Hindi magkatulad ang nangyaring "pagkawala" ng boses nina Nora Aunor at Jed Madela, taliwas sa mga naging ulat at pagkukumpara sa dalawa.
Habang ang Superstar ay nagkaroon ng problema sa kanyang tinig, matapos mag-undergo ng cosmetic/beauty enhancement operation sa Japan, ang Pinoy singing champion na si Jed ay nagkaroon lamang ng pamamaos matapos ang naunang pagku-concert sa ilang key cities sa Canada.
Naging mainit ang isyu kaugnay kay Jed dahil nagkaroon siya ng problema sa isang Winnipeg, Canada, show producer.
Nabalita ngang nagkaroon ng problema sa boses ang male singer at nang magsabi itong hindi siya makakakanta, doon na nagalit, nagtatalak, at nag-hysteria ang show producer.
Naihambing pa ng prodyuser si Jed kay Nora Aunor. Diumano, ito ay "ikinagalit" ng male singer at naging dahilan pa ng "pagwawala" at pagwu-walkout" daw nito sa venue.
Samantala, sa nakaraang concert ni Nora sa Sydney, Australia, noong August, walang alitang naganap between her and her show producer. Kaiba sa naging kaso ni Jed, walang producer na nag-tantrums o nag-hysterical sa Sydney, Australia, kahit hindi nakakanta si Nora.
Kamakailan ay nagpahayag na rin si Jed ng kanyang panig hinggil sa issue.
Ito ay bilang pagrespeto na rin sa Superstar, na hindi sinasadya'y nadawit ang pangalan sa usap-usapan dahil sa hindi magandang inasal ng producer kay Jed. (CLICK HERE to read related story.)
Sa maiksing salita, sinabi ni Jed na hindi totoo ang mga paratang sa kanya. Sinabi rin niyang naayos naman nila ng producer ang sigalot bago siya umalis ng Canada.
PILITA' STORY. Kaugnay ng nakaraang show ni Nora sa Australia, may naikuwento naman ang Asia's Queen of Song na si Ms. Pilita Corrales sa interview niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, bago ang actual guesting niya sa programang Jojo All The Way! ng TV5.
Here's Pilita Corrales's story about the Superstar:
"Si Nora, nung nandito pa siya [sa Pilipinas], we used to talk. Pero ngayon, the only thing we hear is... because, di ba, Kuya Germs [German Moreno] had to go to Australia for a concert, kasi hindi na siya [Guy] makakanta?
"Sa kanya [German] nanggaling yung mga balita, na talagang hindi kumanta [si Nora]. Siya ang nagsabi.
"That's why the producers kept on calling and calling, 'You must come, Kuya Germs...' He didn't want to go. But the producers said, 'You must come, Kuya Germs, because this contract was signed...meron pang boses si Nora.'
"So, what happened was, at least si Kuya Germs ang lumabas sa stage. Sinabi niya, 'Ladies and gentlemen, this is to let you know [that the contract for the show] was signed so many months ago. Then, this thing happened. But she's [Nora] here. She's here!'




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 liwayway
20 utotngpinoy
19 totoysipa
Tingnan mo nga naman, kaya nga ba minsan mas magandang magbasa ng comments ng pepsters kesa sa mga siusulat ng reporters. Mas may laman ang comments, tapos mas ayos pa ang English, hahaha!
Lungkot naman ng nangyari kay Nora. Bakit kasi hindi na lang siya dito sa Philippines nagpaayos? Ang daming magagaling dito. For sure maganda rin sana ang deal naibinigay kay Nora dahil superstar ang status niya.
Opinyon ko lang, dapat naman talagang magpaayos ni Nora kasi ang laki ng itinanda ng mukha niya dahil na rin sa mga bisyo. At wala namang masama doon kasi parte ng puhunan ng artista ang itsura.
Sana may makuha siyang compensation for the botched surgery.
18 patrick2010
Sabi ni Kuya Germs, hindi puwedeng magsalita si Nora nang matagalan. Kapag tumatagal, wala ng boses na lumalabas. Besides, husky na ang boses niya.
Luckily, yung expressive eyes niya, hindi naman naapektuhan whatsoever.
Salamat pa rin sa Diyos kahit na papaano.
17 patrick2010
Pero ang end result ay binutasan nila ang leeg ng Superstar. Natural, apektado ang boses noon. Sabi ni Ate Guy, baka hindi na siya makakantang muli, huwag naman sana. Sana meron pang solusyon.
Ang Shanigawa, patay malisya, as if walang nangyari kay Nora. Ganoon din si Aster Amoyo. Yung pobre, ang source of income niya sa US ay kumanta at mag-concert, hayan wala na siyang source of income. Sana panagutan ng Shanigawa ang kapalpakang ginawa nila sa Superstar.
16 ooooopppppsssss
15 catalina
patrick2010
------------------
grabe pala ang inabot ni nora sa operation niya...na-comatose in the middle of the procedure? hindi ako medical professional by any means, pero baka naman yung pagbutas sa leeg e life-saving procedure kaya nila ginawa, kasi kung hindi siya makahinga baka ikamatay pa niya yun, diba?
14 ooooopppppsssss
13 voletskie
12 patrick2010
11 chardine88
10 pretty_18
9 tili_2death
8 misswa
7 lynn_q8
6 patrick2010
5 purelife
i just want her to get well soon. naalala ko bigla nanay ko. sniff...
4 jjjjjlllll85
3 tili_2death
2 canreadu
more comments