Noong nakaraang linggo ay umugong ang balitang naghiwalay na ng landas si KC Concepcion at ang talent manager nitong si Shirley Kuan.
Sa mga report na lumabas sa tabloids, broadsheets, at Internet, hindi malinaw kung sino ang nang-iwan at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay—ang tiyak lamang ay Star Magic na ngayon ang namamahala sa career ni KC.
Magkasalungat ang dalawang impormasyong halos magkasunod na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkoles, October 27. Ipinahihiwatig nang ganito na hati ang dalawang source: ang una ay mas paling kay KC at ang pangalawa ay kay Shirley Kuan.
Ayon sa unang PEP SCOOPBOX entry: "Iiwanan na raw ni KC Concepcion ang talent manager niyang si Shirley Kuan at lilipat na raw sa Star Magic. Ito ay galing sa isang source na ironically ay taga-ibang channel."
Ito naman ang sumunod na SCOOPBOX ENTRY: "Tungkol sa report na iniwanan na ni KC Concepcion si Shirley Kuan (SK), ang isa sa dalawang talent managers niya, eto ang sabi naman ng isa pang source: "It was SK who quit on the actress-host as early as August this year and not the other way around!" Si Sandra Chavez, ang manager ng mom ni KC na si Sharon Cuneta, ang isa pang manager ni KC. Napabalitang lumipat na si KC sa Star Magic two weeks ago."
KC CONCEPCION. Si KC ay 25-year-old television, film, stage, at recording artist, bukod sa pagiging endorser ng malalaking brands.
Sinasabing isa siya sa highest paid tri-media celebrity endorsers, ngunit nitong huli ay maaaninagang humihina ang daloy ng endorsements nito kung ikumpara, halimbawa, sa 20-year-old star na si Kim Chiu.
Ang itinatambal kay KC ay mga malalaking artista. Nakatambal na niya si Richard Gutierrez sa dalawang pelikulang magkasunod na prinodyus ng magkaribal na film outfits, ang Star Cinema at GMA Films. Nakatambal na rin niya si Piolo Pascual sa telebisyon, sa isang serye na may takeoff sa Paris, France, kung saan nag-aral ng college si KC.
Ngunit sa mga oras na ito, walang anumang ingay na may movie project na pangunguhan si KC.
Mas nakikilala ngayon si KC bilang mahusay, lista, at magandang TV host. Ngunit liban sa pag-co-host niya ng The Buzz, ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, wala na itong hawak na ibang show. Tinapos ng network kamakailan ang Simply KC, ang morning talk show kung saan siya ang solo host.
Bago nangyari ang pagpalit niya ng manager, officially ay dalawa ang managers ni KC—si Sandra Chavez at si Shirley Kuan. Ngunit si Sandra ay mas tutok kay Megastar Sharon Cuneta, na matagal na nitong mina-manage, habang mas tutok si Shirley kay KC. Si KC ang tanging anak ni Sharon kay Gabby Concepcion.
SHIRLEY KUAN. Si Shirley Kuan ay talent manager nina Albert Martinez at Claudine Barretto, na aktibo sa showbiz, at nina Donna Cruz at Joyce Jimenez, na nagsipagpahinga mula sa showbiz nang mag-asawa ang mga ito. Hinawakan ni Shirley si Claudine nang lumipat na ito mula sa ABS-CBN papuntang GMA-7; bago nito, 17 years si Claudine sa poder ng Star Magic.
Si SK ay may katungkulan sa PAMI, o ang Professional Artists Management Inc, isang lupon ng talent managers, kung saan kinikilala ang kanyang kakayahan sa pagrepaso ng mga kontrata.
Nagtrabaho nang mahigit isang dekada si SK sa U.S., kung saan naging kaibigan niya ang pamilyang Gutierrez ni Eddie at Annabelle. May isa siyang anak na lalaki, si Niley.
Dito sa Pilipinas, kilala rin si Shirley sa sirkulo ng advertisers, kung saan siya ay pinagkakatiwalaan bilang casting agent.






Star Magic here you go again. Siempre just like what Channel 2 are doing with Kris Aquino, kinu-kung sinti to the max. and to all their other stars.
That is why wa na ako believe to ABS-CBN and now began switching to Channel 5.
Hahaha kino-quote niyo pa si Eric Salut, as if naman reliable at credible yan. Nuknukan sa pagiging bias ang taong yan.
Ricky Lo is definitely more credible than Salut.
okayka
November 1, 2010
18:03 PM
models ng tupperware ang mag-ina, ask nyo mga nakakakilala sa kanila ng personal.
=====================================
Very true.
Dami nbibigay sa kanyang mga shows na mas bagay at mas deserving pa sana kung sa iba naibigay.
Dami nbibigay sa kanyang mga shows na mas bagay at mas deserving pa sana kung sa iba naibigay.