features

Zsa Zsa Padilla and Dolphy delete objectionable scenes in Father Jejemon; issue public apology

by Rommel R. Llanes posted on March 22, 2011  STATS: 658 Views | 29 Comments


  "Ang layunin lang naman namin ay magpasaya ng mga tao. Alam n'yo naman na sa edad niya, wala na siyang gustong saktan pa, lalung-lalo na ang simbahan. So, kung kami man ay nagkamali, sana po ay patawarin na kami ng publiko at ng simbahan," says ZsaZsa Padilla, Father Jejemon producer and Dolphy's partner. Father Jejemon was recently the target of a boycott campaign through text messaging because of two scenes in its trailer.

Photo By: Noel B. Orsal

Hindi nakarating sa premiere night ng pelikula niyang Father Jejemon ang King of Comedy na si Dolphy.

Naganap ang premiere sa Cinema 10 ng SM Megamall, kagabi, December 22.

Sabi ng producer at partner ni Pidol na si Zsa Zsa Padilla, napuyat daw ang Hari ng Komedya dulot ng pag-iisip sa bantang pag-boycott sa pelikula niya.

Kumalat kamakailan sa text ang panawagan na i-boycott nga ang Father Jejemon.

Ayon sa text message na kumalat, na ipinakita rin ng ABS-CBN showbiz news show na SNN: "Please boycott 'Father Jejemon' where the Holy Eucharist is accidentally dropped in between the cleavage of a female communicant. In another, it is stuck between the dentures of a senior citizen.

"We must denounce this mockery of the highest form of worship. Let's not allow the king of comedy to make a comedy of the King of Kings."

Pahayag naman ni Zsa Zsa, ginawan naman daw agad nila ng aksiyon ang inirereklamong bahagi ng trailer.

"Kasi nung malaman namin nung Sunday [ang panawagan ng boycott], pinatanggal naman agad namin sa trailers. Pero siyempre, medyo matrabaho.

"Sa television, may tatlong versions kasi kami ng trailers, so hindi masyadong mahirap. Pero sa cinemas, it took a lot of work. Because nationwide, we had to pull out all of the trailers and edit."

Sa mismong pelikula nga, kapansin-pansin ang maikling eksena ng "communion scene." Palatandaan na pinutol na talaga ng RVQ Productions (film outfit nina Dolphy at Zsa Zsa) ang mga eksenang inirereklamo.

Noong Lunes nga, nag-public apology pa si Dolphy, ani Zsa Zsa.

"Ang layunin lang naman namin ay magpasaya ng mga tao. Alam n'yo naman na sa edad niya, wala na siyang gustong saktan pa, lalung-lalo na ang simbahan.

"So, kung kami man ay nagkamali, sana po ay patawarin na kami ng publiko at ng simbahan," panawagan pa ng tinaguriang Divine Diva.

Sa kabila ng di pagdating ng main star, naroon naman at kasama ni Zsa Zsa ang mga anak nila ni Dolphy na sina Zia at Nicole.

Nauna ring dumating sa kanila ang iba pang mga miyembro ng cast na sina Rodfil ng Moymoy Palaboy, Roy Alvarez, Caloy Alde, Vandolph (kasama ang asawa niyang si Jenny), Epy Quizon, at Cherie Gil.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

29 Comments

  • 29  todonaito

    12/28/2010 | 01:10 PM
    to virgoboy
    hindi nag overkill ang simbahan. sila dolphy and his people went overboard sa pag asang maibabalik pa ang konting ningning ni mang dolphy via trashy Father Jejemon. even without the call to boycott the movie, his movie is on the tail end from the start getting just over a million on its first day or 1.3M to be exact. Paano pa mabawi ang cost of production na minium of 15M? sayang ang pera pati na ang nalalabing lakas ni mang dolphy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  virgoboy10

    12/26/2010 | 04:38 AM
    Overkill naman ang church. Ipokrito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  totoysipa

    12/24/2010 | 03:35 PM
    ehemm

    Hindi ako Katoliko pero ang paniwala ko igalang ang itinuturing na banal sa kung anumang relihiyon.

