features

Commission on Human Rights condemns March 12 episode of Willing Willie

by Nerisa Almo posted on June 24, 2011  STATS: 1550 Views | 259 Comments


  The Commission on Human Rights strongly condemns the Willing Willie episode aired on March 12, 2011, where  six-year old Jan-Jan Suan was made to perform a "macho-dancing routine." "This is an exploitation of the child's innocence and demeans his inherent dignity for entertainment's sake," says chairperson Loretta Rosales in a press statement released on Tuesday, March 29, about the controversial March 12 episode of Willing Willie.

Photo By: Noel Orsal

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidenteng naganap sa kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12 kung saan isang anim na taong gulang na lalaki ang pinagsayaw ng "macho-dancing routine." (CLICK HERE to read related story.)

Sa press statement na inilabas ng kagawaran kahapon, Marso 29, inihayag ni CHR chairperson Loretta Rosales na ang pagsayaw ng batang si Jan-Jan ng "macho-dancing routine" kapalit ng P10,000 ay isang malinaw na kaso ng "child abuse."

Dahil dito, nais ng CHR na imbestigahan ang naturang episode ng Willing Willie upang alamin kung sino ang dapat managot sa anumang legal na aksyon na maaaring gawin kaugnay ng insidente.


OTHER COMPLAINTS. Matatandaan na unang nagpahayag ng pagkadismaya ukol dito ang chairperson ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Dinky Soliman.

Sa sulat ng DSWD chairperson kay TV5 Chairman Manny Pangilinan, na nailathala sa publiko noong Lunes, Marso 28, sinabi nitong maituturing na "child abuse" ang naganap sa naturang episode ng Willing Willie.

Kaugnay nito, hiniling ni Dinky Soliman na, "Young children should not be allowed to appear in Willing Willie and other similar shows in the network that cashes in on poverty."

Noong Lunes rin ay naglabas ng statement ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ukol sa insidente.

Sa pahayag na pirmado ni MTRCB chairperson Mary Grace Poe Llamanzares, sinabi niyang tungkulin ng kanilang kagawaran na protektahan ang mga karapatan ng mga bata.

At dahil nakatanggap na sila ng mga reklamo tungkol sa March 12 episode ng Willing Willie, ini-refer na ng Board ang mga ito sa Hearing and Adjudication Committee "for appropriate disposition." (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabilang banda, noong araw ring iyon, naglabas ng press statement ang TV5. Humingi ng paumanhin ang network, pati na ang producers ng Willing Willie, dahil sa pagiging "insensitive" nila sa naturang episode.

Gayunman, diniin sa statement na wala silang intensiyong abusuhin at ipahiya si Jan-Jan sa programa. (CLICK HERE to read related story.)

At sa mismong airing ng Willing Willie, humingi ng paumanhin ang host ng programa na si Willie Revillame. Nagbalik din ang batang si Jan-Jan sa show kasama ang kanyang tatay, na nagsabing talento raw talaga ng kanyang anak ang magsayaw. 

CHR STATEMENT. Ito ang kabuuang pahayag ng CHR kaugnay ng March 12 episode ng Willing Willie:

"The Commission on Human Rights strongly condemns the Willing Willie episode aired on March 12, 2011 wherein a 6-year old boy named Jan-Jan Suan performed a 'macho-dancing routine.' This is an exploitation of the child's innocence and demeans his inherent dignity for entertainment's sake.

"The multiple pressures exerted on Jan-Jan by the TV program's host, audience, and his parents to perform a humiliating act in exchange for ten thousand pesos constitute child abuse as defined in Section 10 of R.A. No. 7610 or 'Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. It provides that:

"Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child's Development. -

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

259 Comments

  • 159  meemay

    03/30/2011 | 03:31 PM
    Hindi pa ba nasasanay at natututo ang mga may ari ng networks. May history na yang kumag na yan sa kabastusan. Wala pa ngang isang taon may kontrobersyal na agad. Am just glad natanggal na yan sa TFC. WAla ng asungot sa paningin namin. MTRCB sana wag kayong masuhulan. Halata naman na nabayaran din yung mag anak para mag damage control sa programa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  anamichelle_16

    03/30/2011 | 03:31 PM
    I dont think this issue is a personal thing...di ako maka willie at di rin ako against him...sa mga nagcomment am sure napanuod nyo ang video...lets face it, 6 yrs old na bata he dont know what is right or wrong...tyu nga matatanda madalas din nalilito sa tama at mali...mga musmos pa kya...lets us not fight kung sino may sala, gawin na lng natin yun responsibilidad natin bilang manunuod. At tama rin ang isang comment na nabasa ko...wag natin iasa sa isang game show ang pag unlad ng buhay natin...magtrabaho tyu ayon sa atin kakayahan...di ka ginawa ng DIYOS para umasa lang....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  sanmao

    03/30/2011 | 03:30 PM
    Lesson of the story is that the parents should teach their children well.... they should know the rules of responsible parenthood.... Dapat ang mga magulang na nag eexploit sa mga anak just to have money ay sila ang dapat na makulong..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  atneng

    03/30/2011 | 03:28 PM
    yun DJ na paulit ulit na pinapatugtog yun dance song ang dapat rin tsugihin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  sasha19

    03/30/2011 | 03:28 PM
    cilantro 143..hindi mo alam ang sinasabi mo. hwag kang mamersonal. itikom mo bibig mo at buhay mo ang ayusin mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  pusongdurog

