Dingdong Dantes defends Marian Rivera against "batukan issue" involving Manny Pacquiao; says he's willing to campaign for girlfriend in FHM poll

Rommel Gonzales
Thursday, September 01, 2011 @ 06:05PM  |  5233 views


  "Alam ninyo, ako, kahit nung partner ko siya, e, talagang ganun siya. Palabiro talaga. At saka hindi niya gagawin sa isang tao yun kung walang level of closeness, na alam niyang it will be comfortable for both, di ba?" says Dingdong Dantes about Marian Rivera's alleged inappropriate behavior towards boxing champ and congressman Manny Pacquiao.

Photo By: Sany Chua













Hindi pa alam ni Dingdong Dantes kung aahitin na niya ang bigote ngayong tapos na ang taping nila ng I ♥ You Pare ng GMA-7.

"Baka kasi gamitin namin sa pelikula kaya hindi ko pa alam kung aalisin ko na," sabi ni Dingdong tungkol sa gagawin niyang horror movie with Lovi Poe.

Ang tentative title nito ay Aswang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media people si Dingdong sa last taping day ng romantic/comedy show nila ni Iza Calzado, sa Fernbrook Gardens sa Alabang, Muntinlupa, noong Miyerkules, May 18.

Paano niya ide-describe ang naging experience ng paggawa ng I ♥ You Pare?

"Ito, sobrang masaya. Pinakamasayang show talaga na nagawa ko!

"Aside from the fact na talagang comedy siya to begin with, at yung buong atmosphere mula umpisa hanggang dulo.

"Walang moment na talagang may tension, may negative vibes—lahat talaga halos perfect na."

Ang pag-alis lang ng co-star niyang si Regine Velasquez sa mga huling linggo ng comedy serye ang ikinalungkot niya. Kinailangan ni Regine ang pahinga dahil buntis siya.

"Puwera lang talaga nung si Ate nga, hindi na makaganap as Tonya.

"Yun lang, pero bukod doon, everything was perfect," saad ni Dingdong.

Ano ang pinakamami-miss niya sa show?

"Yung Boiler Room!" mabilis niyang sagot.

Ito ang club sa Marikina Riverbanks kung saan regular na nagti-taping ang show, bilang Club Love, na mina-manage ni Dingdong bilang Kenneth.

"Parang naging bahay ko na talaga, e," sabi niya.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles
1 2

332 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name