PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Star Magic releases statement on KC's change of manager; counters negative comments of showbiz reporters

Star Magic: "Ang totoong rason kaya ng paghanap ni KC ng bagong mangangalaga sa kanya ay... para humanap ng mas mabait at mas epektibong taong aalalay sa
Published Jan 19, 2011
Star Magic says KC is neither hardheaded nor stubborn; says Sharon's daughter is, in fact, "masyadong masunurin at nagtitiwala." It adds: "Sa personalidad ni KC, madali siyang kausap at bukas sa anumang kritisismo. Magaan siyang katrabaho at gagawin ang ano mang hingin sa kanya."

Noong nakaraang linggo ay umugong ang balitang naghiwalay na ng landas si KC Concepcion at ang talent manager nitong si Shirley Kuan.

Sa mga report na lumabas sa tabloids, broadsheets, at Internet, hindi malinaw kung sino ang nang-iwan at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay—ang tiyak lamang ay Star Magic na ngayon ang namamahala sa career ni KC.

Magkasalungat ang dalawang impormasyong halos magkasunod na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkoles, October 27. Ipinahihiwatig nang ganito na hati ang dalawang source: ang una ay mas paling kay KC at ang pangalawa ay kay Shirley Kuan.

Ayon sa unang PEP SCOOPBOX entry: "Iiwanan na raw ni KC Concepcion ang talent manager niyang si Shirley Kuan at lilipat na raw sa Star Magic. Ito ay galing sa isang source na ironically ay taga-ibang channel."

Ito naman ang sumunod na SCOOPBOX ENTRY: "Tungkol sa report na iniwanan na ni KC Concepcion si Shirley Kuan (SK), ang isa sa dalawang talent managers niya, eto ang sabi naman ng isa pang source: "It was SK who quit on the actress-host as early as August this year and not the other way around!" Si Sandra Chavez, ang manager ng mom ni KC na si Sharon Cuneta, ang isa pang manager ni KC. Napabalitang lumipat na si KC sa Star Magic two weeks ago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KC CONCEPCION. Si KC ay 25-year-old television, film, stage, at recording artist, bukod sa pagiging endorser ng malalaking brands.

Sinasabing isa siya sa highest paid tri-media celebrity endorsers, ngunit nitong huli ay maaaninagang humihina ang daloy ng endorsements nito kung ikumpara, halimbawa, sa 20-year-old star na si Kim Chiu.

Ang itinatambal kay KC ay mga malalaking artista. Nakatambal na niya si Richard Gutierrez sa dalawang pelikulang magkasunod na prinodyus ng magkaribal na film outfits, ang Star Cinema at GMA Films. Nakatambal na rin niya si Piolo Pascual sa telebisyon, sa isang serye na may takeoff sa Paris, France, kung saan nag-aral ng college si KC.

Ngunit sa mga oras na ito, walang anumang ingay na may movie project na pangunguhan si KC.

Mas nakikilala ngayon si KC bilang mahusay, lista, at magandang TV host. Ngunit liban sa pag-co-host niya ng The Buzz, ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, wala na itong hawak na ibang show. Tinapos ng network kamakailan ang Simply KC, ang morning talk show kung saan siya ang solo host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nangyari ang pagpalit niya ng manager, officially ay dalawa ang managers ni KC—si Sandra Chavez at si Shirley Kuan. Ngunit si Sandra ay mas tutok kay Megastar Sharon Cuneta, na matagal na nitong mina-manage, habang mas tutok si Shirley kay KC. Si KC ang tanging anak ni Sharon kay Gabby Concepcion.

SHIRLEY KUAN. Si Shirley Kuan ay talent manager nina Albert Martinez at Claudine Barretto, na aktibo sa showbiz, at nina Donna Cruz at Joyce Jimenez, na nagsipagpahinga mula sa showbiz nang mag-asawa ang mga ito. Hinawakan ni Shirley si Claudine nang lumipat na ito mula sa ABS-CBN papuntang GMA-7; bago nito, 17 years si Claudine sa poder ng Star Magic.

Si SK ay may katungkulan sa PAMI, o ang Professional Artists Management Inc, isang lupon ng talent managers, kung saan kinikilala ang kanyang kakayahan sa pagrepaso ng mga kontrata.

