga

Nakapanayam ng Startalk si Dra. Vicki Belo sa binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana noong July 18. Hindi siya nakaabot sa seremonya sa simbahan kung kaya't sa reception na ito dumating.

Kuwento ni Dra. Belo nang sabihan daw siya ni Paolo na magnininang siya, "Sabi ko, Pao, baka ako ang oldest ninang for a baby. Kasi, palagi na akong nagwe-wedding ninang. Hindi na ako nagbe-baby ninang. But I said yes. Siguro they'll get married in three years, kapag puwede nang flower girl si Xonia."

Umamin naman si Dra. Belo na gusto na rin daw niyang magkaroon ng apo.

"Si Quark [Henares, her eldest son na isang director], yung girlfriend niya five years, nag-break. Tapos si Cristalle [Henares], eight years, nag-break.  E, I was already counting on married, di ba?"

STILL IN LOVE WITH HAYDEN. Mag-isa lang na dumating si Dra. Belo sa binyag.  Hindi nito kasama ang rumored boyfriend pa rin na si Hayden Kho Jr.

"The reason I'm involving his life I think it was not healthy.  Although ako, ang gusto ko, palaging yung guy na kasama ko, involved sa business life ko. It's part of the alaga of me.

"Mahal ko yung tao talaga, as in mahal.  Kahit mag-asawa pa yun ng iba or may ibang girlfriend, palagi kong sinasabi, 'Just tell me, okay lang sa akin. Honestly, that's all I ask, 'wag mo namang itago, there's no reason.'"

Pero, kakayanin ba niya kung magkaroon nga ng ibang girlfriend ito?

"Masakit pero... I miss him. Pero, ganoon talaga ang buhay."

Bukas, July 26, itutuloy ng Pasig City Regional Trial Court ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden. Sinamahan ni Dra. Belo si Hayden sa unang hearing.  Sasamahan niya ba ito uli bukas?

"Hindi na 'ko pupunta dahil sabi nga niya, iniisip niya, kapag nag-testify siya, he wants to say nothing but the truth.  And he doesn't want to worry kung nakaupo ako ro'n, baka masaktan ako or something. So, nakiusap na siya."

BEAUTY ISSUE. Nilinaw rin ni Dra. Belo ang naging international issue na beauty enhancement na ginawa niya kay Charice Pempengco para sa napipintong paglabas nito sa hit U.S. TV series na Glee. Marami ang nag-react sa paggamit niya ng botox sa mukha ni Charice dahil napakabata pa raw ng international singer para kailanganin ito.

Paliwanag naman ni Dra. Belo, "Kaya ko lang ginawa yun, kasi, gusto ko lang lumiit nang konti ang mukha niya, binotox lang namin nang konti dito. Kasi, masyado siyang nagtsu-chew ng bubble gum."

Napag-alaman naman daw ng Startalk sa isang source na may bruxism si Charice. Ayon sa Wikipedia, "bruxism is a sleep disorder characterized by the grinding of the teeth and is typically accompanied by the clenching of the jaw."

Ang depensa ni Dra. Belo, hindi naman daw surgical procedure ang ginawa niyang beauty enhancement kay Charice.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

52 Comments

  • 52  heluroo

    07/27/2010 | 12:53 AM
    naku goodluck kay charice,magiging kamuka ka na ni belong kirat bwahaha...quacky doktor,hungry for publicity pati bata sisnisira ang career!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  firebird

    07/27/2010 | 12:25 AM
    vicky, ang dapat i-botox ay ang kirat mong mata!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  pusotisipmo

    07/26/2010 | 09:40 PM
    ito lang namna yan e,belo uses stars at ang showbiz mismo para a bussiness nya at itong mga stars naman nag papauto kay belo,nagpapagamit!.salamat naman at tlagang iniwan na ni belo si hayden kase alamm nya sigurong parehong sira sila at baka sa mas malala pa humantong ang sirang pag ibig o kabaliwan nila ni hayden!.di naman tlaga pweding magsama ang dalaawang taong sira na,baka lalo lang silang masira,.about charice-still young para mag undergo ng ganyang surgical,.wag naman,,wag na wag,.payo ko lang kay charice-sikat sya pero still alam nya ang tama sa mali,wg syang gumaya sa ibang stars jan lalo na sa s=hollywood na nawawala sila o nagpapakasira,..both for brlo at charice-kilalanin nyo pa si god,ng mas malalim para din sa life nyo yan,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  leonard_leonard

