features

Mayor requests that sexy billboards of national rugby team Philippine Volcanoes be taken down

by Nerisa Almo posted on October 6, 2011  STATS: 535 Views | 66 Comments


  "Hindi ko pinapaalis, I am just requesting advertisers to have it removed," says Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos about removing the sexy billboards of national rugby team Philippine Volcanoes. He also reasoned out, "That road is in the center of Metro Manila, ang daming dumadaan."

Photo By: Courtesy of Bench

Hiniling ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na tanggalin ang sexy billboard ads ng mga miyembro ng national rugby team na Philippine Volcanoes sa Guadalupe.

Unang lumabas ang balita nang mag-post sa Twitter si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian kaninang hapon, Hulyo 7, na kinukumpirma ang pagpapatanggal ng apat na billboards ng Bench, kung saan pitong miyembro ng Philippine rugby team ang nakasuot lamang ng underwear.

Ani Mayor Gatchalian, "Good news! Just talked to Mayor Abalos of Mandaluyong. He ordered the removal of the 'men in briefs' billboard! Thank you Mayor Abalos!"

Sa ikalawang post, sinabi niya kung ano ang naging pahayag sa kanya ni Mayor Abalos.

"Mayor Abalos: 'I personally investigated it and I myself was shocked to see it! Thanks again!' Kudos Mayor Benhur Abalos!"

Samantala sa ulat ng ABS-CBN News, nilinaw ni Mayor Abalos na, "Hindi ko pinapaalis, I am just requesting advertisers to have it removed."

Dahil dito, nangako umano ang advertiser na tatanggalin na ang mga naturang billboard.

Sinabi rin ni Abalos na ang mga billboard na kung tawagin ng ilan na "men in briefs" ay hindi kaaya-aya lalo pa't inilagay ito sa "busy area."

Inaalala rin umano niya ang mga bata na maaring makakita ng ad.

"That road is in the center of Metro Manila, ang daming dumadaan," sabi ni Mayor Abalos.

Agad naman niyang nilinaw na hindi isyu rito ang moralidad.

"Baka sabihin nila nagpapaka-moralista ako. I'm not very conservative," sabi ng mayor ng Mandaluyong City.

Bukod sa billboard ng Philippine Rugby Team, titingnan din umano ni Mayor Abalos ang underwear billboard ni Aly Borromeo, ang team captain ng national football team na Phillippine Azkals, na matatagpuan din sa kahabaan ng Edsa.

Matatandaang sa nakaraang artikulo ng PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) na kaya umano ginawa ng Philippine Rugby team ang sexy pictorial ay upang maipakilala ang grupo nila sa publiko. (CLICK HERE to read related article.) 

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

66 Comments

  • 66  Lokotoy

    10/10/2011 | 01:57 AM
    Si aiza kaya ang magmodel ng brief.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  paket

    07/13/2011 | 04:45 PM
    dapat nga mga sexy billboard ng mga babae ang alisin para bumaba ang bilang ng panggagahasa sa pilipinas..kuha nyo??!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  n9sapphire

    07/11/2011 | 07:18 PM
    hay naku naman alangan nka t-shirt men's under wear nga, insecure nga ba o type nila hahah walang mali jan grabe naman sa atin di mo maintindihan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  zama_jap

    07/09/2011 | 07:40 PM
    baka naiinggit yung dalawang mayor kc Jutay yung sa kanila at pag tinitingnan nila ang billboard nakaka insecure para sa kanila kaya pinapatanggal...hahahaha!!..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  kilabotako

    07/09/2011 | 03:32 PM
    alam nyo po,,wala ngang malaswa sa naka brief na ganyan,,kaya lang,,halos kase,ng nakabalandra sa mga high way o daanan ng mga sasakyan e malalaking billboards ng mga lalakeng naka brief,wag naman,,sana,..still,,balanse padin ang culture ng pinas diba,,stillintact ang decency at values ng bawat isa,,ok lang sana,,if maliit lang na size ng billboards,,pero higante padin,,its gud idea na ipababaa ng mga ganyang,billboards,sore eyes mga yan,wag naman nating ipangalandakan ang mga ganyn,,sabi ko nga,,i export natin ang mga iyan sa ibang lahi,sa europa at america,,but not here in phils,.respeto sa culture kahit pa sana open country tayo,,ok,,wag sa daanan ng madaming tao,,wag kayong pa obvious,..ok,,linisin ang pinas,ang maynila,dpt ang dumaming makita ng mga tao ay mga higanteng gusali gaya sa middl eats,mga hotels,,hidni pashowbiz na billboards,for wat!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  keen

