features

Celebs voice out opinion on Willie Revillame's latest outburst; Sen. Kiko Pangilinan offers to "share the burden"
by Bong Godinez posted on July 28, 2011  STATS: 5258 Views | 575 Comments


"I have debates on issues with those whose opinions differ from mine. But the discussions are lively, never descend to insults," singer Lea Salonga wrote on her Twitter account, which was a reply to Willie Revillame's bitter attacks against the celebrities he accused of maligning him online.   Lea is one of the celebrities Willie Revillame attacked on his show, Willing Willie, last Friday, April 8, along with Agot Isidro, Bianca Gonzales, Jim Paredes, Mylene Dizon and Jim Paredes.   Senator Kiko Panglinan joined these celebrities and told Willie, "Sue me too."

Photo By: Noel Orsal / Paul Mata

Matapos maglabas ng sama ng loob si Willie Revillame noong Biyernes, April 8, sa kanyang programang Willing Willie, ay marami ang nag-abang kung ano ang magiging sagot ng mga personalidad na diretsong pinatutsadahan ng controversial host.

Kabilang sa mga pangalan na sinabi ni Willie na aniya'y "nakisawsaw" sa kontrobersiyang kasalukuyang kinakaharap sa pamamagitan ng Twitter ay sina Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, Bianca Gonzales, Tuesday Vargas, K Brosas at Leah Navarro. (CLICK HERE to read related article.)

"'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter!" daing ni Willie, na nagpahayag ng kanyang desisyon na magpahinga muna sa paghu-host ng sariling programa.

"Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo," dagdag pa niya.

Nagbanta rin si Willie na idedemanda niya ang mga artistang tumitira raw sa kanya sa Twitter.

"Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal, tandaan mo 'yan!" sabi ng controversial TV host.

TWITTER OUTLET. Matatandaang may ilang celebrities ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng Twitter noong panahong umiinit ang isyu kaugnay sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan isang batang contestant na nagngangalang Jan-Jan Suan ang nagpamalas ng isang "sexy" dance number.

"Just saw the video of Jan-Jan. Exploiting kids to cover up for your lack of talent. Willie, 'pag nagkaanak ka, pagawa mo sa kanya 'yan ha?" saad ni Agot Isidro sa kanyang Twitter account.

Ipinoste rin ni Agot ang mensaheng ito: "I'm sure naabutan din ang parents ni Jan-Jan for showing up. I agree, they are to be blamed too. But Willie is the ringleader. It wouldn't have come this far and this bad if he exercised a little decency."

Sambit naman ni Bianca Gonzales, gamit din ang kanyang Twitter account: "Sad to hear about this YouTube clip circulating. This bullying has gone too far."

Dagdag pa ni Bianca, "I'm still bothered by the bullying video. What's more disturbing is the audience laughing hysterically as the host poked fun at the kid. I was never a fan of kids dancing 'adult' dances, whether they be boys or kids... I think kids should dance like kids."

Naging very vocal din ang tanyag na composer-singer at dating APO Hiking Society member na Jim Paredes at sinabing, "The sight of the audience laughing uncontrollably while a child was humiliated shows how low we have descended. Let's wake up!"

AFTER WILLIE'S OUTBURST. Ilang oras pa lamang mula nang magsalita si Willie sa kanyang programa ay agad na umani ng hate messages ang mga artistang binanggit ng controversial host.

Iba-iba ang naging pagtanggap ng mga pinangalanan na celebrities ni Willie sa kanyang mahabang mensahe.

"Thank you for the outpouring of support. I am A-Ok! Don't worry about me. Du'n lang tayo sa tama," mensahe ni Agot, na ang tinutukoy ay ang suportang natanggap niya sa mga kaibigan at tagahanga matapos banggitin ni Willie sa ere ang kawalan niya ng anak.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

575 Comments

  • 575  Bitte_87

    04/21/2011 | 07:05 PM
    Di ka sinusuwelduhan Kiko Pangilinan ng Govt.at dika binuto ng mamamayan para makipag saw-sawan sa ganitong tsikahan,dahil ito ay Showbiz lamang kong talagang ang mga taong ito na nakisawsaw ay maganda ang hangarin para mawala ang child abuse,ayun huwag ng lalayo ang mata nyo live makikita nyo!!dyan sa kalye nagsasanga ang mga bata na nangangailangan ng tulong nyo at huwag nyong pakialaman yong taong di nangangailangan ng inyong tulong dahil ito ay walang Child Abuse,kayo ang nagbibigay ng malesya!!K.Pangilinan di tatalab yong gimmik mo para ang masa ay ibubuto ka!!ummmmm!!!!Alam nyo na!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 574  Bitte_87

