features

Sam Pinto to her detractors: "They don't realize that I'm new to this and I'm still learning."

by Mark Angelo Ching posted on February 17, 2011  STATS: 3745 Views | 75 Comments


  "Pangalan ko po is Samara, ako po yung leading lady ni Senator Bong. Isa po akong warrior, tapos sobra akong in love kay Agimat dahil sa kanyang katapangan at kabaitan," paglalarawan ni Sam Pinto sa kanyang role sa Ang Agimat ni Enteng.

Photo By: Noel B. Orsal

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang aktres na si Sam Pinto sa taping ng Puso ng Pasko noong Sabado, Nobyembre 20, sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Ang Puso ng Pasko ang pinakabagong Christmas reality show ng GMA-7, at kasali nga rito si Sam.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Sam sa PEP na natapos na ang shooting nila para sa pelikulang Ang Agimat ni Enteng, isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Masaya raw siya na nakagawa na siya ng dalawang pelikula kahit wala pa siyang isang taon sa showbiz.

"I know! Pretty crazy, because I can't believe, in one year I did two movies. Bago ko lang sa industry, wala pa kong one year. So, parang, sobrang overwhelming," saad niya.

Na-discover si Sam sa Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN, na nagtapos noong Pebrero 13, 2010. Mula sa pagiging Kapamilya ay lumipat si Sam sa GMA-7 noong Setyembre ng taong ito.

Ang unang pelikula ni Sam ay ang box-office hit na Petrang Kabayo ng Viva Films, kung saan nakatrabaho niya ang komedyanteng si Vice Ganda.

WORKING WITH BONG & VIC. Sa Ang Agimat ni Enteng naman ay nakatrabaho ni Sam ang senador na si Bong Revilla at ang veteran comedian na si Vic Sotto.

Kuwento pa ni Sam sa PEP, hindi niya inaasahan na mabilis ang pag-angat ng kanyang career sa showbiz.

"Never ko in-expect na magiging ganito buhay ko talaga. Feeling ko, normal lang ako, magpa-fashion design lang, yung ganun. Tapos biglang, poof, artista!" sabi niya.

Bukod dito, key roles na agad ang ibinigay sa kanya. Dito nga sa Agimat ni Enteng, siya ang leading lady ni Senator Bong. 

Bilang Samara na isang warrior, mayroon din siyang fight scenes.

"Dun ko first time ever mag-fight scene with a sword," sabi ni Sam. "Yeah, as in... Actually, no preparations at all. Basta, 'Okay, ito gagawin mo.' Sabak na agad sa set."

Inamin ni Sam na kinabahan siya dahil malaking pelikula ang kanyang nasalihan.

"It's with two of the most...best actors in the Philippines. As in, sila lagi nagba-box office na movies. Parang, 'Kaya ko ba 'to?'"

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

75 Comments

  • 75  pusotisipmo

    11/25/2010 | 02:03 AM
    another morena beauty like JENYLYN MERCADO,TANYA GARCIA,JOYCE JIMENEZ,AJ ABAYARI etc,,.wel,iha,ganyan sa showbiz,,pero balewalain mo nalang mga nega na isyu o di nakakatulong sayo,,tuloy ang life,magtrabaho kalang,,focus,,saka wag muna ang lovelife,kase jan ka masisira,.pero as tyms goes by kelangan nag iimrove acting mo at tagalog para mapadali ang pag sulong mo kase may star apil ka,choose real frens din,,at kilalanin si god para matibay ka,,sya lang ksama mo sa paglakbay mo sa showbiz,,godbless sam..kasama sya sa CAPT BARBELL,,soon,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  pusotisipmo

