features

Sarah Geronimo on negative reaction about reconciliation with Cristine Reyes: "Basta ako, ginawa ko kung ano ang nasa puso ko."

by Nerisa Almo posted on May 12, 2011  STATS: 633 Views | 127 Comments


  "Kahit ako nabigla din ako sa ginawa ko. Pero kasi, hindi ko alam, e, bigla na lang may nagsabi sa akin na ito na yung time. Alam ko na may mga tao na hindi ito maiintindihan. At humihingi po ako ng pasensiya sa mga taong nagulat at nabigla sa naging desisyon ko," says Sarah Geronimo about the negative reaction on her reconciliation with Cristine Reyes.

Photo By: Nerisa Almo

Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang malaman niyang may ilang tao na iniisip na isang gimik ang ginawa niyang pakikipagbati kay Cristine Reyes. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaan na inilahad ni Sarah sa YES! Magazine ang tunay na naging relasyon nila ng kapwa Kapamilya talent na si Rayver Cruz, na ngayo'y kasintahan na ni Cristine.

Sa March issue ng YES!, nagbigay rin ng pahayag si Cristine kung bakit niya nagawa ang mga negatibong post laban kay Sarah sa microblogging site na Twitter.

"Malungkot ako na ganyan ang iniisip ng ibang tao. Actually, bago ko ginawa yun, na pumunta ako sa dressing room ni Cristine, hindi ko naisip na magiging gano'n ang [sasabihin] ng ibang tao," sagot ni Sarah sa grand press conference na inihanda ng Star Cinema para sa pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Catch Me... I'm in Love, kaninang tanghali, Marso 23, sa Sentosa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Sarah, hindi niya sinadya na itaon ang pakikipag-ayos kay Cristine ilang araw bago ipalabas ang pelikula nila ni Gerald.

"Kahit ako, nabigla din ako sa ginawa ko. Pero kasi, hindi ko alam, e, bigla na lang may nagsabi sa akin na ito na yung time.

"Alam ko na may mga tao na hindi ito maiintindihan. At humihingi po ako ng pasensiya sa mga taong nagulat at nabigla sa naging desisyon ko. At nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong nagtanggol sa akin."

Gayunman, ani Sarah, "Hindi natin talaga mapi-please ang lahat, e. Basta ako, ginawa ko kung ano ang nasa puso ko."

Kahit na usap-usapan na ngayon ang kanyang paglapit kay Cristine sa backstage ng ASAP Rocks noong Linggo, Marso 20, hindi na muling ikinuwento ni Cristine ang detalye nito.

"Naikuwento ko na po sa The Buzz. Okay na po yun, tama na," ilang ulit na pakiusap ng 22-year-old na singer actress sa media.

Muli pa niyang idiniin, "Pero yun nga po, matagal ko na po ito gustong gawin at hindi ko po sinasadya na maisabay ko ito sa pelikula."

May alam ba ang kanyang ina sa ginawa niyang hakbang?

"Alam niya po na gustung-gusto ko na itong gawin. Pero hindi niya po alam na yun yung time na yun," sagot ni Sarah.

WHY SHE DID NOT APPROACH RAYVER. Samantala, natanong din si Sarah kung bakit si Cristine ang nilapitan niya at hindi si Rayver?

"Bakit ko lalapitan si Rayver? Dahil nga doon nagkagulo, e," nakangiti niyang sagot.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

127 Comments

  • 47  Jockinthepan

    03/24/2011 | 06:02 AM
    Lab you Sara
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  partyPPol

    03/24/2011 | 03:52 AM
    may you have more blessing to come, SG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  kapusoakotalaga

    03/24/2011 | 02:56 AM
    alam nyo, more good news ke cr ang pakikipagbati ni SG. kasi ,mas kailangan ni CR ng promotions sa bago nyang MOVIE NA TUMBUKIN!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  ayezcandy

    03/24/2011 | 01:53 AM
    I'm really amused sa mga people na hindi na lang makuhang maging happy. Lagi na lang sila nag-iisip ng something malicious behind someone's actions. Andami nilang effort ginagawa, hindi naman sila inaano ng tao. I guess those people na nag-express ng negative thoughts aren't happy in their lives, kaya they project their miseries on someone else. Di ba nga misery loves company? Yun lang. I'm happy for Sarah G and the blessings she attained in her life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  shidax

    03/24/2011 | 01:51 AM
    hindi lang maganda mabait pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  gorgonzola