    04/21/2011 | 06:34 PM
    Kayo kcng mga duwag, na against sa kapwa ay dinadaan sa mga pag sulat sa Elect.Communication ang mga personal nyong galit sa kapwa,mabuti pa tumira nalang kayo ng harapan kaysa sinasaksak nyo ang kalaban nyo sa ganitong paraan,ngayon nasaktan yong sinaktan nyo ng patalikuran di inararo kayo ng harapan,ngayon tinatanggi nanaman nyo na iba ang pagkaintindi na kalaban nyo,Ngayon cnu ang Walang pinag-aralan di kayo!!Mga traidor kc itong mga nagkumento nato!Yan ang napala nyo??Kong wala kayong magawa ay tanungin muna nyo ang sarili nyo kong anu at sinu kayo,lalo tong Jim Parides nato,tumatandang paurong,anu ba ang naitulong mo sa bansang ginagalawan mo,kong di manira lang ng kapwa mo!!di lahat ng paninira mo ay tumatalab!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 573  CelineVictoria

    04/18/2011 | 07:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 572  CelineVictoria

    04/18/2011 | 07:24 AM
    To Senator Kiko Pangilinan..... you earned my respect Sir. I know that you didn't just react to all these as a politician , but especially as a FATHER. And to Agot, Mylene, Lea, Bianca and Jim..... you people are such good role models. Your values are intact , you make us Filipinos abroad really proud of being a FILIPINO. And to Aiza, you are a respected and very talented artist. Just believe in yourself and know that there are still millions of people who loves you..... FYI Willie Revilliame, Aiza Seguerra wasn't exploited when she was a child. Even then at a very young age, she was already talented. hers was inborn talent. AND, bear in mind, her parents NEVER told her to dance the way you people in your WW show exploited that young boy. So Mr Revilliame, SHAME ON YOU.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 571  CelineVictoria

    04/18/2011 | 07:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 570  ekis

    04/17/2011 | 09:07 PM
    dyusko!!! pati pala si sen kiko ay nakisawsaw sa isyung ito... hindi ka na dapat pa lumevel DOWN sa mga taong ito sen kiko... wag ka na lang sumawsaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 569  aljurians

    04/17/2011 | 06:05 PM
    si kiko pangilinan mas nauuna pa mga tweet chismis kaysa sa paglilingkod sa kapwa niya..eh ano na bang nagawa niya sa bansa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 568  tor1mas

    04/17/2011 | 08:55 AM
    basta kami kung cnong mga tao ang maliki ang naitutulong sa kapwa doon kami wag lang sa mga taong mapanghusga na wla naman natutulungan,marami dyan magnanakaw,manggagahasa pakiki-apid at marami pang iba..iyan dapat ang tutukan ninyo…
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 567  Bitte_87

    04/17/2011 | 07:46 AM
    Mr.Kiko Pangilinan payuhan mo nalang ang magkabilaang kampo,kaysa onesider ka!!Kong walang kumurut sa taong nananahimik ay di sya babangon na titirador dahil sinaktan yong taong nanahimik,kaya ikaw Mr.Kiko Pangilinan kong may kinakampihan ka,eh manahimik kanalang maraming trabaho sa Govt.na pag-ukulan mo ng pansin di tong Showbiz away ang pakialaman mo!!Ka lalaki mong tao bat di mo kausapin ng lalaki sa lalaki si Willie?Mabuti pa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 566  shantal1976

    04/16/2011 | 05:27 PM
    masasabi ko lang weeeeeeeeeeeeee..........mga comment d2 puro highblood.... kayo magkakasakit ng atake kc galit kayo k kuya wil. weeeeeeeeee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 565  mayumingmayumi

    04/15/2011 | 02:20 PM
    napansin ko lang yung mga tangahanga ni willie revillame panay mura, malaswa ang atake dito at mga napakainit ng ulo...pero di naman na ako nagtataka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 564  switnshai4ever

