features

Danita Paner is okay now with mom Daisy Romualdez and ex-bf Kean Cipriano

by Rommel R. Llanes posted on December 10, 2010  STATS: 304 Views | 17 Comments


  Rocker turned singer Danita Paner impressed the execs of TV5 with her performance in 5-Star Special Presents JC de Vera, and so they  decided to cast her in the network's very first teleserye, My Driver Sweet Lover (MyDSL).   "Sobrang blessed ako and thankful, kasi siyempre, as a beginner sa pag-acting, ako pa yung napili for this role," gushes the 21-year-old acting newbie.

Photo By: Rommel R. Llanes

Kahit baguhan sa pag-arte, naging maganda naman ang performance ng rocker turned actress na si Danita Paner noong nakapareha si JC de Vera sa dalawang episodes ng 5-Star Special.

Na-impress ni Danita nang husto ang TV executives ng Kapatid network, kaya siya ang napisil na gumanap bilang bidang babae sa pinakaunang teleserye nilang My Driver Sweet Lover (MyDSL).

"Twice namin siya ipinareha kay JC, at dun sa parehong episodes ng 5-Star Special, parehong mataas ang ratings. So, ibig sabihin, may chemistry sila. Kaya pinagpareha namin uli sila dito naman sa MyDSL," kuwento ni Ms. Edlyn Tallada, TV5 production unit manager, sa PEP (Philippine Entertainment Portal).  

Naimbitahan kasi kamakailan ang PEP upang i-cover ang taping ng MyDSL sa Thunderbird Resort, Binangonan, Rizal. At habang hinihintay si Danita, nakausap muna namin ang mga nakatrabaho ng dalaga.

Pulos magagandang salita ang narinig namin mula sa mga nakatrabaho ni Danita. Wala raw kiyeme at game na game sa trabaho ang adopted daughter ng dating aktres na si Daisy Romualdez. Halos lahat nga ng eksenang kinunan sa iba't ibang locations ng Thunderbird Resort, kasali si Danita at parang wala itong kapaguran.

Kaya nang makausap na namin si Danita, kinumusta namin ang experience niya ngayon as an actress.

Parang wala namang mahagilap na pagrereklamo si Danita. Mas dapat nga raw na magpasalamat siya sa ibinigay na tiwala sa kanya ng TV5.

"Sobrang blessed ako and thankful, kasi siyempre, as a beginner sa pag-acting, ako pa yung napili for this role," pahayag ng 21-year-old na nagpasikat ng mga kantang "Lunod," at "Kung Wala Na Nga," at nag-revive ng Prettier Than Pink hit song na "Cool Ka Lang."

"Medyo kakaiba siya talaga sa akin, kasi bago pa lang lahat. So, nangangapa-ngapa pa. Pero nae-enjoy ko naman siya," sabi pa ng dalaga.

SUPPORTIVE ENVIRONMENT. Malaking factor daw sa pag-e-enjoy niya sa kanyang ginagawa ang malaking support na nakukuha niya sa kanyang mga katrabaho.

"Sa mga staff, sa mga co-actors ko, sobrang bait nila, sobrang supportive nila. Kasi minsan pag nakakapagod na, kasi kapag sunud-sunod na talaga yung mga scenes, minsan nade-drain ka na, e.

"Pero sila, binu-boost nila yung self-esteem mo. Para mag-ano pa, para ganahan ka pa. Kasi parang minsan, 'Nakakapagod pala 'to.' Pero sobrang bait nilang lahat."

Pasalamat din siya sa suportang ipinapakita ng mga kaibigan ng kanyang Mommy Daisy.

"Oo, and dumadalaw pa sila talaga minsan sa set. Like si Tita Glo, si Gloria Romero, dumalaw pa talaga siya sa set on time. Nakaka-touch talaga. Kasi yung support niya, hindi basta-basta. And galing pa sa mga veterans. Nakakataba ng puso," nakangiting sabi ni Danita.

ALL IS WELL. Matatandaang nagkaroon ng problema ang sina Danita at Daisy noon. Napabalitang naglayas ang dalaga mula sa poder ng kanyang ina-inahan.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  maganda_daw

    10/15/2010 | 09:39 AM
    joker ka teh?? hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  sweetcassie218

    10/15/2010 | 08:52 AM
    my angle sya na pretty pero on this pic hindi nga xa maganda
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  pusotisipmo

    10/15/2010 | 01:19 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  pusotisipmo

    10/15/2010 | 01:09 AM
    well..tamang maging singer na lang sya,,di bagay ang maging actress,i love her voice,,at mga songs,,mas kikita at makikilala pa sya as inger kesa actress,,wala lang,,mas madaming may star apil kesa sa kanya but shes pretty pero di lahat pweding umangat naman,,ang bata pa nya para mag biolang ng jowa...baka mabuntis ng di oras o masira lang sya,,wag na muna,,saka nayan,,ayusin at mag ipon muna,,tapos ba sya ng college??..wag ipilit kung hindi sayo ang showbiz diba,baka masira kalang!.we love JC DEVERA,,ang lakas ng apil,ang husay umarte!,,well,,just work proffesionaly,,trabaho muna,,bago anupaman,,,mahirap na,,at bago magmahal muli danita sana makilala mo ng malalm ang dyos,,para s aikakatatag mo bilang babae,,bata kapa,,wag muna,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  rom_05

    10/14/2010 | 03:18 PM
    Singer pala to. Basta ang alam ko lang eh ex siya ni Kean.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  vat3ng12

    10/14/2010 | 01:01 PM
    Da who ?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  abel_pinoy

    10/14/2010 | 11:50 AM
    Para siyang eng-eng sumagot sa interview. 21 ka na pero kung humirit ka feeling 15-16? Di rin bagay sa face mo ang style mo.
    Sana sumikat ka kahit konti.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  earls88

    10/14/2010 | 04:43 AM
    2nd album?.. may bumili ba nang 1st album mo?...

    nagpapatawa pero HINDI KA NAKAKATAWA INENG!!! mag BOLD ka nlng... sisikat ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ampm

    10/14/2010 | 02:49 AM
    zooo? zino ba tong gurl na toh? uglie sya ha. sana naman maghanap ang tv5 ng ibang ibi build up, mukha pa naman tong l o s e r . andami kayang magaganda dyan. pati mga starlets nyo sa mga comedy shows parang mga p o k 2. sino ba pumipili dyan? di ata marunong. baka si paola lanzones.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • xotica

    10/14/2010 | 02:25 AM
    obvious na baguhan siya..... gustong maging cool sa interview, sounds adik tuloy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • futyakmod

    10/13/2010 | 09:28 PM
    pwedi ba palitan yang screen name nya...
    Danita... parang pang1960s pa . lumang lumang. di magandang erevive
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • perfectcombination

    10/13/2010 | 07:40 PM
    maganda si Danita paner at magaling din na artista kahit baguhan lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • majormajor

    10/13/2010 | 05:35 PM
    Kundi lang artista nanay nito at sobrang taray... walang papansin sa Danita Paner na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • majormajor

    10/13/2010 | 05:30 PM
    Dating ca ll bo y naman c JC.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • beyond_words

    10/13/2010 | 05:25 PM
    si danita lang yata nagienjoy sa interview nya hehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • astalavista

    10/13/2010 | 05:23 PM
    cno 2? excuse me...napadaan lang poh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aseasyasitgets

    10/13/2010 | 05:19 PM
    ay walang nagco comment..ako na nga lang ;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About