Isang kontrabida muli ang role na ginagampanan ni Katrina Halili sa bagong primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera.
Bilang si Lynette, nabuntis siya ng isang doktor pero ipapaako niya kay Mark Anthony Fernandez (bilang Jacob) ang kanyang anak, dahilan upang lalong magkaroon ng kalituhan kung sino nga ba talaga ang "munting heredera."
Masaya si Katrina na nakasama siya sa Munting Heredera 'pagkat muli niyang makakatrabaho ang naging direktor niya sa Magdusa Ka, si Maryo J. de los Reyes.
"Bago ibigay sa akin 'to, siguro mga two weeks or one week, sabi ko kay Ms. Lilybeth Rasonable [AVP for Drama], 'Gusto kong makatrabaho si Direk Maryo, ulit... Gusto ko po siyang makatrabaho ulit.'
"Tapos, nagulat ako, magkasama kami ulit sa shoot. Tapos, sinabi ko sa kanya [Direk Maryo].
"Tapos, sinabi niya, 'Sinabi ko rin, e!' Sana makatrabaho raw niya ako ulit.
"Masaya po ako," sabi ni Katrina.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Katrina sa grand launch ng Munting Heredera kagabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.
A NEW KATRINA. Kapansin-pansin ang pagiging relaxed ni Katrina habang kinakausap siya ng press kagabi.
Malayo sa pagiging reserved at tahimik niya sa mga nakaraan niyang pakikisalamuha sa press.
Paliwanag naman niya, "Hindi naman po sa sinasadya ko na gusto kong lumabas, or gusto ko nang makipag-usap, or gusto kong maging ibang tao.
"Ganoon po siguro lahat, naging ganoon lang. Siguro dahil na rin sa experience, di ba po?
"Di ba, experience is the best teacher?"
Ang tinutukoy na "experience" ni Katrina ay ang kontrobersiyang idinulot ng sex-video scandal nila ng dating nakarelasyon na si Hayden Kho Jr.
Tanong ng PEP: Ano na ang mga pagbabago sa kanya ngayon?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
32 lotuss
31 scratchpaper
30 2828cris
29 PADUNGOL
28 mommywifey16
27 2828cris
26 jejemon_abscbn_gmeww
25 ilove_both_network
24 kerie02
23 gmaprincess
22 prettyasian
21 migfrii2011
20 under_rated
19 sweet_16
18 MarkReede
17 alimango21
16 PADUNGOL
15 EvilCbn2
14 banatanmoigan
13 PADUNGOL
more comments