features

Francine Prieto pours her heart out about feud with half-brother

by Gorgy Rula posted on August 11, 2011  STATS: 925 Views | 18 Comments


  "Hindi naman ako madamot, pero huwag namang abusado. Kasi kung abusado naman, siyempre parang grabe naman, sobra naman, di ba? Parang ibinigay mo na nga yung kamay mo, gusto pa buong braso mo," complains Francine Prieto.

Photo By: Melo Balingit

Nagsimula na kahapon, May 5, ang garage sale ni Francine Prieto na ginanap sa D Vamps Restobar sa may Hobbies of Asia, Macapagal Avenue.

Hanggang bukas, May 7, ang pagbebenta niya, at natutuwa naman siya dahil ang dami na raw bumibili sa kanya.

Naipon na raw ang mga gamit niya kaya kailangan na niyang i-dispose.

Bilang paghahanda na rin daw ito sa paghahanap niya ng bagong bahay kapag maibenta na niya ang bahay nila ngayon na naka-loan pa sa bangko.

"Yung loan ko, hanggang December na lang this year, e.

"So, next year, kung saka-sakaling meron na akong makitang bahay, puwede na akong... At least, maglu-loan ulit ako, hindi na yung dodoble-doble pa."

Ito ang pahayag ni Francine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang garage sale.

SIBLING RIVALRY. Matagal nang may mga naglalabasang intriga tungkol sa pagbebenta ng bahay ni Francine, na pinag-aawayan daw nila ng kanyang half-brother.

Umabot pa raw ito sa death threat laban sa dating sexy actress.

Ayon kay Francine, "Parang, meron akong kapatid at pinipilit niyang sabihin na, parang ano, na sa lolo niya daw yun [bahay], parang ganun.

"Pero ang akin naman, dinagdag lang naman, e. Tapos, yung nagpapatuloy naman nun, ako na lahat nagbabayad, ako naman lahat.

"So, sabi ko, para wala nang gulo, pag nabenta yung bahay, ibibigay ko yung share nila para wala nang masabi.

"Sabi ko, yun lang naman yun, e."

Nababasa na noon pa sa mga ipinu-post ni Francine sa kanyang Twitter account ang mga hinanakit nito sa kanyang half-brother.

"Sabi ko nga dati, parang tingin niya sa akin, human ATM.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  wise_mico

    05/08/2011 | 04:30 PM
    May mga kapatid talgang ganyan, laging nakaasa sa bigay. Pag dumating sa punto na wala ka ng maibigay, ikaw pa ang masama na para bang obligayun mo ang magpakahirap at sumuporta at sila puro pasarap lang sa buhay. Hay hindi tayo bumabata, kailangang mag ipon din para sa ating sarili at sa ating pagtanda, at may kanya kanyang hininga tayong ibinigay ng Diyos, dapat lahat magtrabaho at magbanat kasi ng buto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  pit

    05/07/2011 | 09:39 AM
    wag na kasing tumulong, di naman nila yun pinapahalagahan, kapal...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  cutegal987

    05/07/2011 | 12:58 AM
    hay naku kung pwede lang pumili ng kapatid. sa amin 4 na magka kapatid, ako lang maayos ang buhay. yung 3 parang mga walang moralidad pero sila pa yung mayayabang akala mo kung sino hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  palachika08

    05/06/2011 | 11:16 PM
    yan ang problema sa maling pagpapalaki ng mga magulang...pero may mga anak din naman na sadyang masama ang ugali kahit pinalaking maayos ng mga magulang...inggit ang numero unong sisira sa ganitong sitwasyon...dito sa pilipinas maraming ganyan...minsan dapat lang siguro na pagtuntong ng 18 or 20 ng isang anak dapat matuto nang maging self-sufficient para matuto sa buhay....ang mga magulang naman dpat din na wag isasa lahat sa anak ang kakailaganin nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  yaralei

    05/06/2011 | 08:11 PM
    it reminds me of my mother's brother...siya na nga ang nakikinabang sa lahat ng lupain sa PI kasi nga nandito kaming lahat sya pa ang swapang..my mom is sending her daugther to college but he didnt appreciate it na para bang obligasyon namin yon..naaawa naman kasi ang mom ko sa pinsan ko kasi matalino, maganda at mabait sya kaya nakakapaghinayang kung wala syang matapos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  showbizdak

    05/06/2011 | 08:03 PM
    you have the money, ikaw ang may control kaya itigil mo na yang tulong mo sa kapatid mo. don't be a hostage sa ganyang pang-aabuso.learn from your mom's style na di talaga yan nakakatulong kung pinapaasa mo palagi coz later on you have to move . tapos kung ikaw ay lulubog sa kakatulong, tiyak 2 na kayo kasi di ka rin makakaasa sa kapatid mo.set limits.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Gemski

