features

Pilita Corrales denies saying anything against former daughter-in-law Lotlot de Leon

by William R. Reyes posted on October 11, 2010  STATS: 1114 Views | 16 Comments
  "Ang sinabi ko lang naman, yung totoo, that she left the house, pero... Ngayon, dapat that should be a closed book na, e. Wala nang ganyanan dapat," says Asia's Queen of Song Pilita Corrales about her rumored rift with former daughter-in-law Lotlot de Leon.

 

Aware si Pilita Corrales sa mga naglabasang ulat at radio/TV interviews ni Lotlot de Leon, ex-wife ng anak niyang si Ramon Christopher. Pero taliwas sa maaaring inaasahan ng marami, walang masamang sinabi si Pilita tungkol kay Lotlot.

 

"Sa akin naman, walang conflict. It's just that hindi kami nagkikita, pero walang conflict," banggit ng Asia's Queen of Song sa exclusive interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa Quezon City studio ng TV5 celebrity talk show na Jojo All The Way, last Thursday, October 7.

 

Kumusta naman ang kanyang bunsong anak na si Monching?

 

"Okay naman, he's with the four kids," sabi ng kinikilalang "Mamita" ng mga anak nina Lotlot na sina Jenine, Jessica, Maxene, at Diego.

 

"They live with Monching, but almost every day, they're with Lotlot also.  They visit Lotlot pag there's no school. So, at least, maganda [ang arrangement]."

 

CUSTODY ISSUE. Sa mga ulat ay nabanggit na labis na ikinasasama ng loob ni Lotlot ang diumano'y sinasabi ni Pilita na may "full custody" na si Monching sa mga anak nila. Bagay na itinanggi naman ni Pilita. 

 

Aniya, "Wala naman akong sinasabi. Tapos, nilahukan...kesyo umiyak daw si Lotlot, mga gano'n.

 

"Ang sinabi ko lang naman, yung totoo, that she left the house, pero... Ngayon, dapat that should be a closed book na, e. Wala nang ganyanan dapat."

 

For the record, hiningi pa rin ng PEP ang statement ni Pilita hinggil sa custody issue, o kung may binitiwan nga ba siyang pahayag na hindi pabor sa dating manugang. 

 

"Never!" mariing wika ng veteran singer.

 

Matatandaang noong April 2008 ay na-grant ng Quezon City courts ang annulment ng marriage nina Lotlot at Monching, matapos ang labing-siyam na taon mula nang sila'y maikasal noong Marso 27, 1989, sa Club Filipino, San Juan.

 

Lotlot filed for the nullity of their marriage a year before. Pero ilang taon nang hiwalay sina Lotlot at Monching bago naihain sa korte ang pormal na petisyon ng pagsasawalang-bisa ng naturang kasal.

 

"Actually, within the law," pahayag ni Pilita, "if a woman leaves the house, she actually loses the right [to her children]. Pero with them [Lotlot and Monching], they are able to talk amicably. Parang gano'n, nagpirmahan sila. 

 

"So, it was very difficult for the kids, tapos ang tatay lang [ang nagtataguyod]. At least, now... Sometimes, Lotlot takes the kids to the doctor, gano'n. Very close naman sila, which is clear. 

 

"Wala naman akong sinabi. Keep quiet na lang. Sabi nga ni Monching, 'Ma, please don't say anything anymore.'"

 

Pero isa si Pilita sa mga beteranang showbiz celebrities na ang imahe ay she has a mind of her own and speaks her mind.

 

"Because I think somebody must have told her [Lotlot] na...maybe, somebody said that she's not a good mother. Which is never said by me!

 

"Kung kanino galing 'yon, hindi ko alam. I will never say that. Meron lang [nanggagatong] para lumaki lang ulit [ang issue]. Pero walang kuwenta 'yon," nakangiting sabi pa ni Pilita.

 

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE. Having said her piece on the Lotlot-Monching controversy, PEP moved on to another topic and congratulated Pilita for being this year's recipient of the Lifetime Achievement Award sa ikalawang taon ng Star Awards for Music. Ang parangal ay kaloob ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

 

"Ay, thank you naman! Thank you naman!" masiglang pagtanggap ni Pilita sa aming pagbati. "I've been singing for so long na kasi."

