Isang "kakaibang" Katrina Halili ang esklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mismong bahay niya noong Martes ng gabi, November 23.
Nagsimula ang paglantad ng "kakaibang" Katrina nang tanungin namin siya kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kanya nitong 2010.
"Marami po akong natutunan na maraming bagay sa buhay ko," simula niya.
"Marami akong nadiskubre sa buhay ko. Mas nakilala ko po yung sarili ko.
"Ano po siguro, mas wala na akong mga tanong na, 'Bakit ganito, bakit ganyan?'
"Lahat ng mga bakit na dala-dala ko dati, parang nasagot na lahat. So, masaya na ako.
"Actually, yun lang yung first time kong na-experience na maging masaya. Actually, nung November 16 lang, nakilala ko yung pagkatao ko."
FINDING ANSWERS. Bakit November 16? Ano ang significance nung date na 'yon?
"Hindi ko alam, e," sagot ng StarStruck alumna.
"Basta naano ako, biglang... Isang buong taon na ako na puro research ng iba't ibang bagay.
"Una, ng mga tungkol sa hayop, kung paano alagaan. Tapos prutas, tapos beauty, ganyan... Paano alagaan ang sarili, ganun.
"Tapos nung isang buwan, inaral ko naman kung paano bumasa ng tao.
"Kasi, parang ano na ako e, gusto ko yung mga taong nasa tabi ko, gusto ko alam ko na totoo."
Research sa Internet at mga libro ang ginawa ni Katrina.
"Hindi ko alam, basta na lang ako nagrere-research, ganyan. Una, nag-ano muna ako, yung mga Chinese astrology...






malalampasan mu rin yan..ano man ang nawala sau... kayang ibalik sau yan ni Lord... ang totoo nagtatapang tapangan k lng but deeep inside ur terribly dying and hurt. its ok... just pray and never stop praying...
i was supposed to say dat Katrina..move on..kasalanan mo rin nman at hindi lng c hayden... but at ds point in time...hndi n importante un... mas importante na maramdaman nya na anu man ang naging kasalanan nya o ni hayden... my life p n nghihintay s kanila...