Angeline Quinto defends Sarah Geronimo's decision not to appear together in a production number: "Si Sarah, hindi ko nakikita na insecure siya.  Sobrang natutuwa pa nga yung tao kung nasaan ako ngayon."

Melba R. Llanera
Tuesday, September 06, 2011 @ 08:36PM  |  1112 views


Angeline Quinto on being compared to Regine Velasquez: "Idol ko talaga si Ms. Regine... pero pinipilit kong gumawa ng sarili kong style."

Photo By: Noel Orsal













Lumikha ng kontrobersiya ang naging tapat na sagot ni Sarah Geronimo na ayaw na niya munang magkasama sila ni Angeline Quinto sa isang production number sa ASAP XV dahil na rin sa pagkukumpara na ginagawa sa kanila ng Star Power Grand Winner. 

Kasabay nito ang paglabas ng mga balita na na-i-insecure at mukhang may malalim na kumpetisyon daw sa pagitan nila Sarah at Angeli.

When PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) interviewed Angeli last Sunday on ASAP XV, aminado naman ang singer na nanghihinayang siya na di muna sila magkakakasama sa isang production number ng Pop Princess pero naiintindihan din naman niya ang pinupunto ni Sarah. Dinepensahan niya rin si Sarah sa patuloy na intriga na insecure daw sa kanya ang singer/actress.

"Ako talaga, hindi ko iniisip na kalaban ko si Sarah Geronimo, siyempre  nag-umpisa ako Sarah Geronimo na 'yan saka alam naman nila na ini-idolo ko si Sarah.  

"Kung nakakahinayang, hindi naman masyado pero naiintindihan ko ang side ni Sarah kasi kahit ako mas okay na sa akin yung magkasama kami sa ASAP na hindi kami pinagsyu-showdown para wala nang issues," ang sabi ni Angeli.

"Si Sarah, hindi ko nakikita sa kanya na insecure siya.  Sobrang natutuwa pa nga yung tao kung nasaan ako ngayon. Okay si Sarah at sobrang supportive niya sa akin," dagdag pa niya.

Hindi rin itinago sa amin ni Angeline na kahit aprubado siya sa idea na hindi muna sila magsama sa isang production number ng Pop Princess, nandun pa rin ang kagustuhan niyang magkasama sila.

"Nagkasama na kami sa production number dati pero yun ang una at feeling ko huli nang pagsyu-showdown sa amin. Oo naman, gusto ko, kapag halimbawa, kanta niya kasi gusto ko rin yung mga kanta niya.

"Yung mga nakaraan, mayroon din kaming pinagsamahang production sa ASAP, launching ng album niya.  Okay naman, sobrang ganda ng kanta."

Klinaro din sa amin ni Angeline na magkaibigan sila ni Sarah at bukas ang komunikasyon sa kanilang dalawa.  Hindi nga lang nila pinag-usapan pa ang pagsasabong na ginagawa sa kanila ng ibang tao.

"Magkaibigan  kami ngayon talaga. Nung nagsimula akong pumasok sa ASAP, nagkaka-text kami.  Ayoko nang pag-usapan pa yun, wala kaming pag-uusap na ganyan.

"Basta lagi lang kaming nagkukuwentuhan kung saan ka galing, anong ginawa mo ngayong araw. Ganun lang tapos good luck lagi."

Matagal nang issue ang malaking pagkakahawig raw nito kay Regine Velasquez kung saan naparatangan pa nga si Angeline na sinasadyang ginagaya raw talaga niya ang Asia's Songbird.

Dahil ba sa sinasabing ito ay naisip na niyang may baguhin sa kanya para sabihing di siya nanggagaya?

"Wala akong balak na ipabago sa itsura ko pero pinipilit ko talagang baguhin sa ngayon ay yung pagkanta ko ng medyo nakakunot ang noo.  Bata pa lang ako ganun na ko kumanta, e, ngayon parang mas nabigyan pa ng issue na mas nagiging kamukha ko si Ms. Regine, e, pareho lang sigurong malungkot ang mga mata namin.

1  2  Next »

Related Articles

37 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name