Kagabi, Disyembre 10, ay nagpaunlak ng panayam si Ben Chan—may-ari ng Pinoy apparel brand na Bench—sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga entertainment press na dumalo sa launch ng bago nitong perfume line sa Trinoma, Quezon City.
Ang event ay para sa launch ng Greta, ang bagong pabango ni Gretchen Barretto na kasali sa Celebrity Scents Collection ng Bench.
Naganap ang panayam kay Mr. Ben bago lumabas si Gretchen sa stage.
Tinalakay ni Mr. Ben ang mga lumabas na issue na kaugnay ang Bench, si Willie Revillame, si Kris Aquino, at si Shalani Soledad.
Lumabas kasi ang balitang kinukuha ng Bench na endorser si Shalani Soledad, ang TV host-politician na dating girlfriend ng Pangulong Noynoy Aquino.
Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts ang balita na inilathala dalawang linggo na ang nakararaan, sinabing malapit nang i-launch na endorser ng Bench si Shalani.
Nakapag-pictorial na rin daw ito para sa billboard niya na makikita ngayong Disyembre. Kasama niya sa billboard ang co-host niya sa Willing Willie na si Willie Revillame, na isa nang Bench endorser ngayon.
Ang buong PEP Scoopbox entry ay: "FIRST READ ON PEP: Nakapag-pictorial na si Shalani Soledad para sa endorsement niya with Bench. Ayon sa source ng PEP, next month daw ilo-launch officially ang endorsement na ito ng Willing Willie co-host. Si Willie Revillame ay isa sa mga endorser ng Pinoy apparel brand."
Noong Disyembre 8 naman ay lumabas ang isa pang item sa PEP Scoopbox na nagsasabing hindi na lalabas ang billboard ni Shalani dahil sa pakikialam umano ng TV host na si Kris Aquino.
Ayon sa PEP Scoopbox entry, "Walang kamalay-malay si Shalani Soledad na hindi na lalabas ang Bench billboard nila ni Willie Revillame dahil sa balita na nag-react daw si Kris Aquino sa Bench big boss na si Ben Chan."
Alam naman ng publiko na si Shalani ay ex-girlfriend ng Pangulong Noynoy Aquino, na kuya ni Kris, na endorser naman ng sister brand ng Bench na Kashieca.
GETTING THE INFORMATION. Nakuha ng PEP ang impormasyong magiging endorser na ng Bench si Shalani sa panayam sa kanyang Tita Baby Soledad noong Nobyembre 24.
Sa gitna ng buong panayam ay itinanong ng PEP kay Baby kung may mga endorsement offers na ang kanyang pamangkin matapos nitong maging TV host.
Sagot niya, "Actually nag-pictorial na sila ng Bench, with Willie. Oo. Tapos na, pictorial sila last week. So lalabas na siguro yun by next week o baka first week ng December. Sa billboard. Bench."
Itinanong ng PEP kung maaari na bang ilathala na endorser na ng Bench si Shalani. Kumbaga, itinanong namin kung puwede na bang i-announce ang impormasyong ibinahagi niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
100 fair_judgement01
99 fair_judgement01
98 ask_me_to_stay
At sa auntie naman ni Shalani..alam nyo po, ako personally, gust ko si Shalani..kaya lang pag mga katulad nyo na epal..at maypaka-atribida at kulang sa kalakaran ng showbiz, manigurado muna kayo..ikasisira pa ni Shalani yang mga diskarte nyo. Kawawa lang si Shalani, kasi wala pa man, nasisira na agad ang image nya.
97 hot_brat
96 eddee
95 Monicafer
94 EpsilonME
93 canreadu
sobrang agree ako sa lahat ng comments mo. sana lahat ng nagko-comment kasing objective mo mag-comment.
92 laislabonita
91 Monicafer
90 jagjof
89 Mattnikolai
This is a free country and if PEP filters comments then the situation defeats the objectives of free press and speech. So anong gusto mo? lahat ng sasabihin tungkol sa Presidente maganda? sa panahon ni GMA ilang beses din syang binastos di ba? ....Si Kris dapat huminto na sa pag-aartista at di na dapat magmamaldita....
88 jagjof
masyado nyo namang ginawang isthupido ang tao.....
87 Mattnikolai
86 chantalk
85 jagjof
84 jagjof
Eto si Willie naman ang ginagamit nya para patuloy ang pagkilala sa kanya ng publiko. Hindi ako magtataka kung tatakbo siya bilang senadora...Kung may DELIKADEZA ang babaing yan eh di sana hindi niya tinanggap ang maging co-host ni Willie na binastos ang libing ng isang respetadong tao na tulad ni Cory na mother ng kanyang ex-GF....
83 aaruzone
82 sagandakongto_31
81 kapitan29
more comments