    03/24/2011 | 12:13 AM
    Thanks Ehmm --- smileys
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  wengski7

    03/23/2011 | 11:51 PM
    15M pesos on the first day and counting..congrats Sarah and Gerald...Ang gagaling nio including the supporting cast....Mateo you are a revelation...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  wanna_change

    03/23/2011 | 11:42 PM
    next news.... kumita na malaki ang pelikula nina sarah at gerald....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  ehemm

    03/23/2011 | 11:42 PM
    35 gorgonzola - so nicely put. applause for you -smile-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  cRazY_gUrL07

    03/23/2011 | 11:41 PM
    sarah is a smart and good girl, God bless you sarah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  chikorita_pikachu

    03/23/2011 | 11:35 PM
    excuse, pero hindi na sana lalabas ang issue na to sa promotion ni sarah sa upcoming movie nya kung hindi una pinalabas na balita ng tga abs-cbn, kse maganda na yung xa una bumati kay cristine tapos naging nega ang dating after pinakita sa tv patrol.. wala nmn may nagsabe na promotion lng ni sarah yun d2 sa pep sa tv patrol lng nmn nlaman ng ibang tao..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  yaralei

    03/23/2011 | 11:19 PM
    i am proud of you sarah! ako? di ko yata magagawa yun after being lambasted just like that..ganun pa man i admire you for doing that..kaya ka nga pinagpala ng Diyos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  gorgonzola

    03/23/2011 | 11:14 PM
    Uhm, she seized the moment po. Hindi po nya hinintay mag-ASAP para batiin si Cristine. The moment was there so she took the opportunity. Yes, she didnt have to elaborate on how they patched things up. But that's completely her prerogative. Tama o mali, lagi namang hinahanapan ng butas para maging negative ang ginagawa ng mabuting tao. Any kind person would do that. Mabuti syang tao kaya she swallowed her pride and did it when she had the chance. Kung si Rayver nga na naging bf nya di nakita si Sarah ng madalas si Cristine pa kaya na hindi nya naman friend. Pagkakataon lang talaga na Cristine and Sarah crossed paths. There couldnt have been a better timing. Kaya sa mga haters, just drink your bitterjuice. Live and let live, people...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  godislove671

    03/23/2011 | 10:58 PM
    I am loving and admiring more and more the new Sarah G in 2011. She's more confident and she's gradually speaking her mind with all honesty and respect. Basta malinis ang konsiyensa mo at maganda kalooban o intensiyon, walang pwedeng manghusga dahil alam ng Diyos ang katotohanan. Noon sabi nila, tahimik at ngiti lang ang sagot. Ngayon, nagbubukas na siya ng saloobin pag merong tanong. God bless her heart and spirit!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  showbizdak

    03/23/2011 | 10:58 PM
    kung malawak mag-isip si sarah, maintindihan siguro din nya yung mga skeptics. kasi it's really like doing a good deed but making sure that the cameras are following you so you get credit. there's a question of sincerity. when asked by boy abunda, she could simply say she did not want to elaborate or share details, pero iconfirm lang na nagkabati sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  dreamer

    03/23/2011 | 10:57 PM
    baka mga big bosses ang nagbulong sa kanya na makipagbati siya kay cristine??!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  niktux

    03/23/2011 | 10:56 PM
    bow ako sayo napakabait mong tao ... just ignore lang mga nega jan kasi inggit na inggit sila sayo yan ang totoo. anyway can't wait for the dvd CMIIL ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  tapilokness

    03/23/2011 | 10:51 PM
    Di ako fan ni sarah pero saludo ako sa ginawa nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  gorgonzola

    03/23/2011 | 10:47 PM
    Despite all the negative comments about Sarah, I still think she is the bigger person. This shows a lot of humility. She didnt have to say sorry but she did because she wants a clear conscience. At least now, she can move past her heartache and live life the way she should. It was just magnified and blown out of proportion because she's in showbiz. Her business becomes everyone's. So for all of you, who thinks this is a publicity stunt. Then be it. Sarah did what she thought was right for her --- not for the movie or for everyone else.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  0210bonie

    03/23/2011 | 09:49 PM
    i hope di magpaka-nega si cristine at magsabing si sarah ang unang bumati kasi ito naman talaga ang may sala. kilala ko style mag-isip ng mga taong ganito tapos bipolar pa...nababaitan ako ke sarah, i think shes genuinely nice , ewan kolan mga magulang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About