    07/26/2010 | 05:31 PM
    sama mo belo.. maka ride on kalang sa kasikatan ng ibang tao charicegagawin mo lahat sukdulan makasira ka ng kinabukasan ng kapwa mo.... maitim ang budhi.. magsama kayo sa impiyerno ng inaasawa mong si hayden
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  K4rm4

    07/26/2010 | 03:28 PM
    Boycott Belo Bill sign the petition. US congress will approve it and Pres Obama for sure wont Veto it. Pres Obama cant stand Belo. nakakatakot fez ni Belo we dont want that kind of fez in the pinas pleaseee. may mirror ba si Belo sa house nya? o baka nabasag na lahat dahil sa fez nya? ew
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  daring_nina

    07/26/2010 | 02:07 PM
    ay baliw..yun naman pala sana diniscourage mo sa umpisa pa lang....ungas na doktor!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  bulaklak_2009

    07/26/2010 | 01:21 PM
    Puwede ba hindi perfect ang face ni CHARICE kaya nga nagpa botox. Para kasing FULL MOON. Masyado kasi ang nanay ni Charice. Parang nag e experiment at si charice ang object niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  sleepingchild

    07/26/2010 | 11:21 AM
    patawa naman si belo.

    vicki belo = lame
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  buldit1111

    07/26/2010 | 10:48 AM
    Tigilan na pag nguya ng juicy fruit lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  pep_dropper

    07/26/2010 | 10:14 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  pepreader123

    07/26/2010 | 07:32 AM
    Perfect? nambobola pa tong si tandang belo....hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  pepticulcer

    07/26/2010 | 07:11 AM
    Dr. Belo contradicts herself. If Charice is perfect the way she is, why did she have to do, much more have the procedure aired? Wala nang patient confidentiality.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  totoysipa

    07/26/2010 | 06:14 AM
    9 abc, 12 shuttle

    Idagdag sa listahan si Marvin Agustin. Fellow doctor niya sa Belo ang nagsabi sa amin. Ito yung panahon na BFF pa sila ni Rosanna Roces.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  StocksAndBonds

    07/26/2010 | 05:34 AM
    PEP, next topic please. move on na ang lahat kayo na lang ang natira. kaka-umay!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  bida

    07/26/2010 | 03:13 AM
    you find her perfect and you mess with her face! yet another lie belo! kunsabagay you are in the business of lies, presenting people with promises of superficial beauty that never really last.

    the reason you stuck needles in her face is you think her face is fat. and that you could feed of her media value. what a hypocrite and outright liar!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  westbourne

    07/26/2010 | 02:46 AM
    daming pasulot ng brooooha nito........ isang mangagamit talaga tong belo.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  myca_bag

    07/26/2010 | 01:49 AM
    nakaka-alibadbad talaga pag matanda ang nagsasabi kung gano niya kamahal ang boy toy nya, i mean ang boypren.
    dapat si charice maglalayo sa babaeng ito. walang madudulot na mabuti ito sa career nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  adoboworld

    07/26/2010 | 01:44 AM
    Break nya ang patient confidentiality.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  adoboworld

    07/26/2010 | 01:43 AM
    Nagamit su Charice ni Dra Vicki for her publicicty. Hindi lang siguro makatanggi si Charice dahil na intimidate sya ng Doctora. Sinabi siguro nya, Charice lets do this and this, walang nagawa kundi umoo nalang at ayaw nyang ma displease si Dra Vicki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  bruhilda26

    07/26/2010 | 01:31 AM
    You think Charice is perfect the way she is e bakit pinakialaman mo ang mukha niya bruha ka talaga grrr!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About