 

Having recorded more than a hundred albums and done sold-out concerts here and abroad, isa na ring icon sa music industry si Pilita.

 

"Ay, nakakahiya 'yang mga icon-icon," reaksiyon naman ni Pilita. "You know, receiving an award is always very special to anybody, especially for me. During those years [starting in the 1960's], I've received so many awards, but this is the first award for music.

 

"So, for me, it's really a great honor because it is for music. It is my life! My life is music. My life is learning songs. My life is recording. 

 

"So, for me, this is probably one of the best awards I will be receiving. It is really the one for music.

 

"So, I want to thank the group, the Philippine Movie Press Club, for honoring me with this award. Thank you very, very much! God bless you all!"

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  hooney

    10/12/2010 | 08:00 PM
    malaki respeto ko sa matatanda pero maliwanag talaga sa mga sinabi niya dati at nito lang na hindi magaganda ang mga sinabi niya tungkol kay lotlot noh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  binsoyb

    10/12/2010 | 01:33 PM
    Media made Charice a STAR...Lea??? NO- Pilita??? NEVER !Her records still sells all over the world at a stiff price- never na inon sale nila!Tingnan mo sa iba jan 6 months from now- kung pwede lang ipamigay ng libre gagawin!Eh me puhunan. And that my dear is what you call STAYING POWER.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  abel_pinoy

    10/12/2010 | 12:46 PM
    binsoyb, para yatang hindi puede i-compare si Pilita kila Charice or Lea. Kasi noong panahon ni Pilita, hindi stiff ang competition. Panahon ni lea, stiff na at lalong ngayong panahon ni Charice. But you cannot deny the fact na Lea won two international awards whereas si Pilita yata walang napanalunan. I am not saying pilita is not a good singer. I like her. She was my favorite. I always watch her weekly shows noon sa TV. She is really, really good. Kaya lang wala akong makitang point of comparison.
    Sorry ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  binsoyb

    10/12/2010 | 07:25 AM
    Itanong ninyo sa mga taga EspanyaSpain kung gaano sila mamuhay! Lagi taas noo,lagi taas PRIDE. No one could ever say na basta basta ang 1 PILITA- We loved her music, all over the world...she COMMANDS!She is in line with Shirley Bassey and the whole lot of performers all over- billions pang sakong bigas ang kakaininbago marating ng mga Charice, Lea, etc...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  eva4you

    10/11/2010 | 10:51 PM
    After that incident i never indulge my self to listen to any of her songs nor watch her on television!!!!!!!!!!!!!!! Not in my life anymore!!! I think PMPC should also look up to the singers personal upbringing, attitude and moral values!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  eva4you

    10/11/2010 | 10:41 PM
    Che!!! echusera tong pilita na to. PLASTIC. I already saw her one time before sa loob ng sm cinema ung show ni ryan agoncillo before.. Naku day.. sa edad nyang yan mas mataray pa sya kay marian. Naku kung maglakad kala mo prima donna!!!!! Dumaan sya sa harapa ko nginitian ko sya,, naku day inilapan ako inisnob!!!! yup, ganun ka plastic yang pilita na yan!! And take note, bibit nya pa body guard nya na 2 habang palakad lakad sa loob ng cinema!!!! my gosh!!!! Hay naku naniniwala ako kay lotlot na inaaway siya ni pilita plastik at matapobre kasi yang pilita na yan!!!! che!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  calisa20

    10/11/2010 | 09:33 PM
    Pilits hindi mo na kailangang gumimik pa tapos na ang kapanahunan mo. Dapat nga magpasalamat ka rin at sa iyo naiwan ang mga apo mo dahil innisip din siguro ni Lotlot noong panahonh umalis siya ay walang wala talaga siya at ayaw niyang madamay ang mga bata. So kapakanan pa rin ng mga bata ang iniisip ni Lotlot. May mga pangyayari sa buhay na hindi na kayang pagtiisan gaya ng makasama ka ng habang panahon ha ha pero in fairness kay Lotlot ng makabangon siya ay hindi naman niya pinabayaan ang mga anak at patuloy ang communication nila. At kay Monching kahit walang backbone at least hindi niya ipinagkait kay Lot ang mga anak at alam din niya ang pagkakamali niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    10/11/2010 | 06:31 PM
    kung talagang si lotlot ang mali hindi na sana nya nakakausap mga anak nya or even monching.ay naku liar liar si pilits
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hellohellohello

