features

Willie Revillame and TV5 executives slapped with child-abuse complaint

by Erwin Santiago posted on August 11, 2011  STATS: 1555 Views | 194 Comments


  TV host Willie Revillame is one of the respondents in the child abuse complaint filed by several children's rights advocates yesterday, April 25, at the Quezon City Fiscal's Office.

Photo By: Noel Orsal

Sinampahan ng reklamong child abuse ng ilang human rights advocates ang TV host na si Willie Revillame at ang ilang matataas na opisyal ng TV5.

Ito ay kaugnay pa rin ng pagsasayaw ng "sexy dance" ng isang anim na taong batang lalaki kapalit ng P10,000 sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie.

 

Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang reklamo ay isinampa ng anim na katao—kabilang na ang opisyales ng End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)—sa Quezon City Fiscal's Office kahapon, April 25.

Kasama sa pinangalanang respondents sa kaso si Willie, ang TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan, at iba pang opisyales ng Kapatid network.

Nakasaad sa complaint ang sumusunod:

"The depiction of the child in such a sexualized fashion is tantamount to abuse and exploitation.

"The degrading exhibition is compounded by the cruelty of the show's main host, mocking his [child's] appearance amidst the laughter of the jeering crowd."

Inaakusahan ng complainants, na kasapi sa grupong Stop Child Rights Exploitation in Media, si Willie at ang TV5 officials ng paglabag diumano ng ilang batas.

Kasama na raw rito ang Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act; RA 9775 o Act Defining the Crime of Child Pornography; at RA 9231 o An Act Eliminating the Worst Forms of Child Labor.

Sabi ni Jean Enriquez, executive director ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific," We cannot allow these laws to be trampled upon. This merits collective action from those who have been fighting for children's rights for a long time now."

Idiniin ng mga naghain ng reklamo na hindi sila konektado sa anumang media company.

"We do not want to be involved by the competition of TV networks, we are only concerned about the welfare of our children," saad ng ECPAT president na si Amihan Abueva.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng TV5 dahil hindi pa raw sila nakakakuha ng kopya ng reklamo. Ito ay ayon sa public relations consultant ng network na si Peachy Guioguio.

Iginiit naman ng business unit head ng TV5 na si Jay Montelibano na walang naganap na child abuse o child exploitation sa Willing Willie.

 

Handa rin daw silang ipagtanggol ang kanilang posisyon sa korte.

 

Ito rin ang naging pahayag ni Willie sa isang radio interview kamakailan. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "Nakakatulog po ako nang mahimbing gabi-gabi kasi wala naman ho talagang child exploitation o child abuse. Kasi, four years old pa lang po yung bata, yun na ang sinasayaw niya sa program sa eskuwelahan, sa mall..."

Ang demanda ay nakatakdang i-raffle sa sala ng isang Quezon City judge sa Huwebes, April 28.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

194 Comments

  • 134  jay_vi09

    04/26/2011 | 03:11 PM
    Breaking News, WW will return on May 7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  HornBlower

    04/26/2011 | 03:01 PM
    Si Jan Jan ay pinaglaruan at pinagsayaw ng paulit-ulit ng may pagka Male Prostitute, anong tawag doon? Oo nga pala nagkakasiyahan lang pala sila kaya pinagsayaw ang BATA at pagkatapos ay bigyan ng 10K. Para silang nag HIRE ng MACHO DANCER para sa kanilang kasiyahan. Kaso ang gusto yata nila ay anim na taong gulang na BATA para magsayaw ng isang erotic dance sa kanilang show...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  Ben_10

    04/26/2011 | 03:00 PM
    wanna change palitan mo na user name mo di bagay sa mga comment mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  philippineeagle

    04/26/2011 | 02:56 PM
    Nasaan ka na Ate Koki Pangilinan...? Pakiexplika nga ulit ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  jay_vi09

    04/26/2011 | 02:53 PM
    wanna change. may sense ang mga comments mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  wanna_change

    04/26/2011 | 02:45 PM
    DSWD is condoning the exploitation of children by tv networks, working in teleseryes for months, hard work, overwork, nagpupuyat, naging livelihood na ito ng mga magulang ng bata.... and DSWD of Dinky Soliman is very vocal in condemning the exposure of JanJan na wala pang 30minutes.... DSWD, hypocrite, may kinikilingan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  neophyte

    04/26/2011 | 02:42 PM
    Siguro for Willie's sake he has to get Benny Saturno to compose a song about his persecution! Ano ba naman, naka-dalawang show na ang pumalit...parang naghahabol pa rin. In any lovers break up, we always give them advise to MOVED ON! Heard from a healing minister, for a HEALING to really take place, YOU HAVE TO FORGIVE AND BLESS THAT PERSON WHO HURT YOU....then you can find PEACE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  demita15

    04/26/2011 | 02:42 PM
    i hope people will understand the issue here more
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  wanna_change

