Nilinaw ng hunky actor-TV host na si Derek Ramsay ang mga isyung kinasasangkutan niya sa live interview niya sa The Buzz noong Linggo, May 29.
Sinasabing kakambal ng pagiging "hot star" o ng isang artista ang mga intriga.
Ano ang masasabi ni Derek dito?
"I guess now... Sa umpisa, I didn't believe that.
"I strongly believe that it's there," sabi niya.
So, ngayon, naniniwala na siya na kasama sa pagiging sikat na artista ang intriga?
"Yes, it's non-stop," sagot ni Derek.
"Kami ni Angel [Angelica Panganiban, his girlfriend], we're working and we're blessed with a lot of work right now.
"Parang the more work we have, the more we're blessed.
"Parang kapag may oras kami na wala kaming trabaho, we have time for one another, parang timing naman, wala kaming intriga."
CANCER RUMOR. Isa sa mga lumabas na usap-usapan noong mga nakaraang araw ay ang pagkakaroon diumano ng cancer ni Derek.
Kung sa ibang issues ay hindi masyadong apektado ang aktor, dito sa intrigang ito ay aminado si Derek na talagang naapektuhan siya.
"Actually, the only one that really affected me was the cancer issue," sabi ni Derek.
"Not because dahil sa akin, kasi alam ko namang walang cancer.
"I was flying to Zurich [Switzerland] with KC [Concepcion], Matteo [Guidicelli], and Bugoy [Drilon]...





