Celebs voice out opinion on Willie Revillame's latest outburst; Sen. Kiko Pangilinan offers to "share the burden"

Bong Godinez
Thursday, July 28, 2011 @ 07:35PM  |  4045 views


"I have debates on issues with those whose opinions differ from mine. But the discussions are lively, never descend to insults," singer Lea Salonga wrote on her Twitter account, which was a reply to Willie Revillame's bitter attacks against the celebrities he accused of maligning him online.   Lea is one of the celebrities Willie Revillame attacked on his show, Willing Willie, last Friday, April 8, along with Agot Isidro, Bianca Gonzales, Jim Paredes, Mylene Dizon and Jim Paredes.   Senator Kiko Panglinan joined these celebrities and told Willie, "Sue me too."

Photo By: Noel Orsal / Paul Mata













Matapos maglabas ng sama ng loob si Willie Revillame noong Biyernes, April 8, sa kanyang programang Willing Willie, ay marami ang nag-abang kung ano ang magiging sagot ng mga personalidad na diretsong pinatutsadahan ng controversial host.

Kabilang sa mga pangalan na sinabi ni Willie na aniya'y "nakisawsaw" sa kontrobersiyang kasalukuyang kinakaharap sa pamamagitan ng Twitter ay sina Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, Bianca Gonzales, Tuesday Vargas, K Brosas at Leah Navarro. (CLICK HERE to read related article.)

"'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter!" daing ni Willie, na nagpahayag ng kanyang desisyon na magpahinga muna sa paghu-host ng sariling programa.

"Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo," dagdag pa niya.

Nagbanta rin si Willie na idedemanda niya ang mga artistang tumitira raw sa kanya sa Twitter.

"Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal, tandaan mo 'yan!" sabi ng controversial TV host.

TWITTER OUTLET. Matatandaang may ilang celebrities ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng Twitter noong panahong umiinit ang isyu kaugnay sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan isang batang contestant na nagngangalang Jan-Jan Suan ang nagpamalas ng isang "sexy" dance number.

"Just saw the video of Jan-Jan. Exploiting kids to cover up for your lack of talent. Willie, 'pag nagkaanak ka, pagawa mo sa kanya 'yan ha?" saad ni Agot Isidro sa kanyang Twitter account.

Ipinoste rin ni Agot ang mensaheng ito: "I'm sure naabutan din ang parents ni Jan-Jan for showing up. I agree, they are to be blamed too. But Willie is the ringleader. It wouldn't have come this far and this bad if he exercised a little decency."

Sambit naman ni Bianca Gonzales, gamit din ang kanyang Twitter account: "Sad to hear about this YouTube clip circulating. This bullying has gone too far."

Dagdag pa ni Bianca, "I'm still bothered by the bullying video. What's more disturbing is the audience laughing hysterically as the host poked fun at the kid. I was never a fan of kids dancing 'adult' dances, whether they be boys or kids... I think kids should dance like kids."

Naging very vocal din ang tanyag na composer-singer at dating APO Hiking Society member na Jim Paredes at sinabing, "The sight of the audience laughing uncontrollably while a child was humiliated shows how low we have descended. Let's wake up!"

AFTER WILLIE'S OUTBURST. Ilang oras pa lamang mula nang magsalita si Willie sa kanyang programa ay agad na umani ng hate messages ang mga artistang binanggit ng controversial host.

Iba-iba ang naging pagtanggap ng mga pinangalanan na celebrities ni Willie sa kanyang mahabang mensahe.

"Thank you for the outpouring of support. I am A-Ok! Don't worry about me. Du'n lang tayo sa tama," mensahe ni Agot, na ang tinutukoy ay ang suportang natanggap niya sa mga kaibigan at tagahanga matapos banggitin ni Willie sa ere ang kawalan niya ng anak.

1  2  3  Next »

Related Articles

575 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name