Makahulugan ang mga huling mensahe ni Angelica Panganiban sa Twitter.   "lumaki sa yaman kaya,kaya ko maging bastos. Pero nagiisip akong tao.lumaki akong tondo.pero d ibig sabihin wala kaming modo. BOW   "Kadalasan,mas may breeding kaming lumaki sa hirap dahil marunong kaming rumespeto ng kapwa tao at nakakataas samin."

Photo: Sany Chua

Matatandaang naging personalidad din sa showbiz si Phil bago pa siya  nasali sa Azkals. Sumali siya sa Celebrity Duets ng GMA-7 noong 2008, at nag-guest sa iba't ibang programa sa telebisyon. Naging endorser na rin ito ng iba't ibang produkto.

"FAN" REACTS. Dahil sa mga tweet ni Angelica ay may mga nag-react na tweeters, at sinasagot naman ito ni Angelica nang maayos. Kahit ang ilang below-the-belt na hirit ng isang nagpakilalang "Baby Morales" ay sinasagot din ni Angelica nang mahinahon.

Gayunpaman, lumala ang palitan nila ng salita. Ilan sa mga ibinato ni "Baby Morales" kay Angelica ay mga salitang "dumb," "stupid," at "bitch."

Sinabi rin nito na dapat hindi nagsasalita laban kay Phil si Angelica dahil wala pa itong nagawang "ikakaproud ng mga pilipino."

Dinamay rin nito ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay sa pagsasabing "trying hard" itong magpaka-athlete.

Si Derek ay professional na frisbee player, na nakapag-uwi na rin ng ilang award mula sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.

Binanggit na rin ng fan ang isyung pinaampon lamang si Angelica dahil iniwan siya ng kanyang ama noong maliit pa lamang siya. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon ay lampas 70 na ang tweets ni "Baby Morales" laban kay Angelica.

Bukod sa kanyang pangalan, larawan, at account—wala nang ibang detalyeng makikita sa profile ng kaalitan ni Angelica. Pero kung babasahin ang mga previous posts nito, makikita ang mga mensahe ni "Baby Morales" sa Twitter account ni Phil (@PhilYHusband) at ang Azkals' goal-keeper na si Neil Etheridge.

ANGELICA FIGHTS BACK. At 7:45 p.m., ang pinakahuling post ni "Baby" ay "four minutes ago."

Dahil sa tuloy-tuloy na paghirit niya (@anilmorales) laban kay Angelica ay nagbigay na rin ito ng maaanghang na sagot. Tinawag niya namang "bakla," "bastos," at "nakakahiya" si "Baby."

Bandang huli ay pabirong sinabihan ni Angelica ang kanyang fans na "ipatumba" at "paglaruan" si Baby.

Dahil sa palitan ng tweets na ito ay nagpa-interview na si Angelica sa news program ng ABS-CBN na TV Patrol at mamaya sa SNN.

Pinag-iisipan na raw ng aktres kung sasampahan niya ng kaso ang fan na kasagutan niya sa Twitter.

Samantala, kinontak na rin ng PEP si "Baby" sa pamamagitan ng pag-post din sa account niya subalit wala pa itong reply.