    11/25/2010 | 01:59 AM
    we love sam,,isa sya sa may pretty face now,,along wid GWEN ZAMORA,ELEN ADARNA,JACKIE RICE,NINA JOSE,MELISA RICKS,CARLA ABELANA,ROXANE GUINOO,KAYE ABAD,PRINCESS SNELL,etc,..basta mahalga jan sam,magtrabaho kalang at wag kang pauuto jan,,maganda ka at at may star apil so pahalagahan mo ang work mo,just work decently at proffesional,,mahalga din matuto ka ng tagalog at ng acting,,para malayo marating mo,,sisikat k basta focus ka lang at mag ipon,,isa pa,,be a role model sa tao,ayaw ng tao sa malaswa na star,so ingat ka,,stay wid god din para maging matatag ka s life mo,.we love u sam,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  withybush2001

    11/24/2010 | 12:54 PM
    pretty sya pero wala syang dating ..yung bang x factor ...mas maganda at may dating si kim c,gwen zamora at adarna...opinyon ko yan walang makikialam..hawig sya talaga kay zaida ng ebabes..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  spongy101

    11/24/2010 | 10:09 AM
    ddlabsmr

    pakibasa po ulit ng artcle..maraming salamat..kung hindi pa rin po ninyo naiintindihan..magpatulong na lang po sa iba...may probe na siguro kayo..
    kailangan may motibo talaga?
    ang dumi mo naman palang mag-isip
    siguro ginagawa mo rin yan? hahaha
    minsan po kasi..halos isang linggo sila sa tanay para sa shooting ng agimat..
    kaya siguro may mga times na pinapauwi at pinagpapahinga naman ni sam ang driver niya..alam mo naman sched ng mga artista..paiba-iba...kaya siguro minsan..nakikisakay na lang siya kapag wala ang driver..anong masama dun?
    and 10-minute drive nga lang yung villa
    na tinutuluyan ng crew and ng mga artista sa location ng agimat..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  kapamz_australia99

    11/24/2010 | 08:34 AM
    oo nga.. pabaya-an nyo c sam..in time matututo rin xang umacting...

    C MARIAN nga d marunong umarte pero maraming shows..kaya carry lng yan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  ddlabsmr

    11/24/2010 | 04:07 AM
    spongy101

    may sarili palang kotse bakit kailangan pang makisakay kay bong revilla ano ang motibo nya? hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  ddlabsmr

    11/24/2010 | 04:04 AM
    withybush2oo1

    korek napanood ko na rin sya sa pp ng live thrice na hindi talaga ako nagandahan sa kanya kahit minsan lalo na yung sumayaw sya kasama sila lovi, bianca, heart, carla kasama pa nila sila will devaughn naka-ponytail pa nga buhok nya wala talaga syang binatbat dun sa apat maganda yung apat sori pero mukha sya talagang tsimiaa nung apat nagsasabi lang ako ng totoo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  withybush2001

    11/24/2010 | 03:32 AM
    sana sumikat sya sa paglipat ng sa gma7 like nina kim c,sarah ,shaina .wag sanang mag freeze yung career nya katulad ng nsngyari nung nasa abs pa sya..although may mga few show sya abs pero talagang wala yata syang charisma sa tao.na mayroon sina kim,sarah at iba pa naka age nya...naunahan pa sya ni andi e...wish her luck na lang sa career nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  withybush2001

    11/24/2010 | 02:38 AM
    no.75 sobra naman sa kahawig si sam sabihin mo kahawig nya si zaida ng EBabes saan ka pa naghahanap ng kamukha nya...titigan mo..maghawig sila...i promise may hawig sila talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  withybush2001

    11/24/2010 | 02:34 AM
    my friend saw her sA pp ,shes pretty naman daw ,kaya lang di daw pansinin kasi ang payat daw..nung rumampa daw sila nung kasama mga glamour girls sa pp ang pinakamaganda daw sina bianca king at lovie poe.at heart e..base yan sa nakita nila personally sa pp...with their very own eye..walang halong pagsisinungaling...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  spongy101

    11/24/2010 | 02:17 AM
    mga kamukha ni sam sabi ng mga pexers dati sa PBBDU

    Mga kamukha ni Sam/ka-anggulo ang prettiness.