Nagtrabaho nang mahigit isang dekada si SK sa U.S., kung saan naging kaibigan niya ang pamilyang Gutierrez ni Eddie at Annabelle. May isa siyang anak na lalaki, si Niley.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito sa Pilipinas, kilala rin si Shirley sa sirkulo ng advertisers, kung saan siya ay pinagkakatiwalaan bilang casting agent.

STAR MAGIC. Ang Star Magic ay ang 18-year-old talent-management arm ng ABS-CBN. Kinikilala ito sa industriya bilang manager ng pinakamalaking talent pool sa bansa sa kasalukuyan.

Ayon na rin sa 2011 Catalogue nito, hawak ng Star Magic ang mga 300 talents—kasama na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Gerald Anderson, Zaijan Jaranilla, Sam Milby, Pokwang, Bea Alonzo, Erich Gonzales, Maja Salvador, Kristine Hermosa, Diether Ocampo at iba pang kilalang lead stars, komedyante, at TV hosts.

Ang chairman emeritus ng Star Magic ay si Johnny Manahan, o tinatawag na Mr. M, na direktor din ng malalaking shows sa Kapamilya network. Kasama na rito ang isinara nang Wowowee at Sharon, at ang kasalukuyang ume-ere na Pilipinas Win na Win, ASAP XV, at Star Power ni Sharon Cuneta.

Ang kasalukuyang head ng Star Magicay si Mariole Alberto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BLIND ITEMS. Kahit wala pang opisyal na pahayag mula kina KC o SK, malinaw na mas pumanig sa pangalawang kuwento—na si Shirley Kuan ang nang-iwan kay KC—ang karamihan ng mga naisulat tungkol sa isyu.

Nagsimula ang bulung-bulungan sa blind item ng veteran columnist na si Ricky Lo ng Philippine Star noong October 23.

Ayon dito: "Not all partings are such sweet sorrow. In the case of an A-list talent manager and her equally A-list alaga, parting might be a relief (as in good riddance?) for the former. A Funfare Update DPA said that the manager 'got fed up' covering up for her alaga's bad behavior.

"In defense of the well-loved manager, the DPA said, 'She could take her alaga's pagmamaldita and pagluluka-lukahan but not her kabastusan.' So she dropped her alaga like a hot potato. Some seemingly good things never last, do they?"

Sa isa namang blind item ni Len Ramos Llanes na inilathala sa tabloid na Bulgar noong October 26, may tinukoy na isang TV host-actress na "bastos at maldita" umano "kaya nilayasan ng manager."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa blind item: "So sudden pala ang pagre-resign ng manager ng isang popular young actress-singer-cum TV host. Sabi raw nito sa isang friend, 'Parang nabastos ako.'

"With proper breeding ang pagkakilala ng marami kay young actress pero 'di mo aakalain na may itinatago rin pala itong kamalditahan.

"Kuwento raw ng manager nito, 'Nung bisitahin ko siya sa taping, parang 'di niya ako pinapansin. Dinadaan-daanan niya lang ako kaya surprised ako sa kanya.'

"Maya-maya raw ay nilapitan siya at kinausap. Tanong daw ni young actress, 'Are you handling ___ (name ng isa ring TV host na may morning show).'

"Sagot daw ng manager, 'No! I am just helping ____,' tapos ay umalis daw kaagad si young actress.

"Maya-maya, bumalik din daw ito at ang sabi, 'See, mawawala na ang show ko!' at bigla na lang daw siyang tinalikuran nito at hindi na raw siya kinausap.

"Sa halip na magkaroon ng self-pity, minabuti na lang ni manager na mag-resign na nang tuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam kaya ito ng sikat na mommy ng young actress?"

Noong October 28, nagkaroon din ng ganitong klaseng blind item sina Cristy Fermin ng Pilipino Star Ngayon at Baby E. ng PM.

REPORTERS SIDE WITH SK. Matapos noon, may mga artikulong direkta nang pinangalanan ang mga tinutukoy ng blind items. At ang malinaw sa mga ito ay: Mas malakas si SK sa mga reporters kaysa si KC.

Maaanghang ang mga salitang binitiwan ng mga showbiz reporters tungkol kay KC.

Ang isang blogger ay nagsabing walang anumang pinakikinggan si KC sa sinasabi ni SK sa career man o sa love life nito, kaya nagsawa na si SK. Ito raw ay ayon sa isang nasa kampo ni SK. Dito na nagtapos ang blogger. Wala ito ni isang kuwento mula sa sinuman sa kampo ni KC.

