features

Star Magic releases statement on KC's change of manager; counters negative comments of showbiz reporters

by Mark Angelo Ching posted on January 19, 2011  STATS: 2870 Views | 64 Comments


Star Magic says KC is neither hardheaded nor stubborn; says Sharon's daughter is, in fact, "masyadong masunurin at nagtitiwala." It adds: "Sa personalidad ni KC, madali siyang kausap at bukas sa anumang kritisismo. Magaan siyang katrabaho at gagawin ang ano mang hingin sa kanya."

Photo By: Noel B. Orsal

Noong nakaraang linggo ay umugong ang balitang naghiwalay na ng landas si KC Concepcion at ang talent manager nitong si Shirley Kuan.

Sa mga report na lumabas sa tabloids, broadsheets, at Internet, hindi malinaw kung sino ang nang-iwan at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay—ang tiyak lamang ay Star Magic na ngayon ang namamahala sa career ni KC.

Magkasalungat ang dalawang impormasyong halos magkasunod na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkoles, October 27. Ipinahihiwatig nang ganito na hati ang dalawang source: ang una ay mas paling kay KC at ang pangalawa ay kay Shirley Kuan. 

Ayon sa unang PEP SCOOPBOX entry: "Iiwanan na raw ni KC Concepcion ang talent manager niyang si Shirley Kuan at lilipat na raw sa Star Magic. Ito ay galing sa isang source na ironically ay taga-ibang channel."

Ito naman ang sumunod na SCOOPBOX ENTRY: "Tungkol sa report na iniwanan na ni KC Concepcion si Shirley Kuan (SK), ang isa sa dalawang talent managers niya, eto ang sabi naman ng isa pang source: "It was SK who quit on the actress-host as early as August this year and not the other way around!" Si Sandra Chavez, ang manager ng mom ni KC na si Sharon Cuneta, ang isa pang manager ni KC. Napabalitang lumipat na si KC sa Star Magic two weeks ago."

KC CONCEPCION. Si KC ay 25-year-old television, film, stage, at recording artist, bukod sa pagiging endorser ng malalaking brands.

Sinasabing isa siya sa highest paid tri-media celebrity endorsers, ngunit nitong huli ay maaaninagang humihina ang daloy ng endorsements nito kung ikumpara, halimbawa, sa 20-year-old star na si Kim Chiu.

Ang itinatambal kay KC ay mga malalaking artista. Nakatambal na niya si Richard Gutierrez sa dalawang pelikulang magkasunod na prinodyus ng magkaribal na film outfits, ang Star Cinema at GMA Films. Nakatambal na rin niya si Piolo Pascual sa telebisyon, sa isang serye na may takeoff sa Paris, France, kung saan nag-aral ng college si KC.

Ngunit sa mga oras na ito, walang anumang ingay na may movie project na pangunguhan si KC.

Mas nakikilala ngayon si KC bilang mahusay, lista, at magandang TV host. Ngunit liban sa pag-co-host niya ng The Buzz, ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, wala na itong hawak na ibang show. Tinapos ng network kamakailan ang Simply KC, ang morning talk show kung saan siya ang solo host.

Bago nangyari ang pagpalit niya ng manager, officially ay dalawa ang managers ni KC—si Sandra Chavez at si Shirley Kuan. Ngunit si Sandra ay mas tutok kay Megastar Sharon Cuneta, na matagal na nitong mina-manage, habang mas tutok si Shirley kay KC. Si KC ang tanging anak ni Sharon kay Gabby Concepcion.

SHIRLEY KUAN. Si Shirley Kuan ay talent manager nina Albert Martinez at Claudine Barretto, na aktibo sa showbiz, at nina Donna Cruz at Joyce Jimenez, na nagsipagpahinga mula sa showbiz nang mag-asawa ang mga ito. Hinawakan ni Shirley si Claudine nang lumipat na ito mula sa ABS-CBN papuntang GMA-7; bago nito, 17 years si Claudine sa poder ng Star Magic.

Si SK ay may katungkulan sa PAMI, o ang Professional Artists Management Inc, isang lupon ng talent managers, kung saan kinikilala ang kanyang kakayahan sa pagrepaso ng mga kontrata.

Nagtrabaho nang mahigit isang dekada si SK sa U.S., kung saan naging kaibigan niya ang pamilyang Gutierrez ni Eddie at Annabelle. May isa siyang anak na lalaki, si Niley.

Dito sa Pilipinas, kilala rin si Shirley sa sirkulo ng advertisers, kung saan siya ay pinagkakatiwalaan bilang casting agent.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

64 Comments

  • 64  konsensyabudhi

    11/08/2010 | 05:28 AM
    we love u kc,,isa kang role mdel,,tuloy ang life,,wag pansinin ang mga nega na tao o comento,,,natural lang yan sa showbiz ang mag iba ng plano o ng manager,,mahalaga maayos sialng nag hiwalay in a proffesional way,,yun lang,,we love kc,,,smart,edukada,simple,humble,sensible at mabuting puso lalo na now mas napapalapit sya kay god,,mas madmaing nagmamahal na tao sayo,wag mong isipin mga nega na tao,,,diba,,,god is gud!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  mylamaloka

