Ayon sa singer-actress na si Karylle, na-misinterpret daw ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla nang ilagay nito sa kanyang Twitter account noong May 13 ang sumusunod:
"None of my girls got engaged. PAK! Unahan pa ako?! Ayaw. Double PAK! haha"
Ito ay may kinalaman sa napabalitang engaged na raw si Karylle at ang boyfriend nitong si Yael Yuzon ng bandang Spongecola.
Ani Karylle, "Hindi pa naman niya [her mom] kami gustong mag-asawa.
"Ang turo niya sa amin was, first thing, not to get married before you're eighteen, pero parang na-extend kami!"
Ito ang pahayag ng Showtime host sa launching niya bilang endorser ng Philips kaninang tanghali, May 25, na ginawa sa The Lounge, Tomas Morato, Quezon City.
Ayon pa kay Karylle, she will interview her mom sa birthday salubong nito sa Biyernes.
But is she looking forward na makasal na ang kanyang ina at ang Comedy King na si Dolphy matapos maghintay ng 10 years bago na-grant ang annulment ng kasal ng Divine Diva sa ama ni Karylle?
"Siyempre, it was a long process and they already had one plan na nasira dati.
"Ayoko naman na ako pa ang mag-pressure sa kanila to get married na. Siyempre, malaki na sila," sagot ni Karylle.
ANNULMENT. Pero ano ang naging reaction ni Karylle nang malaman niya that the annulment of her parents—Zsa Zsa Padilla and Dr. Modesto Tatlonghari—has been granted? Nalungkot ba siya? (CLICK HERE to read related story.)
"Siguro it was more na, finally, the healing can start.
"Kasi until it's enforced, parang there's something hanging na mabigat.
"Sabi ko, 'Kailan kaya ito matatapos?' It took 10 years.
"So, for me, it's more of prayers na lang na finally they can close that chapter in their lives," pahayag ni Karyle.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
45 hooney
44 hooney
43 showbizdak
42 gossip_to_the_max
41 benjiecarl
40 ugok88
39 loyalist
38 loyalist
37 purelife
36 ehemm
35 ehemm
34 tearhere
33 wanna_change
32 totoysipa
31 mess_y09
30 ogagikaw
29 mennie68
28 lanalang08
27 inggiteraparin
26 imate
more comments