    Hindi sermon ang posts ng iba, obviously yung iba dito practicing Catholic kaya alam nila ang sinusulat nila.

    Kung sermon iyon, aba, eh di lahat ng posts natin dito eh sermon pala. Hindi porke salungat sa oip0inyon natin eh ka-ipokrituhan na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  ehemm

    12/24/2010 | 02:37 PM
    well said, ftco

    what respect respect. after having communion, andito kayo making sermon the others as if pure and immaculate kayo tse lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  PEPOGAG88

    12/24/2010 | 07:57 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  catalina

    12/24/2010 | 02:33 AM
    kasi talaga namang nabastos ang sacrament of holy communion.

    sa umpisa pa lang di na dapat isinali sa script yung eksenang ganun, lalo pa at tinuturing nila ang mga sarili nilang sagrado katoliko. kung di pa napuna, malamang hindi rin nila tatanggalin yung mga eksena na yun at yun ang ipapa-panood nila sa publiko.

    yung mga nakapaligid yata kay mang dolphy ay parang ginagawa siyang cash cow imbes na tulungan siyang i-preserve ang kanayang legacy sa showbiz. sana makagawa pa siya ng movie na worthy naman sa stature niya sa industria, tama na yung mga scripts na may toilet humor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  CebuRunner

    12/23/2010 | 11:10 PM
    Im a catholic and i admit i was a lil uneasy when i first saw the controversial scenes. Pero kasi sabi nga ni pidol di lang naman ung mga scenes na yun ang magdedefine ng entire movie. So after watching the entire trailer, i am fully convinced na the quality of this film isnt good enough at baka magflop because it looks like it was poorly made. I do respect mang dolphy pero like yung sinabi ng isa sa mga nagcomment dito na nag-evolve na talaga ang panglasa ng mga pinoy espcially pagdating sa comedy sana pinag-isipan at pinaghandaan nila. Oh well, sana makabawi si Mang pidol sa film kasi sya rin ang producer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  arthur_mcarthur

    12/23/2010 | 11:06 PM
    Unang una .. mali talaga na gawin katatawanan ang holy communion dahil napakasagrado ito sa Katoliko. At di pwedeng gawan ng biro. Kaya yung nagsasabi na ritual lang ito... Kung katoliko kayo alamin nyo muna ang faith nyo.

    Pero dahil sa inalis naman na ito at nagpublic apology na .. Okay na yun... Tao lang tayo para di magpatawad. Pero sana di na maulit ang mga ganitong eksena sa movie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  Mufasa

    12/23/2010 | 10:47 PM
    Himayin natin Father Jejemon...!!!!

    Unang una bakit si Mang Dolphy ang sinisisi ng mga tao???!!! Susmaryosep naman, artista lng dito si Mang Dolphy, Hindi siya gn script Writer!!!! Checked

    Pangalawa trabaho lng naman ito Bakit naman pinepersonal ng mga pari!!!! Pari pa man din sila... Tsaka tama ba un na ipa boycott agad?!!! Checked

    Pangatlo may TOTOONG pari sa shooting ng Father Jejemon na konsultant nila... Lahat ng eksena ay nakikita ng pari at sinasabi kung pwede o hindi.. Checked

    Pang apat hindi ba dapat mas malawak ang pang unawa natin?!! Movie ito, comedy pa!!! Susmeyo naman... Checked

    Pang Lima sino ba sa atin ang hindi pinatawa o kahit pinangiti man lang ni John Puruntong o ni Mang Kevin Kosme?!!! Lets give the man a break, he is a legend para ganituhin... Tarabaho lng sa kanya ito at gusto lng nyang mag pasaya!!! Checked