    10/11/2010 | 05:23 PM
    i feel bad for lotlot.. buti na lang di ganito mom-in-law ko.. hehe!

    true na napilitan lang naman iwan ni lotlot ang mga anak nya kasi wala syang trabaho nun. umaasa ang buong pamilya nya kay pilita. so wala syang pambuhay sa mga anak nya. kaya bumalik sya sa pag aartista. tapos ngayun tatanggalan sya ng karapatan? this is very very sad for a mother.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sharonbruha

    10/11/2010 | 04:01 PM
    naku naman lola Pilita, huwag magsinungaling. sinabi ninyo sa TV na pinayuhan ninyo si Jackie Lou na huwag umalis ng bahay kasi matutulad siya kay Lotlot na iniwanan ang mga anak kaya nawalan siya ng parental authority. at sinabi ninyo na pumirma si Lotlot na ibinibigay parang wini-waive na niya ang authority niya sa mga anak niya. hindi iyon ang exact sentence na ginamit ninyo pero something to that effect. siyempre mag-re rea ct ang mga anak niya na parang ipinamigay na lang sila ng ganon lang. kaya lang naman umalis daw si Lot kasi ayaw humiwalay sa palda ninyo ang inyong anak at lahat na lang inaasa sa inyo. siyempre gusto maramdaman ni Lot kung paano maging totoong pamilya na may nag-hahanapbuhay na asawa at hindi umaasa sa pang-araw araw na pagkain sa ina. paano kung pumanaw na kayo. kaya nga nag-desisyon si Lot na maghanapbuhay kasi hindi niya maatim na kumakain ang pamilya niya sa di niya pinaghirapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    10/11/2010 | 03:45 PM
    bakit iniwan ni Lotlot ang mga anak kay Monching? Simple, di kayang itaguyod ni Lotlot ang mga anak, does it make her a bad mother? para sa akin hindi, kasi mas masama naman kung pinilit nyang isama ang mga anak tapos di naman kayang buhayin. ang magiging ending, mag aartista ang mga bata para maitaguyod mga sarili nila, na hindi naiiba sa nangyari kay Lotlot at mga kapatid nya.
    Me nabasa ako na sinabi nya sa same interview malas sya sa mga in laws, referring to Ricky Davao and Lotlot yan. E di ba me tsismis din kina Jackie at Ricky na pilit na lang nagsasama?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusongsaudi

    10/11/2010 | 03:28 PM
    uy,gusto ko mga comments lalo na si dulcenea...walang bias....si lotlot paawa epek ha...feeling nya bida sya sa isang serye....may kasalanan ka rin naman kasi lotlot sa totoo lang....masyado mataas ang pride mo....syempre si pilita rin masyadong mayaman ang dating parang ang hirap iaproach...isa siguro yun sa reason, nahirapan si lotlot....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trisha207

    10/11/2010 | 03:24 PM
    Tama naman sinabi ni Pilita kay Lotlot. Siya naman talaga ang nang-iwan. Eh sa totoong ginawa naman ni Lotlot iyon !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyasian

    10/11/2010 | 03:22 PM
    dapt sa loob nalang ng bahay nila cla naguusap regarding this..my kids pang involve
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    10/11/2010 | 03:03 PM
    Thank you for the music din, Pilita. Icon na nga talagang maituturing. Parang si Armida Siguion-Reyna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marikit_ako

    10/11/2010 | 02:48 PM
    Well, walang usok kung walang apoy at common sense naman na walang aamin kung sino ang may mali or tama. Sa puso na lang ng bawat isa sa kanila ang magkakapagsabi kung ano ang totoo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About