John Lapus feels "relieved" after filing libel case against Jobert Sucaldito; unfazed by countersuit

Mell T. Navarro
Wednesday, June 22, 2011 @ 02:32PM  |  1553 views


  "Hindi naman ako agad-agad na magdedamanda, di ba? Hindi ako gano'n. Cool akong tao. Hindi ako pikon. To be honest, di ba? Pero ito, parang... Siyempre, may mga taong naaapektuhan, mga kamag-anak ko, pamilya ko, hindi ba? Yung mga pamangkin ko, kapag naglalakad, sasabihan ako ng ibang tao na hindi ako kakilala, na yung uncle niya ay nagmomolestiya ng lalake. Parang gano'n ang dating," says John "Sweet" Lapus about his reason for filing a libel case against Jobert Sucaldito.

Photo By: Noel Orsal













Last March 8, sa thanksgiving at victory party ng Who's That Girl? ng Viva Films sa City Best Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, natural lang na maging interesado ang press na interbyuhin ang isa sa cast members ng pelikula na si John 'Sweet" Lapus. Ito ay dahil sa isyu nila ng columnist at radio host na si Jobert Sucaldito.

Kung tipak man sa takilya ang Who's That Girl?, may sarili namang "battle" na pinagdadaanan ngayon si Sweet.

Pormal na siyang pagsampa ng kasong libel laban kay Jobert noong March 7, Lunes, sa tanggapan ni Quezon City Assistant Prosecutor Romana Lindayag-del Rosario dahil sa isang artikulo na nasulat ni Jobert tungkol kay Sweet. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa item na isinulat ni Jobert sa kanyang column sa pahayagang Bandera noong February 19, "nagwala" raw si Sweet sa Library Comedy Bar sa Malate. Ang pangungulit daw ng comedian-TV host sa isang lalaki ay muntik nang mauwi sa hampasan ng bote ng beer kung hindi lang daw napigilan ang nasabing lalaki ng mga kasama nito. 

Mariin naman itong pinabulaanan ni Sweet sa kanyang programa sa GMA-7 na Showbiz Central, noong February 21. Dito nga niya unang sinabi ang plano niyang pagsasampa ng kaso laban kay Jobert. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang pakiramdam niya ngayong pormal na niyang naisampa ang libel case?

"Ang sarap ng pakiramdam!" bulalas ni John. "I'm so excited actually dahil finally ay, eto, matutuloy na siya. Masarap ang pakiramdam na, in a way, alam kong sinusuportahan ako ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko, at ng mga mahal ko sa buhay. Kasama na rin ang iilan kong mga fans. Sinusuportahan naman nila ako nang bonggang-bongga.

"Ganoon pala ang pakiramdam na you're doing something na very challenging, na first time mong gagawin, tapos may mga taong sumusuporta sa 'yo.

"Sabi ko nga, my friends from the Kapuso, Kapatid, and even the Kapamilya network where he [Jobert] works, they are supporting me all the time."

Lahat ba ng mga kaibigan ni Sweet na inaasahan niyang sumuporta sa kanya ay sumusuporta naman?

"Oo naman, kaya lang, tulad ng sinabi ko, ayoko nang banggitin pa ang mga pangalan nila kasi inookray rin niya... Tingnan mo si Marian Rivera, nabanggit ko lang, biglang sinabi si Marian daw ang nakakaimpluwensiya sa akin!

"Ano ba naman yun? Mukha namang tanga! Sa tanda kong ito? Ilang taon ba ang tanda ko kay Marian, 12 years yata! Hindi ko naman kailangan ang tulong ni Marian, di ba?

"Naa-appreciate ko yung support, pero kaya ko 'to! Ang laki ng baklang 'to! Kaya ko 'to... Wala naman akong pinapasukan na bagay na hindi ko naman kinakaya," saad niya.

LIBEL CASE. Anu-ano ang mga bagay na kinunsidera niya bago niya gawin ang pormal na pagsasampa ng kaso at gaano katagal niya ito pinag-isipan?

"Agad-agad," sagot ni Sweet. "When I read the article nung lumabas yung article noong February 19 sa Bandera, alam ko na kaagad. Hindi naman ako tanga, alam kong kadema-demanda yung article.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name