Sumuko na sa pulisya si Timothy Tan, ang asawa ng aktres na si Sunshine Dizon, matapos makasagasa ng 60-taong gulang na babae kahapon ng gabi, Nobyembre 29.
Namatay sa aksidente ang biktima, na kinilalang si Johara Alignaye, isang Badjao.
Ayon sa ulat ng Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN kaninang umaga, Nobyembre 30, nangyari ang aksidente sa Barangay Balibago sa Angeles, Pampanga, sa ganap na alas-onse ng gabi.
Natagpuan ang bangkay ni Alignaye na nakahiga sa kalsada.
Ayon sa mga saksi, mabilis daw ang pagmamaneho ni Timothy sa kanyang itim na kotse nang mabangga niya ang tumatawid na biktima.
"Nag-red light, e, [tapos] nag-green, tapos bigla siyang nagbilis... Open ang daan... Yung matanda, tumatawid. Tapos, hindi na siya pumreno, dire-diretso siya hanggang sa makalayo siya," saad ni Junell Magnaye, isa sa mga saksi.
Agad namang sumuko si Timothy, isang piloto, sa mga awtoridad.
Kakasuhan umano ang mister ni Sunshine ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide.
Tumangging magpaunlak ng panayam si Timothy sa staff ng Umagang Kay Ganda.
Pinakasalan ni Timothy ang aktres na si Sunshine noong March 20, 2010 sa isang private ceremony sa Valle Verde 6 clubhouse sa Pasig City.
Wala pa silang anak, bagamat apat na buwang buntis ngayon si Sunshine.






Kung dito nangyari sa Aus yan, kakasuhan lang siya for failing to stop. As long as you didnt violate the traffic rules, nagmamaneho ka lang and then something popped out of nowhere, hindi mo na kasalanan yun. Whatever time of the day it is, When the light is green, hindi pwedeng mag alanganin otherwise yun namang nasa likod mo ang bubundol sayo.
bisdak_ako
amaw gyud ka dai! hasta ko giapil apil
pero true ka dian ha, katribu ko yang sinagasaan at namatay!
ipaglaban ang karapatan ng mga lahing karagatan!
I agree with you. Ang tamang paggamit ng kalsada ay responsibilidad di lamang ng mga drivers kundi maging ng mga pedestrians. Someone who said that sa US, pedestrains ang umiiwas sa mga sasakyan was incorrect. It is better to say that sa US, walang nag-iiwasan. Pedestrians and drivers know when to take turns dahil sinusunod nila ang batas-trapiko. Unlike here in the Philippines where traffic signs are merely traffic suggestions.
Bakit ba may mga driver na ginagawang pansignal ang kamay nila? Minsan nga paa pa eh. Ang Ped Xing-- bakit akala ng karamihan kalye na ipinangalan sa isang Chinese? Ang point is, mayroon tayong mga batas. Responsibilidad natin na alamin ang mga ito at isabuhay ang wastong paggamit sa mga kalsada.
Isabuhay po... para hindi ikamatay.
piejam001
paalala lang, sa tate, may right of way ang pedestrians at mga cyclists. kaya yung sinasabi mo na pedestrian ang umiiwas ay mali...alam ko yan dahil pumupunta rin kami sa tate every year at nakakapag-drive na rin ako pag nandoon kami.
bisdak_ako
Timothy Tan.
Patay ka ky Badjaobabe..sinagasaan mo katribu nya..
Ingat ka nlng.
--------
HAHAHA! kalokha comment mo bisdak.
condolence sa pamilya ng namatay.
sana naman hindi na lang siya kumaripas ng takbo pagka-turn ng green nung ilaw. as a driver, usually, dahan-dahan naman ang pag-andar e, tapos tsaka mag-aaccelerate. pero ewan ko ba sa ibang driver kung dumiskarte kala mo laging nangangarera, e sa public roads lang naman.
pep, sana isulat rin ninyo about the meaning of the charges para maintindihan ng ibang readers ang seriousness ng asunto sa asawa ni sunshine. me mga legal experts naman kayo diba?