    1. Riza Santos
    2. Precious Lara
    3. Franz Ocampo
    4. Priscilla M
    5. Nikki Gil
    6. Georgina Wilson
    7. Iya Vilania
    8. Wendy Valdez
    9. Vanna Garcia
    10. Leighton Meester
    11. Cristine Reyes
    12. Dawn Zulueta
    13. Carmen Soo
    14. Bangs Garcia
    15. Charlene Gonzales
    16. Hannah of Session Road
    17. Nancy Castiliogne
    18. Mickey Ferriols
    19. Aileen Damiles
    20. Andi Manzano
    21. Kristine Bersola

    and marami pa...haha
    hindi naman po pinagyayabang na mayaman..
    gusto ko lang patunayan na may sariling kotse naman si sam and kaya niyang bumili...salamat po

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  norgie36uk

    11/24/2010 | 01:58 AM
    kamukha pala sya ng isang dancer ng EB babes...at ni mocha..ngayon ko lang natitigan...pretty ,mataas na babae sya pero walang dating ...mas maganda sa kanya si gwen zamora at yung adarna ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  norgie36uk

    11/24/2010 | 01:55 AM
    dont care is she came from buena familia ..di naman tinatanong kung saan galing familia sya at di yan ipinagyayabang....hayyyyyyyy mga pinoy talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  spongy101

    11/24/2010 | 01:13 AM
    kapag maganda ang nagsabing maganda siya
    kahit biro lang, sinasabihang makapal ang mukha and mayabang..kapag pangit ang nagsabing maganda siya...ok lang..
    ang buhay nga naman...
    wag naman po sana puro bitterness...masama po sa katawan yan...
    and dun sa nagsasabing wala bang kotse si sam..pakibasa po ng maigi sa article..baka hindi po ninyo naiintindihan...sabi ng wag masyadong magbasa ng tabloids kasi nakaka-obob talaga...
    for your info din po...galing sa buena familia po si sam...
    GOD BLESS po and good night =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  spongy101

    11/24/2010 | 01:08 AM
    nakakatawa naman ang mga fans ni toooott...
    maraming salamat sa comments kahit nega..
    kahit sinasabi ninyong starlet lang si sam..
    pinaglalaanan naman ninyo ng panahon..
    sabi nga nila..More bashing means less time dedicated to supporting your own favorites..may mga baon pa talagang articles..hinay-hinay lang po sa pagbabasa ng tabloids...hindi lahat ng nakasulat dun totoo...nakaka-obob pa daw yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  mbkulet

    11/24/2010 | 01:05 AM
    idol wrong post k yata haha hindi to marian thread or article : wag masyadong bitter :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  norgie36uk

    11/24/2010 | 12:42 AM
    mahilig kasi kayong gumawa ng imbento ng manager mo nagpapakonrobersyal ka kasi...para pagusapan ...hardwork yan para sumikat ka hindi kung kani kanino ka sumasabit sa name ng ibang artista na may pangalan na sa industry ...pagbutihan mo craft mo para naman deserving ka...at para masulit yung pagkuha sa iyo ng gma7..yabang kasi bago bago pa lang..feeling magaling...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  ddlabsmr

    11/24/2010 | 12:20 AM
    Ang haba-haba ng hair ni Marian Rivera super ganda kasi nya, sexy pa, flawless na flawless pa hindi tulad nung naas itaas na minsang nag-ilusyon kay Dingdong Dantes buti na lang sinupalpal sya ni Dingdong ng todo-todo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  ddlabsmr

    11/24/2010 | 12:16 AM
    Dingdong Avanzado dream date: MARIAN RIVERA

    CHRIS TIU ultimate crush : MARIAN RIVERA

    OGIE ALCASID crush : MARIAN RIVERA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  ddlabsmr

    11/24/2010 | 12:14 AM
    Sabi ni Veronica Samio writer isa daw si Marian Rivera sa may Pinaka-magandang mukha sa showbiz!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About