Biglang naging kontrobersiyal ang TV host at eventologist na si Tim Yap kamakailan dahil sa kanyang tweet na may kinalaman sa solo winner ng biggest jackpot prize sa lotto history na nagkakahalaga ng P741.2 million.
Gamit ang kanyang Twitter account na iamtimyap, lumabas ang tweet niya kung saan nakalagay ang pangalan ng inakala niyang winner—si Miko Morelos.
Ayon kay Tim, na-pick up niya lang din mula sa ibang tweets ang impormasyong ito.
As it turned out, ang Miko Morelos pala na ito ay kolumnista ng Philippine Daily Inquirer.
Si Miko ang unang nag-break ng balita na kumpirmadong may nanalo nga ng jackpot sa 6/55 lotto mula sa Luzon.
Dahil nga rito ay biglang nalagay sa spotlight si Miko gawa ng tweet ni Tim.
Sa kanyang artikulong isinulat noong December 1, na may titulong "PDI reporter fears for life over Tim Yap tweet," sinabi ni Miko na nagulo nga ang buhay niya pati na rin ng kanyang pamilya dahil nga raw sa pagkalat sa Twitter na siya ang jackpot winner sa lotto.
Kahit anong paliwanag daw kasi ang gawin nila ay ayaw maniwala ang mga tao sa paligid nila na hindi nga siya ang nanalo ng jackpot sa lotto.
Aniya, nadiskubre niya rin daw kung sino ang "culprit"—si Tim Yap.
TIM EXPLAINS HIS SIDE. Kagabi, December 2, sa showbiz talk show ng QTV 11, ang Tweetbiz, ay ikinuwento ni Tim ang mga pangyayari.
"Nalulungkot nga ako sa nangyari. Pero ito talaga ang pinag-ugatan nun, ikukuwento ko," panimula ni Tim.
"Noong Lunes [November 29], pagkatapos ng taping natin, nandun lang ako sa bahay. Nagtse-check lang ako ng Twitter ko.
"Tapos, lahat ng tao, napansin ko, excited about the lotto.
"Tapos sa Twitter feeds mo, marami kang pina-follow na meron silang mga... Kumbaga, sila yung mga sources mo.
"May nagsabi ng 'one confirmed winner from Luzon.' Tapos, may lumabas ngang pangalan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
64 midnightblue
63 PinkButterfly
62 tili_2death
61 tili_2death
60 catalina
59 dos_ako
58 elvivura
Akala nmin private ang lahat ng pangyayari hanggang sa mailabas ang pera sa PCSO pero ano ang ginawa mo - inilalagay mo ang buhay ng bawat taong tumama sa lotto sa alanganin -.
Paano nmn kaya kung pvt na buhay mo ang sabihin sa madla? magagalit ka kaya? puro ka kabaklaan.
57 walasilangpuso
56 pepticulcer
55 pepticulcer
54 cinelamour
53 yamnt2007
52 aidangel0011
51 greencardholder
50 AKOKAZE
49 kapusoako007
48 frolicoholic
47 shobizaddict
nag iisip ka ba? i tweet mo na it came from PCSO itself that a certain person won the prize and you would expect that certain person would agree with you that it was an honest mistake?
kahit pa sabihin mo na nabasa mo lang sa tweet ng iba, di ka ba magtataka na bakit me lumabas na name samantalang bawal nga ilabas yun. since you are in media, you have an advantage over an ordinary citizen to ask this question to PCSO.
46 ewan_sau101
45 QueenOfQueens
more comments