Ang isa namang reporter ay nagsabing tiyak na may mahusay at matinding dahilan si SK para bitawan si KC. Alam daw niya ito kasi matagal na niyang kilala ang veteran manager, dahil naging publicist pa siya ng isang talent nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bagamat nag-"good luck" ito sa batang aktress, wala itong iniwang pang-depensa ng huli. Tinapos pa ng reporter ang kanyang komentaryo na pumupuri sa "no-nonsense" management style ng kaibigang manager.

Ito ang inilabas sa showbiz blog na Showbiz Portal noong October 28:

"Someone close to talent manager Shirley Kuan told us that, contrary to reports, it's not KC Concepcion who left her but the other way around.

"Shirley is said to have had enough of KC's hardheadedness. 'Shirley felt hindi naman naniniwala si KC sa mga advice niya, so there's no need na patagalin pa ang relationship nila as manager and talent,' says our informer..

"Some writers have tried to interview Shirley for the exact reason but she chooses to keep quiet. 'Magsasalita lang daw siya kapag naunang magsalita si KC.' We heard Star Magic is now managing KC's career. Is it true KC refuses to listen to her manager's advice about her lovelife with you know who?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong October 29, ito ang isinulat ng kolumnistang si Ricky Calderon sa The Freeman, isang peryodiko sa Cebu:

"If we know Mamu SK [Shirley Kuan], there must be a really compelling and valid reason why she decided to drop her services as KC's manager.

"We know how much attention she gives all her talents, having witnessed that when we once worked as Donna's [Cruz] publicist until the time she got married to Cebuano doctor Yong Larrazabal. Even up to now, Mamu SK still acts as Donna's manager.

"We don't want to speculate as to the possible reasons why KC and her manager severed their ties. We will just wait for SK's statement.

"We feel sad nevertheless that their partnership has ended but if it is for their peace of mind, we'd rather not to think of the negative aspect of their parting.

"Here's wishing KC good luck in all of her future undertakings under a new manager. And for SK, may she continue with her work as a no-nonsense manager as always."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STAR MAGIC STATEMENT. Sa ngayon, ang Star Magic na ang namamahala sa career ni KC.

Kahapon, October 31, ay nagpadala ang Star Magic ng statement para depensahan si KC.

Ito ang statement ng Star Magic, na ipinaabot nito bilang text message, at inilalathala ng PEP nang buo:

"Re kc concepcion Statement fr the star magic management...

"Ilang manunulat ang nagkamali sa kanilang mga naisulat.

"Ang problema kay kc ay masyado siyang masunurin at nagtitiwala.

"Tinanggap niya ang pamamahala na walang pagkakataong magbigay ng opinyon, at resulta nito ay masamang nasusulat laban sa kanya.

"Pinaparatangan siyang 'matigas ang ulo', mahirap kausapin o mahirap hawakan.

"Sa personalidad ni KC, madali siyang kausap at bukas sa anumang kritisismo.

"Magaan siyang katrabaho at gagawin ang ano mang hingin sa kanya.

"Sa kabila nito ay pinaparatangan na ayaw niyang gawin ang hinihingi ng ilang mga produsyer o direktor dahil 'matigas ang ulo at mahirap kausap.' Resulta kung bakit 'binitawan ng manager kasi ayaw makinig.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang totoong rason kaya ng paghanap ni KC ng bagong mangangalaga sa kanya ay dahil sa hindi magandang sitwasyon na kanyang kinaharap—at dahilan para humanap ng mas mabait at mas epektibong taong aalalay sa kanyang karera?

"salamat."

GETTING SHIRLEY KUAN'S REACTION. Sinubukuan ng PEP na kunin ang reaksyon ni Shirley Kuan sa pamamagitan ng pagpapadala rito ng text message, ngunit up to press time ay wala pa kaming nakukuhang sagot mula rito.

Bukas ang PEP para agad ilathala ang anumang statement na ibibigay ni SK, ni KC, at ng iba pang sangkot sa isyung ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic says KC is neither hardheaded nor stubborn; says Sharon's daughter is, in fact, "masyadong masunurin at nagtitiwala." It adds: "Sa personalidad ni KC, madali siyang kausap at bukas sa anumang kritisismo. Magaan siyang katrabaho at gagawin ang ano mang hingin sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results