Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.
"Of course, I'm aware because alam mo naman ang show business, napakaliit," panimula ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magkaribal noong Miyerkules ng gabi, Agosto 25.
Pagpapatuloy ng aktres, "Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week...and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]
"Saka, lalo na yung Twitter, I don't have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]...everybody knows!
"Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, 'Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman...I don't want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat 'yan."
Nagsimulang magduda ang showbiz press na may kahidwaan si Claudine nang mapadalas ang pagtu-twit niya ng mga maaanghang na mensahe nitong mga unang bahagi ng Agosto.
Bagama't hindi pinapangalanan ni Claudine ang taong pinasasaringan niya sa kanyang mga twits ay naging paboritong usap-usapan ito sa mga umpukan ng showbiz press.
Sa ganitong paraan ay tila napagtagni-tagni na rin ng press na ang pinatutungkulan ni Claudine ay si Angelica Panganiban, na minsan na niyang nakasama sa teleseryeng Iisa Pa Lamang noong 2008, nang si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.
Sa naunang panayam ng PEP kay Claudine na lumabas dito kahapon (CLICK HERE to read related story) ay hindi na itinanggi ni Claudine na si Angelica nga ang kahidwaan niya.
Ayon kay Claudine, si Angelica ang nagkakalat ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano'y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica.
Sinabi ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano'y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama't hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.
Nilinaw ng PEP ang mga ito kay Gretchen mismo. Sinimulan ng PEP ang panayam kay Gretchen sa paghingi ng kanyang reaksyon sa anggulong tila nagsimula ang hidwaan nina Claudine at Angelica nang tangkain daw ni Claudine na sitahin si Angelica sa pagsasalita laban kay Gretchen sa isang party sa bahay ni Castro noong Hulyo.
Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano'y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.
Narito ang kabuuang interview ng PEP kay Gretchen:
Ang umiikot ngayong balita, ang root diumano ng war ni Claudine kay Angelica can be traced sa pagtatanggol ni Claudine sa 'yo sa isang party, where Angelica was maligning you to other guests daw. Ano ang reaksiyon mo rito?
"No, no, no...that's not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako... Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na 'yon at all—walang kinalaman.
"There's no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang 'yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.





kung si CB ang susunod sa yapak ni Vilma Santos, AP is the next Maricel Soriano..si Eugene Domingo mismo ang nagsabi nyan
2009 Guillermo Mendoza Memorial Fellowship Foundation - Promising FemaleBox Office Star for Movies amp; TV
2008 1st Supreme to the Extreme Awards Philippine Star - Villain of the Year Winner Iisa Pa Lamang
2008 FAP Luna Awards - Best Supporting Actress Winner A Love Story
1997 Guillermo Mendoza Foundation - Most Popular Child Star Winner
1997 PMPC Star Awards - Best Child Actress Winner Ama, Ina, Anak
1996 FAMAS - Best Child Actress Winner Sarah, ang Munting Prinsesa
1995 FAMAS Awards/PMPC Star Awards - Best Child Actress Winner Separada
bata palang meron nang award si AP compare to CB na matanda na nung magkaaward, kaya huwag nyong maliitin si AP dahil may napapatunayan na po cya, matagal na..mas versatile pa cya compare to CB who's forte is only in drama...AP can do comedy and much more
in drama...kung si CB ang susunod sa yapak ni Vilma Santos, AP is th
nimblewits
September 1, 2010
11:46 AM People should know the truth...
Angelica knows what the truth is and of course she is not crazy enough to admit it in favor of CLAUDINE..
Angelica's cowardice will only make her suffer more on the inside...while CLAUDINE is pleasing God with her rightful actions...
Now, ABS is trying to protect her because she asked for it and with ABS' bitterness to Claudine's transfer they'll do whatever it takes to annihilate Claudine.
TRUTH NOW IS... ABS' trying to convince people that CLAUDINE is doing something wrong and Angelica is keeping her wings real.. even digressing the topic just to lead the game. ABS' trying so hard now to patch things up. They are trying to talk things out with Clau's camp. ABS is a stupid company..they are a KINGDOM in disguise..long before... i hate to realize that i once believed their lies!!!
========================================
GMEEEW7 SCRI
kupalmilyucks
August 29, 2010
18:44 PM Hay naku, basta Kapwemilya masama ugali.
======================
IKAW ANG MAY MASAMANG UGALI SA USERNAME MO PLNG IT ONLY PROVES N KUNG ANO KA?! THE NERVE N MGSALITA K AGAINST OTHER PEOPLE N MSMA UGALI HELLOOOOO....MIRROR..MIRROR ON THE WALL TINGIN K NMN SA MIRROR NYO ON THE WALLLLL!
Kapatid mu yan Gretchen,sbhin na nating nababaitan ka kay Angelica tlga,how much tym have u spent wd her para ma-sense mo na mabuti nga xa,u know it takes tym bago mo masabi mabuti nga ang isang tao,