    Pang an
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  landstown

    12/23/2010 | 09:24 PM
    Mang Dolphy, mahal namin kayo ng pamilya namin, dalangin ko din na sana maraming manood ng pelikula ninyo. we love you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  rmel_peptalk

    12/23/2010 | 08:46 PM
    Maniwala kasi sa Diyos huwag sa mga taong nag-aasal diyos....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  ramb0

    12/23/2010 | 07:30 PM
    Naalala ko yung isa sa mga sermon ng isang pari noon na yung ganung sitwasyon ay nangyari talaga sa kanila base sa experience nila. Kaya nga nauso yung pagtanggap ng ostia sa palad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  greencardholder

    12/23/2010 | 06:11 PM
    19
    todonaito
    ------------

    tama ka naman dun. sayang nga last movie na sabi nya sana nga tatatak sa lahat ng maiiwan nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pinas48

    12/23/2010 | 05:44 PM
    we will watch tanging ina, rpg, dalaw, father jejemon and rosario..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  apolinario

    12/23/2010 | 05:12 PM
    I will tell my Family to watch this Movie ni Mang Kevin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  totoysipa

    12/23/2010 | 05:04 PM
    Sa ibang pepsters na nagsasabi ng pagkakamali ng mga pari, yes, tao sila na nagkakamali din.

    Sa kahit anong relihiyon, laging may mga taong nasa position of power na nakakagawa ng mga pang-aabuso o pagkakamali. That is not unique to the Catholic clergy.

    Hindi naman pari ang ginawan ng komedya dito kundi ang Communion. Kung di man tayo Katoliko, igalang natin kung ano ang holy para sa relihiyon nila.

    It is never funny or in good taste na gawing katatawanan ang isang ritual ng isang relihiyon.

    Buti na lang tinanggal na nila at humingi ng apology. Sana may tumangkilik pa rin sa pelikula ni Mang Dolphy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  totoysipa

    12/23/2010 | 04:57 PM
    Bakit naman kasi sa dami ng pwedeng comedy material for this movie, yun pang communion na considered na highlight ng misa ng mga Katoliko ang ginamit?

    Kahit anong relihiyon, hindi dapat gawing katatawanan ang mga importanteng rituals.

    Nakakaawa si Mang Dolphy dahil sabi nga niya baka huling pelikula niya na ito. Pero sana the people around him ang nag-regulate ng mga eksena dahil sa edad ni Mang Dolphy syempre hindi na siya kasing sharp tulad noong araw.

    May punto ang mga Katoliko to be upset. Kung sa Muslim yan ginawa, hindi lang boykot iyan, baka may physical threats pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  larisse

    12/23/2010 | 03:55 PM
    kawawa si Dolphy na parang nabalewala nagawa nya sa dati.nega dating nya for supporting villar at chismis pa na may malaking fee.ngayon naman etong scene sa mmff movie.yung sa Jose Rizal,may historical accounts talaga sa gawain ng mga prayle,kahit naman ngayon.tao pa rin ang pari.pero ang Holy Eucharist di dapat ginagawang komedya.Dolphy is old and sick ,dapat na foresee ni zsa at director ang sensitive scenes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  wanna_change

    12/23/2010 | 03:26 PM
    11
    Ahmed_123

    Had you watched JOse Rizal, directed by Marilou Abaya? Isang scene dun is a sex act ng pari sa isang babaeng indiyo. Is that a mockery to Catholic faith or not? Eucharist is not just doing the ritual, it is living with it, living the way Jesus lived. Is ritual is more important than living the true meaning of Eucharist? You cannot make fun of the ritual but you can disgrace Christ by living immoral life?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Ahmed_123

    12/23/2010 | 03:09 PM
    ... seems that this is becoming a hate thread for catholics ...... its not sound and its not tolerable!!!

    ... hope pepster would refrain from mockering religions!!!

    TO PEP MODERATORS ..... PLEASE MONITOR THIS THREAD!!! and delete those posts expressing disrespect towards the Catholics or to any other denomination!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About