features

Sarah Geronimo on her decision to break her silence to YES!: "Masyado na kasing masakit para hayaan ko na lang."

by Rose Garcia posted on June 9, 2011  STATS: 4590 Views | 419 Comments


  "Sa akin kasi, kung masyado mong kinu-contain sa loob ang emotion mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan, wala, mas naging ano ko, mas naging relax. Basta, mas okey po ako ngayon na nakakapagsalita na ako.  Hindi katulad noon na itatago ko talaga, e," says Sarah Geronimo.

Matagal ang naging pananahimik ng Pop Princess na si Sarah Geronimo hinggil sa noon ay haka-haka lang na relasyon nila ng young actor na si Rayver Cruz. Pero binasag ni Sarah ang kanyang katahimikan sa exclusive interview sa kanya ng YES! magazine na lumabas sa March 2011 issue nito.

Dito nalaman ng publiko ang totoong namagitan kina Sarah at Rayver, pati na ang pagkakabaling ng atensiyon ng young actor sa sexy star na si Cristine Reyes. Mababasa rin sa YES! ang panig ng ina ni Sarah na si Mrs. Divine Geronimo tungkol sa naging relasyon ng anak at ni Rayver.

Sa panayam ng The Buzz kay Sarah, sinabi niyang hindi naging madali ang ginawa niyang pag-amin sa YES!.

"Siyempre po, hindi madali. Noong una po talaga, ayoko po talaga. Ayoko pong pag-usapan. Ayoko pong mabulatlat pa kung anuman yung nangyari at pagpiyestahan kami, ayoko na.

"Pero, wala, e, masyado na kasing masakit para hayaan ko na lang. Para hayaan ko na lang ang ibang tao na ganituhin ako, ganituhin ang pamilya ko lalong-lalo na," pahayag niya.

Ang sunud-sunod na pagpapa-interview raw nina Cristine at Rayver ang isa sa nag-udyok kay Sarah para magpa-interview sa YES! tungkol sa naturang isyu.

"E, kasi, nagsasalita na rin sila. Para naman akong tanga kung hindi ako magsasalita, e, meron din naman akong dila. May karapatan din naman ako na ipagtanggol ang sarili ko at pamilya ko," paliwanag ng Pop Princess.

Sa ginawa niyang pag-amin, pagbasag ng kanyang katahimikan, masasabi ba niyang nakahinga na rin siya ngayon?

"Hindi completely... A, ano ba, baka naman umiyak ako diyan!" natawa na lang sabi ni Sarah, na tila nag-iisip ng tamang salitang gagamitin.

Pero sinabi ni Sarah na naging maganda ang epekto sa kanya ng kanyang pagsasalita.

"Sa akin kasi, kung masyado mong kinu-contain sa loob ang emotion mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan, wala, mas naging ano ko, mas naging relax. Basta, mas okey po ako ngayon na nakakapagsalita na ako.  Hindi katulad noon na itatago ko talaga, e," sabi niya.

Sa lahat daw ng pinagdaanan ni Sarah ay natuto naman siya sa mga naging experience niya.

"Ang maganda po doon, natututo tayo sa mga experiences natin. Sa mga pagkakamali natin. At yun nga, ginagawa tayong mas malakas na tao, wiser and stronger.

"So, yun, pasalamat ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Sana maintindihan din ng mga tao na kami po ay tao lang din."

Nakapag-move on na nga ba siya sa mga nangyari sa kanila ni Rayver?

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

419 Comments

  • 419  care_her

    07/29/2011 | 11:12 AM
    congrats
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 418  randylove

    03/20/2011 | 07:58 AM
    hindi din naman masisisi si rayver...matagal din naman ang 1 year sa showbiz, to think na hindi normal ang relationship nila...tago. Sana huwag masyadong kontrol ang parents ni sarah, di na naman siya underage, saka bigyan naman ng konting kanormalan ang buhay niya, masipag na bata naman...wala naman dapat ikatakot ang magulang. Kung trust nila na mabuti pagpapalaki nila sa anak nila, hindi dapat sobrang higpit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 417  timmoffy

    03/08/2011 | 08:23 AM
    ang masasabi ko lang sa nanay ni sarah - mama me sayad ka. nako yan ang nabasa ko sa mga pinagsasasabi mo para kang me tama. pera pinoprotektahan mo hindi si sarah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 416  Jamsan

    03/07/2011 | 10:44 PM
    Mommy Divine kung talagang maganda ang pagpapalaki nyo kay Sarah, kahit nakatalikod ka dapat confident ka na pipiliin nya ang tama. Let her live a normal life hindi sya menor de edad, hayaan nyo syang magkamali dun sya mas magiging matalino at malakas. Malalaman nya herself ang ipinakaiba ng tama sa mali. Let her go.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 415  coffeemix21