    05/06/2011 | 07:57 PM
    Naku yang mayabang mong kapatid, magtrabaho siya. Magpundar siya ng sarili, hindi yang umaaasa siya sa ibang tao. Kalalaking tao. Kainit ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  happy_pinoy

    05/06/2011 | 07:02 PM
    may ganyan talagang mga tao. ayaw magtrabaho puro hingi. yung kapitbahay namin na nagtatrabaho sa japan tumanda na entertainer pa rin kase naman yung mga kapatid na lalaki puro petiks. madalas mag-inuman at pag nalasing, nagwawala. francine, mahirap talagang talikuran ang kapatid lalo na wala na ang mommy mo. gusto mo silang maging maayos pero sila naman ang may ayaw. Always pray. God listens.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gindek80

    05/06/2011 | 06:12 PM
    I can relate to this story, I have a lot of bum sibling who just wait for someone to hand them money, food, and everything else. They don't have no goals in life just to be poor. I am putting my sibling and niece and nephew to school, two already drop out from college one I just heard yesterday a year after she started school now we found out she is now two months pregnant. What can we do when we have family who don't appreciate things we do for them, How I wish we can diss own family sometime. You are not alone Francine hang in there and think about your self too.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jajabolivar

    05/06/2011 | 05:55 PM
    kawawa naman si francine...dapat pabayaan na lang niya kapatid niya pag abusado..they need to learn a lesson at magbanat ng sarili nilang buto
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lotuss

    05/06/2011 | 04:28 PM
    SAME OLD STORY.. talaga !! buti sya isa lang ang kapatid nyang ganyan ako ilan sila? 10 kaming magkakapatid pero ako lahat ang takbuhan.. ang sama pa nito yung mga ibinigay ko sa kanilang puhunan ay hindi iningatan.. kaya up to now eto ko isang TANGANG KAPATID ATM nila.. kasalanan ko rin kasi pinamihasa ko sila.. well ganon talaga kung sobrang mag mahal ng kapatid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hooney

    05/06/2011 | 04:12 PM
    may mga tao talaga lalo na yung mga lalake pa naman na ang lalaki ng mga katawan na umaasa sa mga kapatid nila para mabuhay kahit puwede na sila magtrabaho
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • vayu73

    05/06/2011 | 04:04 PM
    sobrang tigas ng muka nyang kapatid mong yan, ms francine,the fact that he's just your half brother! and wala kang obligasyon sa knya, kapal talaga! hoy half brother you should be thankful to francine, kapal mo talaga!!! magbanat ka ng buto! mashadong kang linta! lalaki ka pa man din, wla kang karapatang mgpamilya, di mo nga carry sarili mo, yun iba pa kaya! dont worry ms francine madaming nagmamahal syo. go go go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • srini

    05/06/2011 | 03:26 PM
    Nag papasalamat ako sa mga magulang ko dahil di kami umaabot mag kakapatid sa ganitong bagay. lahat kami well trained sa buhay at lahat kami nag mamahalan. Di kami lumaki sa karangyaan pero ngayon tinatamasa namin yung bunga ng mga itinuro samin ng mga magulang namin. dumadating sa panahon na minsan dumadaan sa pag subok ang isa samin pero laging nakasuporta ang bawat isa. Mahal na mahal ko talaga ang parents ko pati mga kapatid ko. kahit papiliin ako ng magulang at kapatid or kahit antas sa buhay siguro dun parin ako sa dati.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hotmomma15

    05/06/2011 | 03:23 PM
    may kapatid akong ganyan!kapal muks..buhay pa magulang namin ah!tsk tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gagaka_noh

    05/06/2011 | 03:08 PM
    Ganyan tlga mga taong tamad mkkapal ang muks! Yan Dun ang society ntin sa pinas mrami tamad kya di umuunlad! Kya wag masyado mging mabait....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kikay75

    05/06/2011 | 03:08 PM
    Francine pareho tayo ng pinag dadaanan na problema. Buhay pa mga parents ko, sobrang spoiled sya ng mama ko..lahat pinagtatakpan, kahit na may ginagawang hindi mabuti..sabi ko bakit hindi nalang ipakulaung baka tuminu pa, nakakahiya daw at ano nalang ang sasabihin ng ibang tao..tsk..tsk. kung pwedi nga lang pumili ng kapatid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • vjthird

    05/06/2011 | 03:01 PM
    Hay. May mga kapatid talagang di man lang maisip yung sakripisyo ng kapwa kapatid. Yun pa ang may ganang magrebelde.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About