Hindi pa rin malinaw sa marami kung ano nga ba ang katotohanan sa isyung mainit na pinag-uusapan sa loob at labas ng showbiz ngayon.
Ito'y tungkol sa hindi pagkakatuloy diumano ng billboard ni Valenzuela City councilor Shalani Soledad kasama si Willie Revillame para sa Pinoy apparel brand na Bench.
Magkasama sina Shalani at Willie sa daily variety-game show ng TV5 na Willing Willie.
Ayon pa sa lumabas na report, may kinalaman diumano ang actress-TV host na si Kris Aquino sa hindi pagkakatuloy billboard nina Shalani at Willie.
Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang ilabas dito sa PEP na nakapag-pictorial na si Shalani para sa umano'y magiging endorsement nito para sa Bench.
Makakasama rin daw ni Shalani sa ilalabas na billboard ang co-host niya sa Willing Willie na si Willie Revillame, na Bench endorser na sa ngayon.
Noong Disyembre 8 naman ay lumabas ang balitang hindi na lalabas ang billboard na ito dahil sa pakikialam diumano ni Kris, na endorser ng Kashieca, sister brand ng Bench.
Si Kris ang bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino, na ex-boyfriend ni Shalani.
Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan sa publiko kung ano nga ba ang totoo sa isyung ito.
Unang tanong: Totoo bang nagkaroon ng plano ang Bench na kuhaning endorser si Shalani?
Pangalawang tanong: Totoo bang pinigilan ni Kris ang umano'y magiging endorsement na ito ni Shalani?
BEN CHAN ANSWERS THE ISSUE. Nauna nang nagsalita ang may-ari ng Bench na si Ben Chan kagabi, Disyembre 11, tungkol sa isyung ito. (CLICK HERE to read related story.)
Ayon sa kanya, hindi totoong magiging endorser nila si Shalani.
Dagdag pa ng Bench owner, lalabas din ang nasabing billboard. Kaya lang, hindi ito tungkol kay Shalani bilang endorser kundi tungkol kay Shalani bilang co-host ni Willie sa Willing Willie.
Pagpapatuloy ni Mr. Ben Chan, papalitan lamang nila ang kasalukuyang billboard ng Bench para sa Willing Willie na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, malapit sa Guadalupe at Balintawak.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
170 preciosarosa
I agree with you, yung mga magkakapatid Kris and sisters pati na si Noynoy eh mga MATAPOBRE AND PAKITANG TAO ANG KABAITAN. Pagkatapos ng ginawa nila ke Shalani na kung ano anong chismis ang pinalabas para me reason na makipag break pagkatapos magkampanya si Shalani sa mga probinsiya na ayaw nilang puntahan kahit sa Mindanao, eh dropping her like a hot potato. Mga MGA MAHIRAP SABIHIN DAHIL PAGMUMURA. Pwe. Ang talagang tunay at wagas ang pagkatao eh ang nanay at tatay nila na si Cory at Ninoy. Naki-ride lang sila sa kabayanihan ng parents nila.
169 wonderingmind
168 rejin
167 catalina
jjjohn
naku, wag ka nang magaksaya ng panahon manood ng paparazzi na yan dahil walang kredibildad ang mga hosts. panira lang ng araw.
166 jjjohn
165 fair_judgement01
164 fair_judgement01
163 kmrc0829
162 kmrc0829
161 hot_brat
160 hilotbayag
159 beauty54
158 seikolang
157 taoyuan
156 totallyfab
155 mychoice
bat naman maiinsecure si kris kay shalani...noon pa sikat si kris, maraming endorsements, mayaman, ...walang dapat ikainggit si kris...sus...
AT MAGALING MAG HOST SI KRIS HA.....kaya tigilan....wag icompare.
154 Aresha
153 kpusogma7
152 starqueen
I hope you have ALL read the postings here bago nawala.
Its like being under the rain with your arm pit up in the air -ika nga. Need to reconnect with you in PEP as baka nag-iisa na lang tayo dito. I dont like that - ever ! Arm pit up in the air - ang sabi ng madla, Houston we have a problem - LOL. There are other ways to reconnect, di ba?
For the sake of her children, lalo na si Joshua - I do hope Dalaw earns and if thats a hard ask- maski lang mag-break even -okay na, di ba?
151 dulcinea
hehehe
more comments