TV host Willie Revillame is one of the respondents in the child abuse complaint filed by several children's rights advocates yesterday, April 25, at the Quezon City Fiscal's Office.

Photo: Noel Orsal

Sinampahan ng reklamong child abuse ng ilang human rights advocates ang TV host na si Willie Revillame at ang ilang matataas na opisyal ng TV5.

Ito ay kaugnay pa rin ng pagsasayaw ng "sexy dance" ng isang anim na taong batang lalaki kapalit ng P10,000 sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie.

 

Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang reklamo ay isinampa ng anim na katao—kabilang na ang opisyales ng End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)—sa Quezon City Fiscal's Office kahapon, April 25.

Kasama sa pinangalanang respondents sa kaso si Willie, ang TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan, at iba pang opisyales ng Kapatid network.

Nakasaad sa complaint ang sumusunod:

"The depiction of the child in such a sexualized fashion is tantamount to abuse and exploitation.

"The degrading exhibition is compounded by the cruelty of the show's main host, mocking his [child's] appearance amidst the laughter of the jeering crowd."

Inaakusahan ng complainants, na kasapi sa grupong Stop Child Rights Exploitation in Media, si Willie at ang TV5 officials ng paglabag diumano ng ilang batas.

Kasama na raw rito ang Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act; RA 9775 o Act Defining the Crime of Child Pornography; at RA 9231 o An Act Eliminating the Worst Forms of Child Labor.

Sabi ni Jean Enriquez, executive director ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific," We cannot allow these laws to be trampled upon. This merits collective action from those who have been fighting for children's rights for a long time now."

Idiniin ng mga naghain ng reklamo na hindi sila konektado sa anumang media company.

"We do not want to be involved by the competition of TV networks, we are only concerned about the welfare of our children," saad ng ECPAT president na si Amihan Abueva.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng TV5 dahil hindi pa raw sila nakakakuha ng kopya ng reklamo. Ito ay ayon sa public relations consultant ng network na si Peachy Guioguio.

Iginiit naman ng business unit head ng TV5 na si Jay Montelibano na walang naganap na child abuse o child exploitation sa Willing Willie.

 

Handa rin daw silang ipagtanggol ang kanilang posisyon sa korte.

 

Ito rin ang naging pahayag ni Willie sa isang radio interview kamakailan. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "Nakakatulog po ako nang mahimbing gabi-gabi kasi wala naman ho talagang child exploitation o child abuse. Kasi, four years old pa lang po yung bata, yun na ang sinasayaw niya sa program sa eskuwelahan, sa mall..."

Ang demanda ay nakatakdang i-raffle sa sala ng isang Quezon City judge sa Huwebes, April 28.