"Nag-sorry siya sa Twitter. If seryoso ka, bakit hindi mo ako tawagan? Kasi, nagkikita tayo sa promo ng Survivor, puwede mo akong kausapin. Hilahin mo ako sa gilid, kausapin mo ako nang seryoso, di ba? Sa akin, feeling ko, hindi lang sincere ang pagso-sorry niya na yun," sabi ni Michelle Madrigal (in photo) tungkol sa kapwa niya Survivor castaway na si Aubrey Miles.

Photo: Noel Orsal

"Pero siya, ang dami niyang mga BS [bullshit] na sinasabi. So, do'n ako naiinis," paliwanag niya.

Ayon kay Raymond, sa mga eksenang ipinapakita sa Survivor Philippines ay mabait si Aubrey kapag kaharap ang ibang castaways. Pero sa solo interviews nito ay iba ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang mga kasamahan.

Sa tingin ba ni Michelle ay "plastic" si Aubrey?

"Sa Survivor? Oo," sagot niya.

"Kasi, I mean, in a way, siguro kailangan mong makipagplastikan sa ibang tao dahil siyempre, gusto mo ng boto ng iba para masama sa alliance nila.

"Pero, kasalanan din naman ng mga hindi nag-iisip yun. Feeling nila, totoo sila sa kanya.

"Kumbaga, sa larong Survivor, hindi puwedeng super honest ka. Hindi ka puwedeng sunod-sunuran lang. Kasalanan ng ibang tao 'yun na sumusunod sa kanya kaya nama-manipulate ni Aubrey."

Sa puntong ito ay nagkuwento si Michelle tungkol sa isa pang celebrity castaway na si Akihiro Sato.

"With Aki naman, ang maganda kay Akihiro, honest siya. Pero kapag may kailangang i-vote out, makikita mong totoong tao siya. Na puwede mo rin laruin ang Survivor na tumagal ka, na hindi ka naninira ng pagkatao ng isang castaway."

AUBREY'S CHARM. Pagdating naman sa alliance, makikita na ang alliance ni Aubrey ay sina Ervic Vijandre at Akihiro.

Pero ano ang masasabi ni Michelle na ginagamit daw ni Aubrey ang kanyang charm to manipulate these men?

"Well, ang lalaki, kapag nakakita ng isang maganda at seksing babae, hindi nila maiiwasan 'yan. Nagkataon na ang isa sa kanila, patay na patay kay Aubrey. Alam naman ng lahat na patay na patay si Ervic kay Aubrey!" natatawang sabi ni Michelle.

Dagdag niya, "Pansinin n'yo, di ba? Every day, sino ba ang hindi magkakagusto kay Aubrey Miles, palaging diretso ang name. 

"Ang babae... Kung ako yun, makikita ko, 'A, may gusto ka sa akin? Madali ko nang paikutin ang mundo mo.'

"Madali mo nang laruin ang game kapag nakita mong may gusto sa 'yo ang isang tao."