    04/15/2011 | 09:27 AM
    if you want to help, teach the person how to catch a fish and not to give him/her cooked fish... wag nating gawing tamad ang mga filipino... and let us not blame the government for those children begging in the streets... di naman sinabihan ng gobyerno natin na mag anak ng mag-anak ang mga magulang nila... para merong ipampalamon sa mga hinayupak nilang mga magulang... parents have obligations to their children... and their children obligation will be to their children too once they become parents... so let us not use our kids to our advantage... talent? heller... if that is talent then it should be presented in school... children should have a right to enjoy being kids and be free... let us not brainwashed our kids that if they will perform on tv, it will help the family to have a decent food on the table... its the parents obligation to feed their kids... di po nila ginustong isilang sa mundong ito... worst sa mga magulang na wala ng ginawa kundi utuin ng utuin ang mga paslit na magtrabaho para sa mga tamad
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 563  philippineeagle

    04/15/2011 | 09:27 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 562  belle414

    04/15/2011 | 06:44 AM
    what's with the word 'makisawsaw'? masyado ng overused ang word na 'to dito. why? for lack of words ba? people are entitled to their own opinion. just like you and me eh di lalo na pag public figure pa kaya. mature discussions related to the subject matter lang wala na sanang mga personal attacks. bottomline is willie couldn't take criticism at all. people reacted due to willie's lack of good judgment and repeated unethical behavior on live tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 561  happy2_joy2

    04/15/2011 | 05:17 AM
    Sue me too!.....finally Willy the bully is called out! janjan parents are ignorant, the uncle is too so let's us all speak for him ...what does he know? he audtioned and picked his dance, really?....enough sexualizing our children...if they had an adult macho dancer on prime tv, i might think that funny but a six year macho dancer....STOP the insanity already, all you adult viewers laughing...shame on you!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 560  tonzi

    04/14/2011 | 05:36 PM
    Inneke, ano sabi mo? Si LEA nagpapansin dahil walang trabaho? San mo ba nakuha yang b o b o na impormasyon na iyan? FYI, ang mga PINOY nasa Amerika may mga commitments iyan. Di nila kailangan magpapansin gaya ng idolo mong si Willie na kulang na lang pati paghuhugas ng kamay sabihin niya sa mga b o b o n g tagasuporta niya kahit pa na mali ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 559  kett

    04/14/2011 | 09:46 AM
    sa tingin ko naman nagbigay lang ng opinyon yung ibang artista, katulad ng pagbibigay din natin ng opinyon dito sa pep. eh kung sinabi na lang ni willie na pasensiya na sa lahat ng na-offend sa nangyari pero hindi ko sinasadyang mapahiya yung bata, at pipilitin kong huwag nang maulit ang pangyayaring ito. Kesa sa idedemanda ko lahat ng tumira sa akin sa twitter, baka mas may kumampi pa sa kanya. Huwag sana siyang pikon parati, at konting humility. peace everyone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 558  msrlyn143

    04/14/2011 | 08:15 AM
    i watched the show of willie... at first its all natural... but when i was jan jan cryin while dancin' i felt really bad... as if his body continue dancin' but his mind and heart doesnt want to do it... people in the audience was laughin'..even willie...probqbly he didnt ssee that jan jan was cryin'... host like willie and other staff of the show should be sensitive and be watchful.. if the see janjan cryin'..they should stop music so that the audience will that jan jan is cryin' as ask him why...i know the intention of willie is to help the poor people ... and this is his comfort zone... dont use money to buy them... to make them believe that ure truly for them... i guess willie u have to rest and engage in another field... hostin'is not for...u even included the malacanan' and the President Pnoy for ure mess... hay willie magbago ka na they way u talk ... humble ure self... be a low profile ..confess ure sin and be watxhful with ure words cause its returnin back to u...lahat ng mganakaaway mo at nag
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 557  inneke

    04/13/2011 | 09:04 PM
    Pansisini niyo naman si Mr. Sharon Cuneta...malapit na naman ang election
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 556  bheczz

    04/13/2011 | 07:44 PM
    who isa kiko pangilinan? ahh yun asawa ni sharon cuneta? hayyy makasawsaw lang e ano? mag work kna lang mas pakikinabangan ka pa mahilig ka maki sawsaw sa showbiz. sana nag artista kna lang.. kaso d pwede hahhaha d looks hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About