"Hindi kami nagli-live in. When I say 'Rhian come home' or 'I wish you could come home,' it's not the structure. Home is Rhian and I—that's how we would refer to it," explains Mo Twister.

Photo: Noel Ferrer

"I'm dying!"

Ito ang dramatic na sagot ni Mo Twister nang tanungin kung kumusta na siya ngayon.

Bago raw kasi naganap ang Twitter issue nila ni Rhian Ramos ay maayos ang kanilang relasyon.

"It was better than ever, there were no bad days except now, so it's like dying."

Ginawa ni Mo ang pahayag na ito nang maging sentro siya ng usapan sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kahapon, May 8. Isa si Mo sa hosts ng programa.

Matatandaang nagkaroon ng problema sa relasyon nina Mo at Rhian nang magkasagutan sila sa Twitter noong Tuesday night, May 3. (CLICK HERE to read related story.)

Apparently, nag-react si Mo sa tweet na ito diumano ni Rhian:

"Exactly 1yr of being together, we have broken up. Thank you for loving me. It had amazing moments and I'm sorry.."

Hanggang sa humaba na ang usapan nila na nauwi sa kanilang pag-aaway.

Pero ayon kay Rhian ay hindi siya ang nag-tweet nito at may nag-hack sa kanyang Twitter account.

AMININ. During the show, sinagot ni Mo ang mga tanong ng invited press sa "Presscon Express" segment.

May nagtanong kung bakit hindi sila umamin noon pa ni Rhian na may relasyon sila.

Bagamat matagal nang usap-usapan na may namamagitan sa kanila ay panay ang tanggi ng dalawa tuwing tinatanong sila tungkol dito.

Kung hindi pa nga sila nag-away sa Twitter ay hindi makukumpirma na sila na nga.

"Siguro for a lot of reasons," sagot ni Mo, na namumugto pa rin ang mga mata, marahil dahil sa kakaiyak sa sinapit ng relasyon nila ni Rhian.