    07/08/2011 | 09:13 PM
    so outback ideology... Greece thousand of years ago has nude sculptures considered as arts...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  keen

    07/08/2011 | 09:12 PM
    What is happening to the mayors in the Philippines?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  critical_critic

    07/08/2011 | 08:48 PM
    natawa naman ako dun sa nagcomment na pano kaya nila abalos at gatchalian gusto ipa-advertise sa billboard ang mga briefs... nakasampay? havey na havey ahahahahaha oo nga, malaswa daw pag suot ng mga hunks eh. pag si bentong at palito ang model baka ok lang kila mayor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  lotuss

    07/08/2011 | 06:03 PM
    Nakakalohhhhhh !!! yang 2 mayor na yan ha.. ano kaya ang malaswa sa naka brief lang na poster?? baka gusto nila silang 2 ang dapat na model..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  hellopinkkitty

    07/08/2011 | 01:25 PM
    mga hypocrito!!! ang papangit at ang tatanda nyo kasi mga insecure!!! takot kasi kayo na makita ng mga girlfriend ninyo at matauhan! Kung picture kaya ninyo na kasama mga kalaguyo ninyo ang ipalit natin sa billboard??? Paging Mayor Benjamin Abalos and Miss Mandaluyong Erica Bagang, helloo!!! Kalat na kalat na sa internet yun pictures ng pagtatagpo ninyo. Ano kaya masasabi ni Tatay Benhur Abalos, naku mapapakain pa sya ng mas maraming hamburjer sa wack wack.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  walau_we

    07/08/2011 | 12:45 PM
    paalis and remove have same meaning d ba mga ka-pep. what's the diff mayor? its not so malaswa to look at nman. agree aq dun sa inyo, billboard ng 2 mayor ang ilagay much better pagtabihin. heh hehe hehe.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  walau_we

    07/08/2011 | 12:45 PM
    paalis and remove have same meaning d ba mga ka-pep. what's the diff mayor? its not so malaswa to look at nman. agree aq dun sa inyo, billboard ng 2 mayor ang ilagay much better pagtabihin. heh hehe hehe.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  alimango21

    07/08/2011 | 10:40 AM
    palitan n lng yan ng billboard ni abalos at ni gatchalian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  wanna_change

    07/08/2011 | 09:43 AM
    they need money, give them. id-iot Mayor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  dunnzerr

    07/08/2011 | 09:38 AM
    Si Mayor shokoy yan pustahan tayo . nakatago ang ka elyahan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  dunnzerr

    07/08/2011 | 09:33 AM
    Maybe the mayor is a member of the closeted federation and and maybe na eh L. siya each he see those gorgeous bosies. Its an art. Christsake you so hypocrite mayor.... am sure you have nothing to show in between your legs. The billboards are an eye candy. enjoy it. Amen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  annieyt

    07/08/2011 | 09:28 AM
    ayaw ni ng 2 mayor n yan ang mga lalaking nkabreif kc lalabas ang kanilang pagkababa e gusto nila mga nkabikini para lumabas an g kanila .... at naiinsecrure ang mga yan kc ala sila mga mggandang kalawan n meron sa billboard.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  shan_chikadora

    07/08/2011 | 09:05 AM
    Di ko pa nga nakikita ung billboard.pinapatanggal na ni Mayor...ano bah? they are food for the eyes.. Pag nadadaanan mo un, they are STRESS reliever After a hard day's work. C Mayor talga..alam niyang hunks xe at not for him ay ok lang ipatanggal..pag babae, mgdadalwang isip..Guys ganun din ang batas natin ngeon, kung ano ang favorable sa mga congressmen, un ang ipinapatupad na batas..Philippines wake up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  semsem

    07/08/2011 | 08:04 AM
    hindi ko pinapaalis.im just requesting advertisers to have it removed..............ano ba talaga mayor?may pagka obs ka din pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  thelastpepbender

    07/08/2011 | 07:38 AM
    sa BENCH rin ba to? HOT kasi ang dating so medyo malaswa talaga. GOOD FOR US MORE THAN 18 years old to see this but for the CHILDREN? NOT YET!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About