Mo Twister seems to be feeling better these days.
Ito kaagad ang napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang muli namin siyang makapanayam kahapon, May 22, pagkatapos ng airing ng Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi.
Kumpara noong kasagsagan ng kontrobersiya kaugnay ng nangyaring breakup nila ni Rhian Ramos, na sobrang affected siya at depressed, nakakangiti na siyang muli at nagagawa na namang magbiro at mangulit sa mga co-host niyang sina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal, at Ruffa Gutierrez.
Nakatulong marahil ang trip niya sa Hong Kong recently kasama ang iba pang celebrities.
Is he really okay now?
"I'm just trying to grasp... how things are working," aniya.
"You know, I'm seeing a therapist. So, nakakatulong din 'yon sa pagiging okay ko... sana.
"Siguro nakakatulong nga 'yong seeking professional help. And talking to them.
"It's something na I think, dapat na 'yong mga ibang tao na kailangan nila ng tulong katulad sa akin, na puwedeng mag-seek ng therapist."
THE BREAKUP. For the record, kailan nga ba nangyari 'yong official breakup nila ni Rhian?
"I don't know," sagot ni Mo.
Hindi na niya matandaan yung mismong araw kung kailan sila nag-split?
"It's been a while. But you know, I'm more focused on just trying to get better," paliwanag niya.
Were they able to talk already?
"No," sagot ni Mo.




0