    04/26/2011 | 02:41 PM
    ang kaso ni JanJan, na wala pang 30minutes na exposure to earn money ay nakikita... pero yung nakatago sa ngalan at proteksyon ng DSWD, ay hindi napapansin, mga batang PILIT nagtratrabaho ng ilang buwan sa mga teleserye, puyat, pagod, subsob sa trabaho...asan na yung karapatang pambata na hindi napapansin ng mga alagad kuno ng anti-child abuse...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  wanna_change

    04/26/2011 | 02:38 PM
    Bakit mga batang artista ang lumalabas sa mga teleserye especially sa ABS? Dahil ba malakas ang hatak nito sa ratings??? Child laborers, pilit pinagtratrabaho dahil sa income at sa ratings ng ilang buwan, puyat pa.... Hindi ba pag-aabuso yan ng mga bata????? Obvious, child abuse....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  indiahenretta

    04/26/2011 | 02:35 PM
    Iba ang situation ng mga batang lansangan or batang kalye, ang nangyari kay Jan-Jan ay pinag tripan and pinag tawanan and bongga pa sa coverage NATION WIDE via Mr. Revillame's show. Jan Jan was shown on YOUTUBE around the world, so let us face it, hindi lang naman dito nangyayari sa Pinas, BUT JAN JAN STARTED IT ALL? Binuksan ng mga MATA ko and PUSO ko ang isang katotohanan na ang mga musmos na inoocente na mga bata ay DAPAT bigyan ng PROTECTION sa mga halimaw na manhid ang pakiramdam, nag sasalita lang po ako bilang isang INA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  wanna_change

    04/26/2011 | 02:34 PM
    Sinong ang abused na bata??? Yung batang PILIT nagtratrabaho sa isang teleserye para kumita, naging livelihood nito ng kanyang magulang ang isabak ang bata sa trabaho, puyat, subsob sa katratrabaho at inaabot ng ilang buwan.... kesa sa isang JanJan, na sumayaw lang ng wala pang 30minutes... Sino ang nag-a-abuse sa mga bata??? Mga bata dapat nag-aaral, naglalaro at HINDI PILIT nagtratrabaho.... PILIT pinagtratrabaho ng ilang buwan, yan ang abuse... at hindi si JanJan na hindi naman pinilit sumayaw....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  wanna_change

    04/26/2011 | 02:29 PM
    nakakuha daw ng DSWD permit mga batang artista... ang nakasaad dun, huwag abusuhin ang kamusmusan ng bata at karapatan nito bilang bata.... pero di ito emphasize ang overwork, na naging COMPULSORY to work to earn money, and no longer just a role, but a livelihood... naging livelihood ng bata ang paggawa ng teleserye, kumakayod, subsob sa trabaho, puyat at mahabang trabaho dahil inaabot ng ilang buwan... eh si JanJan, wala pang 30 minutes, nagsayaw to earn money....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  neophyte

    04/26/2011 | 02:19 PM
    ECPAT - pera or bayong?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  alexander34

    04/26/2011 | 02:14 PM
    un 10000pesos premyo un.HINDI byad noh.....mga BALIW
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  neophyte

    04/26/2011 | 02:14 PM
    I would NOT DONATE MONEY ON THESE ORGANIZATION. Daming bata sa lansangan, exploited, selling their bodies, walang pumapansin, NOBODY IS RESCUING THEM! These ORGANIZATIONS are DOING A DISSERVICE to these children who truly need their help-truly a pity. Or perhaps these organization are just out to exploit the JANJAN CONTROVERSY! Sana we can still say MABUHAY ANG PILIPINAS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  jay_vi09

    04/26/2011 | 02:14 PM
    This is the right thing to do, file a case in court. Let the court decide if willie is guilty or not.Let the due process begin. To those against willie help this organization who filed the case so that they will win the case.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  charma7

    04/26/2011 | 02:08 PM
    srini.di nga sinasabi na sa show lang me mali pero mas kapuna puna ang pagkakamali sa show ni willie dahil sa comments nya while the boy was dancing.kumbaga lesson na rin ito sa ibang shows na maging careful lalo na when it comes to children.kaya lang lalong walang mapapagtagumpayan na kaso kung hindi uunahin ang dapat unahin.so inuuna ng mga advocates ang pagsampa ng kaso na ito kesa mawala na lang na di napaglaban.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  nothing_personal

    04/26/2011 | 02:08 PM
    just get over it. you guys are cruel. Willie is mayabang but don't accuse him of such a crime that he doesn't deserve. Put yourselves in his shoe. It was a very honest mistake and all it needs is reformatting of the show same goes for every show in all networks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  dakilangina

    04/26/2011 | 02:03 PM
    Naku sino nga kaya ang nasa likod ng lahat? Hala ABS tigilan na ninyo si WR, kasi kahit anong gawin nyo mas maraming naniniwala na kayo ang nasa likod ng lahat at ang nangyayari pa nga mas maraming naiinis sa inyo. Tulad noong kapitbahay ko sabi nila lalo daw silang hindi na manonood ng show sa network ninyo sa ginagawa nyo ke WR. Hahahaha lagot kayo mababawasan viewers ninyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About