"Dr. Hayden Kho, Jr. endured a long and harsh winter of persecution, but now finds comfort in the warmth of sweet redemption."
Ito ang mabulaklak na panimula ng statement na ibinahagi ng Kapunan Lotilla Garcia & Castillo Law Firm sa media, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kaugnay sa pagbabasura ng Pasig City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng aktres na si Katrina Halili laban kay Hayden Kho.
Ngayong araw, December 14, ibinaba ni Judge Rodolfo R. Bonifacio ng Branch 159 ng Pasig RTC ang desisyon na nag-aabsuwelto kay Hayden sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
"Insufficiency of evidence" ang rason kung bakit idinismis ng korte ang kaso, na nag-ugat sa pagkalat sa publiko ng sex video ni Hayden kasama si Katrina.
BACKGROUND OF THE CASE. May 2009 nang kumalat ang video na nagpapakita sa pagtatalik nila Katrina at Hayden, na kilala ng publiko bilang boyfriend ng sikat na cosmetic surgeon na si Vicki Belo.
Kaagad na lumikha ng ingay ang eskandalo at sinabi ni Katrina na hindi niya alam na may kamera pala na nakatago at nagre-record sa kanilang pagtatalik.
Maging ang Senado ay nakialam sa isyu sa rekomendasyon ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.
Matapos na tawagin ni Senator Bong si Hayden na "pervert of the highest kind" sa kanyang privilege speech sa Senado noong May 18, 2009, ay pinangunahan naman nito ang isang senate hearing na ginanap noong May 28, 2009. (CLICK HERE to read related article.)
Bagamat kalaunan ay humupa rin ang ingay na dulot ng eskandalo ay tuluy-tuloy naman ang pag-usad ng kasong inihain ni Katrina laban kay Hayden sa korte.
Pinagbigyan din ng Professional Regulations Commission (PRC) noong November 20, 2009 ang kahilingan ni Katrina na tanggalan ng lisensiya si Hayden. (CLICK HERE to read related article.)
Isang licensed cosmetic surgeon si Hayden at ikinatwiran ni Katrina na hindi ito dapat hayaan ng ahensiya na ipagpatuloy ang kanyang natapos na propesyon dahil walang pasyente ang maaaring magtiwala dito dahil sa nangyari.
January 5, 2010 naman nang mag-post si Hayden ng P20,000 cash bond sa Pasig City RTC para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso. (CLICK HERE to read related article.)
Si Atty. Lorna Kapunan ang tumatayong abugado ni Hayden sa kaso, samantalang si Atty. Raymund Palad naman ang kay Katrina.
"NOT A VIOLATION OF R.A. 9262." Ayon sa statement na ipinadala ng mga abugado ni Hayden sa PEP ngayong , December 14, via e-mail, ay dalawang criminal acts ang inihain laban sa kanilang kliyente.
"(a) the act of taking a video of the sexual encounter without the knowledge and consent of private complainant, causing psychological and emotional distress on private complainant Halili; and (b) the act of uploading the sex video in the internet, causing mental an/or emotional anguish and humiliation on private complainant Halili."





by the way, this case is not a CRIME its a negligence of both party. if it was kept well none of this case will be out.
kung babasahin at titignan ninyo ang reaction ni katrina nang lumabas ang careless whisper video sa mga press statements, dun ako nagconclude na alam niya. at dun ko naisip na parang may susunod pa. lo and behold, may sumunod nga at kay bong revilla ko pa nalaman. LOL
pero both side mali nga silang dalawa, yan ang results sa pangangaliwa...dumating na or parating palang ang karma ni Katrina, ung kay Hayden darating at darating yan....ang karma di yan maiiwasan.
good luck sa kanilang dalawa at sa nagkalat ng video.
paano na yan katrina...mahina na daw ang raket mo ngayon...nanganganib daw mailit ng bangko yung bahay mo sa new manila...dapat mag-ingat tayo sa K A R M A....wag pakialaman ang pag-aari ng iba