    03/30/2011 | 03:24 PM
    Sana kung after that talent portion..hindi na pinaulit ulit ng ilang beses..walang ganitong issue ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  magsasaka

    03/30/2011 | 03:23 PM
    Bukod sa MTRCB, may CHR at DSWD pa! kayang kaya ni Willie lusutan yan. nuon nga ay may NBI, DTI, KBP at MTRCB din! pero lahat ay nabola ni Willie. yan ang tatak WILLIE REVILLAME!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  sasha19

    03/30/2011 | 03:21 PM
    hanstex, kagaya mo, nagbibigay lang ako ng opinyon ko. hindi ako mkikipag away at sasalungat sa opinyon ng iba. dahil nga may kanya kanyang opinyon diba. kung sa tingin mo, dapat kay willie ay makulong, sige, suit yourself. ipinalangin mo ang pagbagsak niya to your hearts content. dahil ako ang ipinapanalangin ko, sana ang makulong at bumagsak, ang mga gahaman at kurakot dian sa pilipinas. kaya hindi ako makikipag away sa iyo dahil kay Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  topherjuan

    03/30/2011 | 03:21 PM
    may working permits po ang mga batang lumalabas sa Goin Bulilit and other shows, mapa ABS-CBN or GMA... At para makakuha ng working permit ang isang minor or bata kailangan may consent ng magulang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  cilantro143

    03/30/2011 | 03:19 PM
    c shasha19 nos.132. ang daming paliwanag puro naman sablay!ayusin mo na lang kaya ang buhay mo? magtrabaho ka! wag nyong i-asa ang buhay nyo kay willie, kahit ano pa ang sabihin nyo mali talaga ang ginawa ni willie! sinamantala nya ang kamusmusan ng bata, mas okey lang sana kung once lang nya pinasayaw ang bata sa talent nya, pero hindi eh, paulit-ulit at pinagtatawanan ng mga tao, idanamay pa yung bata sa showtime dati eh aksidente yun na natanggal ang diaper at hindi siya pinasayaw ng paulit-ulit gaya ng ginawa ni wellie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  tseekitita

    03/30/2011 | 03:12 PM
    ang punto dito eh yung paulit ulit na pinasayaw ang bata dahil nag enjoy si willie at ang mga audience nya kahit umiiyak na ang bata. kung sana pagkatapos ng talent ng bata binigyan ng pera masasabi ko pang wlang kasalanan ang show pero nag take advantage sila porket madaming nasiyahan, yung mga taong mababaw ang kaligayahan. wlang pinagkaiba sa mga pumupunta sa kabaret. tsk tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  marikit_ako

    03/30/2011 | 03:02 PM
    kahit ano pang paliwanag ng iba dito, mali pa rin ang ginawa ni Willie at isama na rin ang audience na ginawang perya ang show for the sake of fun? pinaulit-ulit pasayawin ang pobreng paskit para lang kumita ng pera? at kahit mga magulang na kapos sa pera, tatanggapin na lang ang pag alipusta ng tao sa anak nila. At isa pa, dapat ipatigil din ang mga club na gumagawa ng macho dancing dahil hindi magkakaroon ng idea ang taong gayahin ito kung walang pag gagayahan...Ang bottom line nasa Gobyerno pa rin natin kung paano ipatigil ang mga malalaswang club na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  usbfre07

    03/30/2011 | 03:02 PM
    weeeeeeeee! ikaw na! hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  whattawhatta

    03/30/2011 | 03:02 PM
    nakakaloka ang mga arguments ng nagdi defend kay willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  kokuryu

    03/30/2011 | 02:56 PM
    hahaha di na me nga magcomment sa isa dyan... nabobohan na ako...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  sasha19

    03/30/2011 | 02:55 PM
    hndi lang si Willie ang umeexploit ng mga bata..at hndi rin ako supporter ni Willie na katulad ng iniisip mo. at lalong hindi ako kapamilyang tulad mo. im not talking of willie only..ang lahat ng napapanuod ng mga tao sa tv ay eskandalo, mapa tv 5, gma, or abs cbn. kaya nga dapat ang tao, bumalik sa stone age..para walng tv, walang sine, walang naeeskandalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  imate

    03/30/2011 | 02:55 PM
    Am not trying to be nega pero nakakainis ang gobyerno natin kaya walang nakakasuhan dahil may mga nangyayaring suholan...Willie is dirty...he'll just bribe the people in the goverment and this case will be closed...nabibili kasi ang mga tao sa Pilipinas kaya walang asenso.. look at ABS case against him...for sure na-suholan ni Demon Willie ang kinauukulan dito...sana magkaroon naman ng konsiyensiya mga tao sa ating gobyerno para umasenso tayo at matigil ang kasamaan gaya nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  usbfre07

    03/30/2011 | 02:55 PM
    kokuryo, kahit pala anung kababoyan ang gustong ipagawa sa mga batang actor ay okay lang kasi professional at trabaho lang...sa show ni willie hindi pwede peru ang kabastosan sa ibang network program ay consentihin...cheers to that!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  melody2

    03/30/2011 | 02:49 PM
    Dinky Soliman and ABS-CBN the so called favorites si Noynoy must be haping hapi to what is happening to Willie. Precisely Willie is a hot potato so marami namang mag-ga-grand standing sa issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  adoboabogado

    03/30/2011 | 02:49 PM
    What do you expect? Si Willie walang breeding, walang manners, tubong kalye....of course ganyan din siya hanggang ngayon! Poor Moral Taste!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About