Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidenteng naganap sa kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12 kung saan isang anim na taong gulang na lalaki ang pinagsayaw ng "macho-dancing routine." (CLICK HERE to read related story.)
Sa press statement na inilabas ng kagawaran kahapon, Marso 29, inihayag ni CHR chairperson Loretta Rosales na ang pagsayaw ng batang si Jan-Jan ng "macho-dancing routine" kapalit ng P10,000 ay isang malinaw na kaso ng "child abuse."
Dahil dito, nais ng CHR na imbestigahan ang naturang episode ng Willing Willie upang alamin kung sino ang dapat managot sa anumang legal na aksyon na maaaring gawin kaugnay ng insidente.
OTHER COMPLAINTS. Matatandaan na unang nagpahayag ng pagkadismaya ukol dito ang chairperson ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Dinky Soliman.
Sa sulat ng DSWD chairperson kay TV5 Chairman Manny Pangilinan, na nailathala sa publiko noong Lunes, Marso 28, sinabi nitong maituturing na "child abuse" ang naganap sa naturang episode ng Willing Willie.
Kaugnay nito, hiniling ni Dinky Soliman na, "Young children should not be allowed to appear in Willing Willie and other similar shows in the network that cashes in on poverty."
Noong Lunes rin ay naglabas ng statement ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ukol sa insidente.
Sa pahayag na pirmado ni MTRCB chairperson Mary Grace Poe Llamanzares, sinabi niyang tungkulin ng kanilang kagawaran na protektahan ang mga karapatan ng mga bata.
At dahil nakatanggap na sila ng mga reklamo tungkol sa March 12 episode ng Willing Willie, ini-refer na ng Board ang mga ito sa Hearing and Adjudication Committee "for appropriate disposition." (CLICK HERE to read related article.)
Sa kabilang banda, noong araw ring iyon, naglabas ng press statement ang TV5. Humingi ng paumanhin ang network, pati na ang producers ng Willing Willie, dahil sa pagiging "insensitive" nila sa naturang episode.
Gayunman, diniin sa statement na wala silang intensiyong abusuhin at ipahiya si Jan-Jan sa programa. (CLICK HERE to read related story.)
At sa mismong airing ng Willing Willie, humingi ng paumanhin ang host ng programa na si Willie Revillame. Nagbalik din ang batang si Jan-Jan sa show kasama ang kanyang tatay, na nagsabing talento raw talaga ng kanyang anak ang magsayaw.
CHR STATEMENT. Ito ang kabuuang pahayag ng CHR kaugnay ng March 12 episode ng Willing Willie:
"The Commission on Human Rights strongly condemns the Willing Willie episode aired on March 12, 2011 wherein a 6-year old boy named Jan-Jan Suan performed a 'macho-dancing routine.' This is an exploitation of the child's innocence and demeans his inherent dignity for entertainment's sake.
"The multiple pressures exerted on Jan-Jan by the TV program's host, audience, and his parents to perform a humiliating act in exchange for ten thousand pesos constitute child abuse as defined in Section 10 of R.A. No. 7610 or 'Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. It provides that:
"Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child's Development. -




CALLED OUT
ALL COMMENTS
99 colmenares
98 zorro_T
97 lovelykwt
96 lovelykwt
95 parisperezhilton
94 usbfre07
93 zorro_T
92 totoysipa
91 manay3281
90 paminchever4u
89 nicegregs_30
88 camcam123
87 paminchever4u
86 neophyte
85 parisperezhilton
84 Blood_Orchid
83 lanieguillen
82 prettyme579
81 kokuryu
80 usbfre07
more comments