    11/06/2010 | 04:36 AM
    pangit korte ni kc kahit magpapayat pa siya diretso ang katawan walang balakang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  amanda2010

    11/06/2010 | 04:24 AM
    boring talaga si kc. parang si laura bush na previous first lady hehehe. naku sharon huwag kang magalit at idol kita dati!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  jeanie_14

    11/06/2010 | 12:17 AM
    good luck kace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  mimaigabdolf

    11/05/2010 | 11:44 AM
    SO WHAT NEXT TOPIC PLS?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  clinique10

    11/05/2010 | 03:27 AM
    alang appeal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  qazx

    11/04/2010 | 05:29 PM
    dati nung pa commercial commercial pa lang siya parang ang lakas ng appeal nya tas maganda manamit... pero nung naghosting and everything na para wala palang K...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  pusotisipmo

    11/03/2010 | 12:44 PM
    korakk,,..sa showbiz po,,karapatan ng mga stars lalo na sikat na tlaga o may star apil na tlaga,,ang mamili ng istasyon at manager,.walang permanente sa showbiz,,.ok,,.ang tao naman kase ang magpapasya kung aangat ang stars sa kso ni kc,,proffesional,decent at edukada ang mga manager nya kaya they separate in a nice at proffesional ways,,,walang bad mouth o any pashowbiz ek ek,,after all,baka bukas balik ulit sya dito o o,,ganyan sa showbiz,dapat bukas ka sa any posiblity diba,hanggat dika naman nasisira,,ang relasyon naman ng star at manager ay proffesionalism lang at work lang,we cant handle stars for a long tym,,diba..maswerete si kc ,compare dito kay HEART EVANGELISTA na tlagang tinira ni ananbel rama na unproffesional at indecent,..tsk,bakit ba kase nagiging manager ang mga gaya ni LLOIT SOLIS AT ANABEL RAMA?palengkera..manager shuld act as aparents sa mga stars..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  chie77

    11/03/2010 | 03:10 AM
    sana wag ng mag-bitter, wag ng magbadmouthed, wag ng manira,, karapatan ng sino mang talent ang pumili ng magmamanage sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  pusotisipmo

    11/02/2010 | 08:20 PM
    tuloy po ang buhay,,ok naman po naghiwalay sina kc at shirley,,wag nyong bigyan ng nega na meaning,,hindi iyan si anabel na walang breeding..ok sila,,ok po si shirley at kc,,its a mutual desision na din,,trabaho lang naman,,,ok,,nasa tao naman ang pasya g pag angat ng stars,,wala sa istasyon o manager,,yun lang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  pusotisipmo

    11/02/2010 | 08:19 PM
    we love u kc,isa sya sa role model at maayos na babae sa showbiz,,maganda ang pagpapalaki at breeding ni kc,,,natural lang po ang umalsi si kc sa manager nya ,,natural lang yan,ryt ng isang stars iyan,walang kaso iyan,..magaling din na manager si SK,,pero its KC s desision nalang,,.trabaho lang naman,,,wag ng bigyan ng isyu kase ok si kc at proffesional na manager si SK,noon at now,,yun ang kinabahan ni SK sa ibang manager jan gaya ni anabel at lolit solis,na walang breeding kung magsalita,kung bakit naging manager mga iyon,,simpleng tao at decent din si SK,,maayos,,kaya wala kang maririnig,,nag usap at maayos ang paghihiwalay ni kc at ni shirley ,,walang kaso,,just plain proffesionalism na pag hihiwalay,,for a change,,we love kc!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  marimar_fever

    11/02/2010 | 05:24 PM
    i still love KC.. :-D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  melody2

    11/02/2010 | 02:33 PM

    Star Magic here you go again. Siempre just like what Channel 2 are doing with Kris Aquino, kinu-kung sinti to the max. and to all their other stars.


    That is why wa na ako believe to ABS-CBN and now began switching to Channel 5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  enrileme

    11/02/2010 | 10:22 AM
    for all nega here,,sorry nalang kayo because kc has more blessing than others..hindi nyo na need siraan sya..mabait yung tao kaya binabato..sorry nalang sila..ganun naman ang shobiz..siempre may hangganan din yung partnership nila..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  liwayway

    11/02/2010 | 02:32 AM
    ricky lo has cred.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  winged_angel

    11/01/2010 | 11:43 PM

    Hahaha kino-quote niyo pa si Eric Salut, as if naman reliable at credible yan. Nuknukan sa pagiging bias ang taong yan.

    Ricky Lo is definitely more credible than Salut.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  winged_angel

    11/01/2010 | 11:41 PM
    44
    okayka
    November 1, 2010
    18:03 PM

    models ng tupperware ang mag-ina, ask nyo mga nakakakilala sa kanila ng personal.

    =====================================

    Very true.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  honeylynnb

    11/01/2010 | 11:27 PM
    I like KC! Go fight Win
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  stygian

    11/01/2010 | 10:21 PM
    KC is overrated. Period.

    Dami nbibigay sa kanyang mga shows na mas bagay at mas deserving pa sana kung sa iba naibigay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  stygian

    11/01/2010 | 10:20 PM
    KC is overrated. Period.

    Dami nbibigay sa kanyang mga shows na mas bagay at mas deserving pa sana kung sa iba naibigay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About