Claudine Barretto on persistent rumors about her marriage and so-called medical condition: "Sometimes nakakapikon na. It's not funny anymore."

Ruel J. Mendoza
Wednesday, October 12, 2011 @ 10:23PM  |  6386 views


  "Nakakatawa naman ang balitang 'yan, kasi nga porke't hindi ka nakikita sa TV or sa movies, ibig sabihin may sakit ka na. Ibig sabihin na may problema na sa pagkatao mo. Tapos matindi pa itong lumabas na nagpa-rehab daw ako. Nakakatawa na minsan ay nakakainis na," says Claudine Barretto.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Almost six months hindi napanood sa anumang TV show si Claudine Barretto.

Huli siyang napanood sa Christmaserye ng GMA-7 na Jillian: Namamasko Po kunsaan bida ang child actress na si Jillian Ward.

Ngayon ay balik sa paglabas sa telebisyon si Claudine via Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui.

Nagsimula nang mag-taping si Claudine para sa naturang suspense-comedy series na ito na tatakbo ng apat na linggo simula mamayang gabi, July 2.

Naabutan nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine na naghahanda para sa isang eksena sa set ng Spooky Nights sa Mayon Street, Manila last June 30.

Sa naging panayam namin kay Claudine, sinabi nitong sobra niyang na-miss ang maging busy.

Noong wala pa raw siyang tinatanggap na project ay madalas niyang kasama ang mga anak nila ni Raymart Santiago na sila Sabina at Santino.

Kuwento niya, "Nataon naman na summer vacation ng mga bata kaya ako ang nakakasama nila madalas.

"Namamasyal kami kunsaan-saan. Minsan nasa mall kami or out-of-town.

"I enjoyed my free time with my kids kasi noong naging busy ako taping for Jillian noon, halos wala akong oras sa kanila.

"Tapos si Raymart, naging busy din siya sa Bantatay.

"Kaya noong parehong nalibre kami ng mister ko, ayun at panay ang labas namin.

"Kami naman ni Raymart, nag-out of the country naman kami para ma-celebrate namin ang wedding anniversary namin last March.

"So, maraming nangyari sa akin noong hindi ako visible masyado. Mas nakatutok ako sa family ko.

"But now at dalawang shows ang gagawin ko for GMA-7, ready na ako.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

231 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name