    03/07/2011 | 02:09 AM
    I think many will agree with me that what Rayver and Sarah had wasn't a real relationship. I haven't read the article but merong nagsabi na Sarah was hurt that Rayver asked her about her finances. I'd think that at that point, Rayver was just concerned and had raised an issue that is on everyone's mind. Bakit ba may off-limits na topic between them? Na-brainwash na nga sa parents siguro. As a parent, worried ako sa wellbeing ni Sarah. At that age and di pa independent in all aspects, it has got to come to an end. And I'm guessing, it won't be nice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 414  ledfarani

    03/06/2011 | 08:19 PM
    hindi lang naman kase si SG nag-share.. mukhang mas mahaba yung kay mommy D at Anna D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 413  sexybubbles

    03/06/2011 | 03:38 PM
    kawawa naman pala si sarah noh?? UBER control freak mom nya! even sa food, sa pananamit, i wish dmating ung tym na she can be free on her own.. nkkatakot lng bka pg nainlove xa ulit tpos ppigilan ulit, bka mgsuicide itong si sarah,, kc gnun ang escape route ng ibang ngppakamatay db?? haayyy... hndi nman cguro.. pro sa nbasa kong comments ni Mommy Divine, HAY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 412  sexybubbles

    03/06/2011 | 03:35 PM
    SUPER HABA NG STORY!!! buong magazine inangkin! haha.. nung bnasa ko yan last Friday prang walang katapusan.. hehe.. pero ntapos ko at naintindihan ko na ang lahat.. hhhmmmm...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 411  ronareyes

    03/06/2011 | 02:05 PM
    417 coffeemix......... hahaha!!! etong issueng ito eh online boyfriend pa lang ni sarah ha....... 39 pages na.......... ni hindi nga yata sila nag lips to lips...........so imagine mo na lang kung pano pa kung naging legal na bf ni sarah...........baka textbook na ang kapal niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 410  ronareyes

    03/06/2011 | 02:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 409  showbizdak

    03/06/2011 | 01:02 AM
    mommy divine and daddy delfin, magmasid kayo sa mga nangyayari sa middle east. kahit yung mga diktador na matagal ng naghahari ay napaalis kasi nasasakal ang mga tao at gustong makalaya. hindi na uso ang dictatorship kahit pa anong 'for the good' yung pinagsasabi. palayain nyo na rin si sarah bago humantong pa sa isang revolution.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 408  coffeemix21

    03/06/2011 | 12:48 AM
    Ilang pages ang article sa to sa Yes? More than 30, right? Napasobra naman yata ang pag-share ni Sarah. Anong agenda?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 407  jules2dla

    03/05/2011 | 01:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 406  showbizdak

    03/05/2011 | 07:40 AM
    no way makapag-move on from hurt feelings si sarah knowing na nasa gintong hawla pa rin siya and given another chance at love, it will have the same sad ending. kahit me magkagusto sa kanya, mawalan ng gana kasi parang aakyat ng mt everest. kaya girl, responsable at mabait ka naman pala you need to move out and be independendent. start living your life as early as possible kasi dun din hahantung yun. bigyan mo na lang ng sustento yung parents mo but by all means stop being a puppet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  uwillneverbeme

    03/04/2011 | 01:04 PM
    july of last yr yata bday ni rayver sinurprise na ni cristine si rayver sa bahay. parang may nabasa akong ganun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  ledfarani

    03/04/2011 | 11:34 AM
    parang lahat na lang ng ginagawa nila magnobyo eh kelangan i-announce? ... seriously, what are they trying to prove? hehehehe... sa bagay... oh to be young!!! right naman nila yan gawin kunsabagay, buhay nila yan... i just hope na their intention is to really just EXPRESS LOVE and not to indirectly CAUSE MORE HURT to someone...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  ledfarani

    03/04/2011 | 11:13 AM
    what's done is done... yun story na ipinakilala si CR is just a way to try to salvage CR's naghihingalong career and reputation...ngayon pa lang ipinapakilala eh ang tagal na kaya nila...bakit ngayon pa? anong meron?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  dreamer

    03/04/2011 | 10:54 AM
    ang daming nagsasabi na good for sarah cause she didnt end up with rayver. but look how rayver handles his relationship with cristine. pinakilala hindi lang sa family kundi sa buong angkan niya. invited pa sa mga family gatherings. you would feel na happy sila ni cristine magtagal man sila or hindi. it's bec the situation is right and allows them to have this normal relationship as bf-gf. to sum up, si sarah pa din ang talo, be it sa lovelife or just life itself. that's bec the people handling her life are too selfish to give her her piece of happiness! and that folks are no other than her parents!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  dreamer

    03/03/2011 | 03:44 PM
    with regards to charee, i think they're just trying to make an issue para may mapagusapan sa promo. gusto nila tabunan itong rayver-sarah lovestory. at mas lalong ayaw nila pagusapan ang sad and abnormal life ni sarah courtesy of her mother. sino ba maniniwala na may "something special" sa kanila ni gerald aside from the die hard na nagbubulagbulagan na fans? so heto gagawa ng bagong issue! chos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  Cypressgard

    03/02/2011 | 11:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About