Mo Twister not giving up on Rhian Ramos; regrets tweeting about their intimate moments together

Ruben Marasigan
Thursday, June 16, 2011 @ 07:56PM  |  8135 views


  "I cry every day. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Affected talaga ako," says Mo Twister about how his rumored breakup with Rhian Ramos devastates him.

Photo By: Melo Balingit & Noel Orsal













Bago pa man umere ang showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, May 8, ay kapansin-pansin na ang pagiging tahimik ng isa sa mga host ng programa na si Mo Twister.

Opening na ng programa, pero matamlay pa rin siya. Malayo sa Mo Twister na nakasanayan na ng lahat na bukod sa katabilan ng kanyang dila ay maharot at mahilig manlaglag o magbuking sa co-hosts niyang sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez.  

Pero noong Linggong 'yon nga ay parang wala siya sa sarili at tila namumugto pa ang kanyang mga mata.

Halatang affected talaga si Mo ng kung anumang problema sa relasyon nila ni Rhian Ramos. 

Naging masyadong maintriga ang nangyaring hiwalayan nila ni Rhian.  Lalo pa't nagkapalitan pa sila ng medyo maaanghang na tweets sa kanilang Twitter accounts. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Mo sa kanyang mga co-host, dala lang daw ng kanyang hindi na nakontrol na emosyon ang naging isyu nila ni Rhian sa Twitter.  Nagulat raw kasi siya na biglang may tweet na lang sa kanya ang aktres na break na sila. 

Mas lalo pang tumindi ang intriga nang may mga tweet si Mo na patungkol sa pagka-miss nito na katabi si Rhian. 'Yong meron pang "please come home," at saka may nabanggit pang toothbrush na ginamit ng aktres, at hibla ng buhok nito na naiwan sa banyo. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naging dating kasi sa iba pang mga nakabasa nito ay nagli-live-in na sila ni Rhian bago nangyari ang kanilang breakup.  Mariin namang itinanggi ito ng TV host. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi rin daw umano si Rhian ang tipo ng babae na makikipag-live-in nang hindi pa kasal. At lalo umanong hindi hahayaan ng parents nito ang gano'n. 

"Yong  "please come home" na nasa tweet niya, hindi raw literal na coming home ang ibig niyang sabihin.

"Home kasi is me and Rhian," paliwanag ni Mo. "So what I mean by please come home—come back to me."

Wala silang inamin ni Rhian tungkol sa kanilang relasyon. Tapos biglang-bigla, heto siya at vocal sa kanyang nararamdaman tungkol sa problema sa relasyon nila. 

UNANSWERED QUESTIONS. Mahaba-haba rin ang interview kay Mo ng mga co-host niya. Pero hindi pa rin klaro ang kuwento sa likod ng anumang problema sa relasyon ngayon nila ni Rhian.

Kaya pagkatapos umere ng Paparazzi, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo para sa mga tanong na hindi namin narinig na nabigyan niya ng direktang kasagutan. 

Ano nga ba ang naging cause ng "breakup" nila?

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

226 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name